------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:
Kulani sa Leeg at Balikat
Question: Grace, Philippines (April 27, 2009)
good pm po, masakit po ang ibabang bahagi ng leeg ko. parang sa leeg at balikat, meron po akong nakapa na parang kulani di naman po ako nilalagnat, pero di po masakit pag lumulunok, masakit lang po pag hinahawakan, pwede pa rin po ba ako mag take ng contraceptive pills pang 2nd pack ko na po di po ba makakaapekto or lalala ang kulani sa leeg ko, thank you po and God bless.
------------------
Answer:
Hi Grace,
Ang mga kulani ay kadalasang lumilitaw sa leeg, sa ilalim ng panga, at sa paligid ng tenga. Ito ay maliliit lamang, di man kalahati ng isang holen, at ito ay malalambot at gumagalaw. Kung mas malaki dito ang nararamdaman mo sa leeg mo, matigas, at di gumagalaw, baka hindi kulani ito. Mainam pa rin na maipakita sa doktor upang malaman kung ano talaga ang sanhi nito.
Walang epekto ang contraceptives sa kulani, kaya pwede mong ipatuloy ito.
Salamat sa iyong tanong,
Ramon A. Diaz
Medical Coordinator
OFWParaSaPamilya.com
-------------------
Wednesday, April 29, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment