-----------------------------------------------------------------------------------------------
Family Care:
Stages in a Long-Distance Marriage
(Ang Karaniwang Nangyayari Kung Matagal Nawalay Ang Mag-Asawa)
Question: Essa (Bahrain), October 8, 2008
Ano po ba ang psychological effect at karaniwang nangyayari sa mag asawa sa isang OFW na nawawalay ng matagal sa asawa, for example, mga more than 6 years na hindi nakakauwi?
----------------
Answer:
Dear Essa,
“Long distance relationship” ang tawag sa situation ninyong mag-asawa na matagal na hindi nagkikita, in your example, for more than 6 years. May mga emotional stages na dinaraanan ang mag-asawang OFW na nawawalay na matagal. These stages are:
1. Sa una, masaya at excited, sapagka’t ito yung opportunidad na pinaghihintay nilang mag-asawa. This stage lasts until the time of separation.
2. Pagnakaalis na ang OFW, maguumpisa ang pagkalungkot or mild depression. Ito ay mararamdaman ng mag-asawa. Ito ay kailangan alalayan upang hindi lumala at maging tunay na depression. (N.B. Click here to read our Agap Kamay Articles on Loneliness and Depression, and click here on a Q&A on the same matter.)
3. Ang ikatlong stage ay ang tinatawag na “detachment phase”. Dito, parang pinaghahati sa pag-isip ng mag-asawa ang kanilang buhay. Una, yung parte ng kanilang buhay na magkasama silang mag-asawa. At pangalawa, yung buhay ng sila’y hiwalay. Itong stage na ito ay kailangan upang malunasan ang pagkalungkot at magkaroon ng lakas upang ipatuloy ang buhay sa araw araw.
4. Ang pang-apat na stage ay ang “reconnecting phase.” Ito ay nangyayari pag umuuwi ang OFW upang magbakasyon o pagkatapos na nang kontrata, o kung maka-bisita naman yung asawa sa bansa ng trabaho ang OFW.
Para sa mga mag-asawang matagal nang hindi nagkikita, katulad ng example mong 6 years, Essa, ang detachment phase ay maaring maging permanente kung hindi aalalayan ng mag-asawa. The most difficult part of maintaining a long distance relationship is maintaining a feeling of being part of one another’s life. “Intimacy” ang tawag nito. Kasama sa “intimacy” ang makibahagi ng mga nararamdaman, mga problema, mga kinatatakutan atbp. Kasama rin sa “intimacy” ang mag kuwento ng mga pangyayari sa araw araw, mga karaniwang gawain atbp. Mayroon mga paraan na maaring makatulong sa mga mag-asawang OFWs na nasa ganitong kalagayan:
1. Gamitin ang teknolohiya katulad ng internet, upang makapag connect sa asawa at pamilya. Ang Skype o Yahoo Messenger ay mga paraan na napakagaling, sapagka’t hindi lang naririnig ang boses, nguni’t nakikita rin ang mukha at mga expressions habang nag-uusap. At libre pa ang mga ito, kailangan lang ang computer at internet connection, kagaya ng nasa mga internet cafĂ© na nahahanap sa kasi lahat na bansa ngayon. Gawin ito, lingo lingo upang ipaalam ng mag-asawa sa kanyang kapuso ang mga nangyari sa sarili noong linggong iyon.
2. Believe in your marriage and renew the commitment you made to each other. Kailangan isipin uli ang mga dahilan bakit kayo nag-asawa. Kasama na dito yung mga panghihirap na dinaan at mga pangarap na pinag-usapan.
3. Develop and encourage trust in each other. Kasama na rito ang pag-didisiplina sa sarili, ang pagiging matapat sa asawa, at ang pag control din ng “overactive imagination” tungkol sa anong sinabi o ginagawa ng inyong asawa habang na hiwalay kayo.
4. Develop and maintain a sense of humor. The ability to laugh at one another and laugh together is an important ingredient in any marriage.
Itong tanong mo ay importante at isa sa mga pinakamalaking problema ng ating mga OFW at ibang mga Filipino expatriate families. Pag-uusapan muli itong topic na ito sa mga darating na Agap Kamay Articles dito sa website. Abangan!
Regina D. Goon
Psychologist
For service@ofwparasapamilya.com
_______
Submit your thoughts and questions by simply clicking on the word "comments" just below. Ask questions; share your thoughts, feelings and experiences. Click on "Magtanong sa Doktor", or "Magtanong sa Psychologist" or join the e-PinoyTalk forums. Stay in touch!
Hindi ka nagiisa... One. Filipino. Never Alone.
Click to return to main page: www.OFWParaSaPamilya.com
_______
Thursday, October 9, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment