Sunday, July 12, 2009

MAILBOX Q&A (Ang Inyong Mga Katanungan)

------------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:
Pagbubuntis

Question: Honey (Canada), July 8, 2009

Maari po ba akong mabuntis kung nakipagtalik ako sa panahon na my regla(una at sa ika apat n araw ng regla)?Dalawang linggo pagkatapos ng regla maari po ba akong magpregnancy test? Nakadama po ako ng mananakit ng dede sa magkabilang gilid, sintomas po ba ito ng pagkabuntis? S alamat po ng marami sa pagbasa,umaasa po ako na inyo pong matugunan ang aking mga katanungan.

-----------------------
Answer:

Ang mg araw ng pagreregla ay ang safest days na makipagtalik kung ayaw mabuntis ng isang babae,
dahil sa mga araw na ito, walang egg ang mafefertilize ng sperm dahil hindi handa ang matris na tumanggap ng fertilized egg. So maliit ang posibilidad na buntis ka, ngunit it is best kung makpa-pregnancy test ka talaga. And the best time to do this is when you miss a period for the first time kung regular ang cycle mo.

Salamat sa iyong tanong,
Ramon A Diaz M.D.
Medical Coordinator
OFWParaSaPamilya

---------------------

Submit your thoughts on this question by clicking on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!

Click here to set an appointment with the psychologists and doctors on our website.
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com

----------------------

Thursday, June 11, 2009

Injectible Contraceptives

-------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:
Injectible Contraceptives

Question: Lynn, (Canada) June 2, 2009

Hi! Maaari po bang mgtanung tungkol po sa akin menstruation?bali and2 aq sa canada, umuwi aq lastyer May 2008 pra mgpakasal sa future husband ko. pagdating na ko nun sa pinas agad po aq ngpa inject sa malapit po sa aming barangay clinic pra hnd po aq mabuntisan. ng spend po aq ng vacation q ng almost 4months until september na bumalik na aq d2 sa canada. then since MAY 2008 until now June 2009 hnd prin po aq dinadatnan ng aking menstrution? anu po kaya ang problema sa akin period? umaaasa po aq ang inyong kasagutan..salamat po!

-----------------

Answer


Dear Lynn,

Marami nang available na tinatawag na injectable contraceptives sa ngayon. Sana'y alam mo kung
ano ang pangalan ng gamot na ibinigay sa iyo. Mahalaga na inaalam ang anumang gamot na binibigay sa iyo. Ang mga injectable na contraceptives na ito ay safe naman at nakapagdudulot ng pangmatagalan na proteksyon laban sa pagbubuntis. Depende sa gamot na naibigay sa iyo, maaaring may proteksyon ka ng isa, dalawa, o tatlong buwan bago ka mangailangan ng panibagong injection. Kung hindi ka na nagpaturok ulit, maaaring umabot ng lima o anim na buwan bago ka mag-ovulate ulit at magkaroon ng regla. Minsan nagkakagulo talaga ang menstrual cycle dahil sa mga gamot na ito. Kung may health insurance ka diyan sa Canada, mas mabuti na ikaw ay magpatingin sa gynecologist, lalo na kung nag-iisip na kayo ng asawa mo na magka-anak na.

Maraming salamt sa iyong tanong.
Priscilla D. Sanchez, M.D.
Medical Coordinator
OFWParaSaPamilya

------------------

Submit your thoughts on this question by clicking on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!

Click here to set an appointment with the psychologists and doctors on our website.
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com

---------------

Arthritis

-----------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:
Arthritis

Question: Joanna, (Philippines) June 4, 2009

Message : hello po just wanna ask if may connection po ang pamamaga ng kamay at pagmamanhid ng daliri sa arthritis??? kasi po ang mama ko almost a week na po niya iniinda yung pangigimay ng kamay niya ano po kya ang mabisang gamot dito?
salamat po..hope to hear you soon..

-----------------------
Answer

Dear Joanna,

Ang pamamaga ng kamay at pagmamanhid ng mga daliri ay maaaring konektado sa ibang mga tipo ng arthritis, katulad ng tinatawag na rheumatoid arthritis. Hindi lamang ang mga kasukasuan ang kasali dito sa sakit na ito, dahil ito ay isang "systemic disease". Kung may nahawakan ang mother mo na maaaring maging sanhi ng allergy, pwede rin na allergic reaction ang kanyang nararanasan ngayon. Mahirap magreseta ng gamot kung hindi namin nakikita ang pasyente dahil maraming kailangang pag-usapan at eksaminin. Kung wala siyang mapupuntahan na doktor, handa kaming gumawa ng appointment para sa kanya.

Maraming salamat sa iyong tanong at sana'y makatulong pa kami sa iyo.

Priscilla D. Sanchez, M.D.
Medical Coordinator
OFWParaSaPamilya

---------------

Submit your thoughts on this question by clicking on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!

Click here to set an appointment with the psychologists and doctors on our website.
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com

---------------

Tuesday, May 26, 2009

Intramural myoma

-------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:
Intramural myoma

Question: Mila, (Lebanon) May 25, 2009


im a contract worker. mgmula ng sbhn ng doctor ko s obgyne may intramural myoma me 2.5 cm ay nmamayat me. hnd me bnbgyan ng gmot dahl hnd ko raw kailngan treatmen. ano mganda kong gawin pls help me

Answer:

Hi Mila,

Ang 2.5 cm myoma ay maliit at kadalasan ang intramural myomas ay hindi ginagamot maliban na lamang kung ito ay lumaki at nagiging sanhi ng mga sumusunod na symptoms: 1) presyon sa bladder or colon, 2) unbearable pain in the back, legs or lower abdomen, 3) labis labis at matagalang pag-reregla. Ang mga myoma ay kadalasan nawawala pagka nagmenopause na ang isang babae o sa pamamagitan ng hormone treatment. Kung masyado ng malaki ang myoma at nararamdaman na ng labis ang mga symptoms, surgery is indicated.

Kailan na diagnose itong myoma mong ito?
Maaring may ibang dahilan kung bakit nangangayayat ka.

Mas mainam kung magpakita ka muli sa doctor, ulitin ang pap smear at ultrasound kung one year nang nakaraan yung pagawa nito. Kailangan ring hanapin ang ibang mga maaring dahilan kung bakit ka nangangayayat.

Kung gusto mong makipag-appointment sa isa sa aming mga doctor dito, ipaalam mo lang sa amin. Kami ay handang tumulong!

Salamat sa iyong tanong,
Ramon Diaz Jr.
Medical Coordinator
OFWParaSaPamilya

---------------

Submit your thoughts on this question by clicking on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!

Click here to set an appointment with the psychologists and doctors on our website.
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com

---------------

Monday, May 25, 2009

Dumudura ng Dugo

--------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:

Tuberculosis

Question: Rhea, Philippines (May 23, 2009)

Good morning po Doc. may sakit po ako ngayon dumura po ako ngayon ng dugo, Ibig sabihin po may tuberculosis po ako.Kasi last month nagkaroon po ako ng high fever tapos po ngayong month na ito sumasakit po ang likod ko po at pag inuubo po ay sumasakit po ang likod po.Ngayon po ay dumura po ako ng dugo. Maari nyo po ba akong matulungan sa kondisyon ko pong ito.

Answer:

Dear Rhea,

Mataas talaga ang incidence ng tuberculosis sa Pilipinas, at ang pagdudura ng dugo ay maaaring sintomas nito, lalo na kung may lagnat, may ubo, at nangangayayat ka. Hindi lamang tuberculosis ang maaaring sanhi ng pagdura ng dugo, pero kailangangang magpatingin sa doktor at magpa x-ray sa lalong madaling panahon. Ang tuberculosis ay isang infection na hindi mawawala kung walang antibiotic. Nakakahawa rin ito, kaya kung ma confirm na meron ka nito, dapat ring magpatingin ang mga kasama mo sa bahay.

The sooner you see a doctor, the sooner the source of the problem can be isolated and proper treatment can be initiated.

Salamat sa iyong tanong.
Priscilla D, Sanchez, M.D.
Medical Coordinator
OFWParaSaPamilya

---------------

Submit your thoughts on this question by clicking on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!

Click here to set an appointment with the psychologists and doctors on our website.
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com

---------------

Friday, May 22, 2009

DNA Paternity Test

----------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:
DNA Paternity Test


Question: Lito (South Korea), May 18, 2009

magkano ho ba mgagastos sa DNA test at pwede nyo po b akong matulungan . thankz n god bless

Answer:

Hi Lito,

Thank you for your question on the costs for a DNA Paternity test.

Tumawag kami sa mga ospital at laboratories sa Manila, at iisa lamang ang gumagawa daw ng DNA Paternity test. Ito ay ang St. Luke's Hospital, at ang sabi ng ospital na ito sa amin, ang cost daw ng DNA test ay Pesos 65,000.00 plus Pesos 1,000.00 for doctor's consultation. Ang sabi nila kasama daw sa test ang tatay, nanay at anak.

Handa kaming maka-tulong sa inyo na mag-arrrange para sa mga tests na ito. Ang fees namin para sa aming sariling gastos ay Pesos 150 lamang.

Maraming salamat,
Domingo Diaz
Website Coordinator
OFWParaSaPamilya.com

-------------------
Follow-up Question:

di po ba pwede matawaran at kung tatay lang at anak magkano po .thankz n gobless po.

Answer:
Kailangan daw na ma-test ang tatlong tao: tatay, nanay at anak. We will check again if there may be other hospitals that do these tests at a lower cost. Maraming salamat.


---------------

Submit your thoughts on this question by clicking on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!

Click here to set an appointment with the psychologists and doctors on our website.
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com

---------------

-------------------

Wednesday, May 20, 2009

Allergy While Drinking

-----------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:
Nangangati Kapag Umiinom

Question: Milez (Philippines), May 18, 2009

tanong ko lng po pag umiinom po kasi ako ng alak sobrang nangangati na yung likod tapos po nagkakaroon na ako ng parang mg butlig n mupupula,, bakit po kaya ganon.. tnx


Answer:

Dear Milez,

This sounds like an allergic reaction. Kailangan mong malaman kung allergic ka sa alak o sa mga pulutan na kinakain mo habang ikaw ay nag-iinuman at itigil mo ang pag-inom o pagkain na ito.

Maraming salamat sa iyong tanong.

Ramon Diaz Jr., MD
Medical Coordinator
OFWParaSaPamilya.com

---------------

Submit your thoughts on this question by clicking on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!

Click here to set an appointment with the psychologists and doctors on our website.
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com

---------------
 
Web Design by WebToGo Philippines