--------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:
Mga Sakit sa Buto at Tuhod
Question: Grace (Philippines), May 12, 2009
hi doc, ask ko po tungkol sa mister ko nagsasasakit kasi ang mismong kanang tuhod nya 34 yrs. old po 5'7 di ko lang po sure timbang nya pero payat sya, matagal na po sumasakit ang buto sa tuhod nya, kapag minamasahe ko po parang may hangin kapag ginagalaw ko yung buto sa tuhod nya, ano po ba magandang gamot para sa pag kirot ng tuhod nya, wla nman po mapula or maga sa binti, hita at tuhod nya posible rin po ba na namama na yung ganyan sakit kasi po sabi ng mister ko yung lola daw po nila ganun din daw po, at ano rin po ba magandang vitamins para magkalaman po sya payatot kasi e, maraming marami pong salamat
Answer:
Dear Grace,
Ang mga joint pains ay pwedeng dahil sa arthritis. Maraming sanhi ng arthritis tulad ng gout o autoimmune diseases. Baka naman ay may ligament o cartilage sa tuhod na na-injure niya. Mga infection ay pwede ring maging sanhi ng joint pains. Sinabi mo payat din ang asawa mo, maaari kayang mayroon siyang tuberculosis? Ang TB ay pwede rin na pumunta sa mga buto to cause bone and joint pain. Tungkol naman sa vitamins, ang kailangan niya siguro ay pampagana at hindi lang vitamins. pwede siyang uminom ng Mosegor 1 capsule once a day.
Grace, mas mainam kung dalhin mo siya sa isang doctor parang ma-check siya. Pwede ka naming matulungan gumawa ng appointment sa isa sa mga doctor namin.
Salamat sa iyong tanong,
Ramon A. Diaz MD
Medical Coordinator
OFWParaSaPamilya
---------------
Submit your thoughts on this question by clicking on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!
Click here to set an appointment with the psychologists and doctors on our website.
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com
---------------
Friday, May 15, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment