Sunday, December 13, 2009

----------------------------------------------------------------------------------------------
Family Care:
Spousal Emotional Abuse

Question: Mrs. B. (Philippines) Nov. 8, 2009

Isa lang po ako sa napakaraming babae na emotionally abuse ng mga asawa nila. Minsan gusto ko ng makipaghiwalay tutal isa lang naman ang anak namin at may trabaho naman ako at isa pa hindi kami kasal. Kaya lang may natatakot akong nararamdaman kapag ginawa ko un na baka magpakamatay ang asawa ko or pabayaan niya ang kanyang sarili, tulad pagkalulong sa alak at mapabayaan ang kanyang tabaho. Kaya nagdadalawang isip ako na gawin yun, pero sa totoo lang hirap na hirap na po ako, at alam ko anytime na makipaghiwalay ako dalawang kamay akong tatangapin ng mga magulang ko.
Sana po mapayuhan ninyo ako.

Maraming salamat po.

-------------------

Answer:

Dear Mrs. Bautista,

Sa tunog ng sulat mo, nakikita ang effects ng long term emotional abuse. Sinasabi ko ito sapagka't maski alam mo na ikaw ay victim ng emotional abuse ng asawa mo, nagdadalawang isip ka pa rin na iwanan ang asawa mo sapagka't takot ka na saktan niya ang sarili niya. Maaring despite everything mahal mo pa rin siya but it's more likely that this manner of thinking is a result of one aspect of emotional abuse which we could call emotional blackmail. He makes everything your fault including your leaving him, conveniently not accepting the fact that he has been abusing you. You have been in this relationship for so long that sometimes even understanding that you are being abused is not enough. Breaking away from an abusive relationship is very difficult for a lot of women because there has developed what we call a "co-dependence". Mayroon na kayong kinasanayang pag-ugali sa isa't isa, parang eksena na paulit-ulit, na hindi na ninyo pinagiisipan. It is up to you to make the move if you want to have a life of your own. Breaking away is a very important first step. It should be a little bit easier for you since unlike a lot of women, you can support yourself and you have a family that will support you in your decision. Good luck to you!

Salamat sa iyong tanong,
Regina Diaz Goon
Psychologist
OFWParaSaPamily
--------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:
Vertigo or Low BP

Question: Mikhail , (Malaysia) Nov.15, 2009


Hi doc tanung ko lang po kung ano ang gamot sa palaging masakit ang ulo at naikot ang paligid. Magdadalawang buwan na po kasi akung ganito, mababa din po ang bp ko. Gusto ko po sana lumakas ako kumain at tumaba ako ng kunti kasi ang sabi binat lang daw ang nararamdaman ko. Nakunan po kasi ako nung june ...Binat lang po ba ito o vertigo na po? Ano po ang magandang inumin ko na gamot ...salamat po

-------------------

Answer:

Hello Mikhail,

We are sorry to hear about your miscarriage last june. Concerning your present condition, all your symptoms may be due to low-blood pressure. What is your average blood pressure? if it is below 90-100/60-70, that is too low and may be the cause of your dizziness and headaches. You also have to check your CBC because a low hemoglobin/hematocrit count can also result in the symptoms you are feeling. Other causes may be an infection of the middle ear, problems with eyesight. You should have a general checkup because the symptoms you are feeling can be due to a lot of possible illnesses.

Thank you for your question,
Ramon I. Diaz M.D.
Medical Coordinator
OFWParaSaPamilya

MAILBOX Q&A (Ang Inyong Mga Katanungan)

--------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:
A Wide Range of Possible Diagnosis


Question: Aris , (Philippines) Nov.10, 2009


Magandang araw po doc. Tanung ko lang po sana bakit po kaya laging sumasakit mga laman ko lalo na pagising sa umaga. Tapos matagal na po akong may nga kulani sa ibat ibang parte ng katawan. Bata pa po ako meron na, hangang ngayon po, 30 na ako, may matigas po at may malambot na nakakapa po akong kulani. Tapos pagminsan nagdudugo po gilagid ko saka lalamunan. Madalas din po mamanhid paa ko at kamay

--------------

Answer:

Hello Aries

We have to be honest with you and say that the symptoms you are experiencing are quite worrisome. Kapag ang nakakapang kulani ay sinasabayan ng pagdudugo at pananakit ng laman at mga joints, there is a wide-range of possible diagnosis. this ranges from infections like rubella, cat-scratch disease, and even syphilis; to diseases of the immune system like lupus and sarcoidisis; and even to the worst-case scenario- leukemia. Mas mabuti sana aries kung magpatingin ka sa doctor kaagad para ma-test ka ng maigi.
Good Luck,
Ramon I. Diaz M.D.
Medical Coordinator
OFWParaSaPamilya
--------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:
Problema Sa Balat

Question: Bing , (Thailand) Nov.3, 2009


Magandang araw po. Two weeks pa lang po ang anak ko. May mga butlig-butlig po siya sa mukha at sa katawan, para pong mga pimples. Paano po matatanggal yon.

Salamat po dok.

----------------

Answer:

Ang mga iba't ibang klaseng rash ay very common sa mga newborns, at ang mga ito ay malaking sanhi ng pag-aalala ng mga magulang. Karamihan sa mga ito ay kusang mawawala, ngunit ang iba sa mga ito ay kailangang gawan ng mga eksaminasyon para sa mga infectious causes kagaya ng viruses, bacteria, or fungi. Sa description mo, maaaring isa ito sa tatlo o apat na klaseng neonatal rash, ngunit mahalaga na nakikita ng isang pediatrician ang rash mismo para madiagnose nang mabuti. Karamihan dito ay mawawala nang walang gamot, ngunit ang iba ay nangangailangan ng mga topical o oral na gamot para mawala, depende kung ano ang sanhi nito. Kung mahina kumain, nilalagnat, o nanghihina ang bata, ipatingin mo agad sa doktor.

Salamat sa iyong tanong.
Priscilla D. Sanchez, M.D.
Medical Coordinator
OFWParaSaPamilya
--------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:
Weight Loss Program

Question: Rose , (Philippines) Nov.3, 2009


PAANO MAGPAPAYAT NA NATURAL?

--------------------
Answer:

An effective weight loss program has two elements: a proper diet and exercise. Adjusting food choices to include more fruits, vegetables, whole grains, and fish will help you to lose weight. Eating slowly has also been proven to reduce the total amount of calories that you take in per meal, so chew your food well. You have to combine diet modification with increase in physical activity. If you are not used to exercising, you can start by taking short walks of 20-30 minutes' duration four times a week. You can build up the duration and frequency as you go along. Increasing your muscle mass by lifting light weights can also increase your metabolic rate, which will in turn help you to burn more calories. There are many websites that you can consult that can give you suggestions on how to lose weight naturally. Remember that this will take time, and anything that promises immediate results should be viewed with caution.

Thank you for your question.
Priscilla D. Sanchez, M.D.
Medical Coordiantor
OFWParaSaPamilya

Thursday, October 29, 2009

--------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:
Muscle Fasciculation

Question: Edward , (South Korea) Oct.24, 2009

Dok ask ko lang tungkol sa nararamdaman ko sa left side ng stomach ko ( 3 inch from the navel ko). Kasi po nakakaramdam po ako ng panginginig o parang nag ba-vibrate siya, hindi naman po contineous ung pag shake ng part na yun. Wala naman po ako nararamdaman na sakit sa ngayon. Nag start po ito past 3 days na. Normal naman po pagkain ko at pag dumi ko sa ngayon, hindi naman po bumababa timbang ko. Sintomas po ba ito ng isang sakit? Ako po ay male, 32 years old. Thanks po. Good pm!

---------------

Answer:

Dear Edward,

Maraming salamat para sa mga detalye na isinama mo sa iyong tanong. Since wala kang napapansin na pagkakaiba sa iyong appetite, timbang, at pag-dumi, maaaring hindi naman ito sintomas ng sakit. Maaaring ito lamang ay tinatawag na muscle fasciculation o panginginig ng muscle sa abdominal wall. Dapat mawala lang yan ng kusa. Siguraduhin lamang na maayos ang pagkain at maraming kasamang prutas and gulay. Kung hindi mawala o may mapansin kang pangangayayat o pag-iba ng pagdumi, magpatingin ka na lang sa iyong doktor.

