Monday, May 25, 2009

Dumudura ng Dugo

--------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:

Tuberculosis

Question: Rhea, Philippines (May 23, 2009)

Good morning po Doc. may sakit po ako ngayon dumura po ako ngayon ng dugo, Ibig sabihin po may tuberculosis po ako.Kasi last month nagkaroon po ako ng high fever tapos po ngayong month na ito sumasakit po ang likod ko po at pag inuubo po ay sumasakit po ang likod po.Ngayon po ay dumura po ako ng dugo. Maari nyo po ba akong matulungan sa kondisyon ko pong ito.

Answer:

Dear Rhea,

Mataas talaga ang incidence ng tuberculosis sa Pilipinas, at ang pagdudura ng dugo ay maaaring sintomas nito, lalo na kung may lagnat, may ubo, at nangangayayat ka. Hindi lamang tuberculosis ang maaaring sanhi ng pagdura ng dugo, pero kailangangang magpatingin sa doktor at magpa x-ray sa lalong madaling panahon. Ang tuberculosis ay isang infection na hindi mawawala kung walang antibiotic. Nakakahawa rin ito, kaya kung ma confirm na meron ka nito, dapat ring magpatingin ang mga kasama mo sa bahay.

The sooner you see a doctor, the sooner the source of the problem can be isolated and proper treatment can be initiated.

Salamat sa iyong tanong.
Priscilla D, Sanchez, M.D.
Medical Coordinator
OFWParaSaPamilya

---------------

Submit your thoughts on this question by clicking on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!

Click here to set an appointment with the psychologists and doctors on our website.
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com

---------------

5 comments:

chezka sy said...

my pulmonary tuberculosis poh ako.. may posibilidad poh bang lumala at maging TB ng tuluyan un.. kc dumura poh ako ng dugo... at matagal ko na din poh nahinto ung pag gagamot ko..pls pakisagot poh

Khel Mhalditta said...

wala po akong nararamdamang sakit tulad ng lagnat ubo o sipon pero habang naglalakad nakaramdam po ako ng pagkaduwal at dugo po ang lumabas, may karamihan din po ito, ano po ba marahil ang dahilan?
please answer thanks

Irish Gañenas said...

Yung boyfriend ko po Doc ay dumura daw sya ng may kasamang dugo. Nung nkaraan ay mangyari din po sakanya yun ngunit makalipas ang ilang buwan ay nawala Ito at umulit na naman ngayon. May TB na po ba sya?

Irish Gañenas said...

Yung boyfriend ko po Doc ay dumura daw sya ng may kasamang dugo. Nung nkaraan ay mangyari din po sakanya yun ngunit makalipas ang ilang buwan ay nawala Ito at umulit na naman ngayon. May TB na po ba sya?

Liahtots Sarip said...

Dok nagpa check up po ako last week ang sabi po ng doktor ko may asthma po ako pero Mukha raw akong may TB kaya magpapa X-ray pa daw po ako sinunod ko po ang sinabi ng doktor ko tapos po nung tapos na hindi pa daw po ngayon makukuha ang resulta kasi nung gabi na po... ubo po ako ng ubo tapos biglang lumabas po ay dugo
Dok ano po ba sa palagay nyo ang sakit ko?

 
Web Design by WebToGo Philippines