Wednesday, October 1, 2008

----------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:
Sakit na Namamana sa mga Magulang (Genetic Sicknesses)


Question from: Loyola (Seoul), September 24, 2008

Hello po Dra.
Ask ko lang po kung possible din po bang mamana ng isang anak sa kanyang magulang ang sakit na kanilang dinanas? Kasi po nagwo-worried lang po ako..........thanks po
---------
Answer:

Dear Loyola,
Mahaba ang listahan ng mga sakit na mayroong tinatawag na "genetic component", na namamana ng anak sa kanilang mga magulang. Kasama na dito ang high blood pressure, diabetes, ibang cancer, at mga karamdaman sa isip.

Subalit ang pagkamana ng sakit ay kadalasang naiimpluwensya ng pangaraw-araw na gawaing pambuhay ng tao. Kasama dito ang trabaho, pagkain na pinipili, pageehersisyo, at mga nakasasamang gawain tulad ng paninigarilyo, paglalasing, at paggamit ng droga.

Ang mga sakit na namamana ay maaaring maagapan sa pamamagitan ng pagpapa check-up sa doctor, pananatili ng malinis na kabuhayan, at pagbabawas ng "exposure" sa mga bagay na maaaring makasama sa katawan. Ang ilan sa mga sakit na ito ay mahirap maiwasan ng tuluyan. Mahalaga na obserbahan ng mabuti ang iyong anak at magkaroon ng mabuting relasyon sa kanya upang malaman sa madaling panahon kung may karamdaman siya, maging pangkatawan o sa pag-isip.

Marami nang mga "Wellness Center" sa Maynila na maaaring makatulong sa tinatawag na "early detection" ng mga sakit na ito para maiwasan ang mga komplikasyon.

Priscilla Sanchez, M.D.
Medical Coordinator
For ofwparasapamilya.com

Editor's Note:
One of the hospitals mentioned in our website has an excellent Wellness Center, organized into various sections to serve each member of your family. Please call or email if you would like further information.
_______
Submit your thoughts and questions on this article by simply clicking on the word "comments" just below. Ask questions; share your thoughts, feelings and experiences. Click on "Magtanong sa Doktor", or "Magtanong sa Psychologist" or join the e-PinoyTalk forums. Stay in touch!

Hindi ka nagiisa... One. Filipino. Never Alone.
_______

No comments:

 
Web Design by WebToGo Philippines