Maraming salamat.
Priscilla D. Sanchez, M.D.
Medical Coordinator
OFWParaSaPamilya

--------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:
Kulani Sa Leeg at Tenga ng Baby

Question: Gina, (Japan) Oct.24, 2009


Message : Doc,
Hello po sa inyo. Ask ko lang po sa inyo kung anong tawag sa sakit na may kulani sa leeg at ilalim ng tenga. Kasi po ang baby ko po ay meron siya ganoon. Sana sagutin nyo po ang aking katanungan.

----------------

Answer:

Hello Gina!

Ang kulani sa leeg at sa likod ng tenga ay sign na may infection siya na pwedeng nanggagaling sa tenga, sa lalamunan, sa scalp, o pwede rin ito ay sign na mayroon siyang primary complex o tuberculosis. Kailangan pa-check up mo ang baby mo para makasiguro tayo kung saan galing ang infection, kung anong microbyo ang sanhi ng infection para magamot ng mabuti yan.

Salamat sa iyong tanong,
Ramon I. Diaz M.D.
Medical Coordinator
OFWParaSaPamilya

--------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:
Detoxification

Question: Art, (Philippines) Oct. 20, 2009


Magandang hapon po sa inyo doc,may itatanung po ako sa inyo, ano po ba ang mga dapat kainin na pagkain at mga prutas kapag ang katawan mo ay may drugs.

-----------------

Answer:

Hi Art,

Una sa lahat ay ang pagtigil ng pag-inom ng alak at paggamit ng droga. Ang "detoxification" ang pinakamabilis na paraan para matanggal sa katawan ang droga. Depende din ito sa dami (dose), tagal ng paggamit at kung anong mga droga ang ginamit.

Ang pag-inom ng maraming tubig o fruit juices ay nakakatulong. Mataas na dose ng vitamin C ay iniinom din. Prutas na mayaman sa vitamin C, orange, guava, kamatis, Carbohydrates- tulad ng tinapay at kanin para sa pag-inom ng alak. Ang activated charcoal ay pinapainom din kung bagong gamit pa lamang. Ang "exercise" ay nakakatulong din bukod sa matagalang pakinabang.

Ang layunin ay mabilisang paglinis o "flushing out". Ginagamit din ang diuretics kung kailangan.

Mas mabuti pa rin na magkonsulta para makasigurado.

Salamat sa iyong tanong.
Herman Sanchez M.D.
Psychiatrist
--------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:
Urinary Tract Infection

Question: Princess, (Philippines) Oct.21, 2009


Minsan po sumakit ang ari ko, lalo na pag umihi ako. Nuong nagpa check up ako, sabi ng doc.UTI daw po,,,,Ano po ba ang magandang gamot pra di ko na maramdaman ng ganito......

------------------

Answer:

Dear Princess,

Ang masakit na pag-ihi ay kadalasan talagang dahil sa urinary tract infection. Kung nagpatingin ka na sa doctor, dapat sana ay nabigyan ka na ng antibiotic para sa infection mo. Kung walang nabigay sa iyo na prescription, mahirap na ako ang magprescribe dahil hindi naman ako ang nakonsulta mo at hindi kita na-interview at na-eksamin nang maaayos. Ang mabuti pa ay magpagawa ka ng urinalysis at ipakita ang resulta sa iyong doktor. Kung madalas kang binabalikan ng infection, magpagawa ka na rin ng urine culture and sensitivity para makita kung anong antibiotic ang pinakamainam sa iyo.

Salamat sa iyong tanong.
Priscilla D. Sanchez, M.D.
Medical Coordinator
OFWParaSaPamilya


----------------------------------------------------------------------------------------------
Family Care:
Want to Change How My Body Looks

Question: Brian (Philippines) Oct. 16, 2009


Ang problema ko po kasi ay ang aking dibdib.. lalaki poh ako at gusto ko na piliitin ko to na katulad ng normal na lalaki,. hindi naman sya malaki pero dahil dito ay minsan napagkakamalan nila akong tomboy.. pano ko po malulunasan to?.. i need your answer plss.. :(

-----------

Answer:

Hi Bryan,

Parang me pagka insecure ka sa sarili mo. It may be helpful to work on your self-confidence. Attending workshops that focus on building a positive self-concept or one-on-one therapy sessions with a psychologist may be helpful to you. These will not change the way your chest will look but these will help you feel better about who you are.

