Sunday, April 19, 2009

Frequent Urination

-----------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:
Madalas Nag-iihi


Question: Randy (South Korea) April 17, 2009

normal po ba ng paghihi ng madalas? kc po nararanasan ko ang ganon.

-----------------

Answer:

Dear Randy,

Maaring dahil lamang sa panahon ang madalas na pag-ihi. Maaring ding dahil sa dami ng iniinom na tubig o kape o alak. Ngunit may mga sakit din na maaaring maging sanhi ng madalas na pag-ihi, katulad ng urinary tract infection, lalo na kung ang kasama nito ay mahapding pag-ihi, panghihina, at lagnat. Ang diabetes ay maari ding sanhi ng madalas na pag-ihi, lalo na kung may lahi ka nito. Kung ikaw ay 40 or 50 taong gulang, dapat ding siguraduhin na walang problema sa prostate gland. Maaaring mag-konsulta sa isang urologist para kompleto ang eksaminasyon.

Maraming salamt sa iyong tanong.
Priscilla D. Sanchez, MD
OFWParaSaPamilya.com


---------------------

No comments:

 
Web Design by WebToGo Philippines