Mayroon ring paraang mapalitan ang kalagayan ng dibdib mo. Ang una dito and pag exercise including weight training, parang maging muscular and dibdib mo. Ang ikalawa ay cosmetic surgery, para dito kailangan magpatingin ka at magkonsulta ka sa isang cosmetic surgeon.

Salamat sa iyong tanong,
Regina Diaz Goon
Psychologist
OFWParaSaPamilya

Monday, September 21, 2009

--------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:
High Blood Pressure

Question: Jesus, (South Korea) Aug. 14, 2009


Hello po dok, ask ko lang po kong papaano bumaba ang blood pressure ko, kasi mataas nasa 140 minsan 150. Kaya minsan ako'y nahihilo po, at isa pa dok nanghihina ako lagi konting kilos ko lang pagod na ang mga joints ng mga paa binti at malalim minsan ang paghinga ko. At sya nga pala dok may itatanong po ako, saan po ako makapag pa check ng dna test na mura. Kung pwede dok pakibigay niyo po ang tel.no.,kahit saan sa nbi at hospital. Sa St.Luke's, kasi tinanong ko na masyadong mahal. Kung pwede dok sa nbi na lang baka mura pa. Sige po dok, salamat makakaasa po ako dok na sasagutin niyo nangungulila kong tanong po sa inyo. God bless and more power to you!

-------------
Answer:

Hi Jesus,

Kung ikaw ay bata pa, kadalasan ay may ibang sanhi ang alta presyon mo at importanteng mahanap ang mga ito. Kung ikaw ay 40 years old and above at may lahing high blood pressure, maaaring namana mo ito. Gamot pa rin ang pinaka-mabisang pamamaraan upang mapababa ang blood pressure, pero hindi naman kita mabibigyan ng prescription dahil ikaw ay nasa ibang bansa. Ang mga ibang pamamaraan na hindi gumagamit ng gamot ay ang pagbabawas ng asin o alat sa pagkain, pagpili ng isda at gulay at prutas imbis na baboy o baka sa iyong diet, at pagpapabawas ng timbang sa maayos na pamamaraan kung ikaw ay overweight. Masmabuti pa rin na magpatingin sa doktor upang mausisa nang mabuti ang iyong alta presyon.

Tungkol naman sa pag-contact sa NBI, since mayroon ka namang computer, pwede mong i-access na lang ang kanilang website upang mahanap ang telephone number nila.

Salamat sa iyong tanong.
Priscilla D. Sanchez, M.D.
Medical Coordinator
OFWParaSaPamilya
--------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:
Pulmonary Tuberculosis

Question: Mardi, (Philippines) Aug. 11, 2009


Doc pano po ba at saan pwede maka ask ng gamot para sa TB dahil concern lang po ako baka makahawa pa si,ya sa iba dahil di pa siya nabigyan ng gamot nong ang result niya ay minimal at ngayong ptb na ay ganon pa rin, di pa rin nabigyan. Ang sabi po ay ini-evaluate pa daw po siya at nong mag ask po siya sinabi na di pa naman daw po siya namayat kaya ok lang daw po. Don po sila nag pa check up sa Perpetual Hospital hanggang ngayon dipa rin siyaa nakainom. Sana po ay mapansin po ito at ako po ay nagmamakawa na sana po ay matulungan po siya na makainum na ng gamot at saan po dapat pumunta..

-----------------
Answer:

Hi Mardi,

Importante talaga na magamot ang pulmonary tuberculosis dahil nakakahawa ito. Ang chest x-ray ay una lamang sa mga eksaminasyon na kinakailangan. Ang ibang mga eksaminasyon na maaaring gawin ay ang tuberculin skin test at ang mga test sa plema. Kung siya ay inuubo, linalagnat, at nangangayayat, siguro ay kailangan na talaga siyang mag-umpisa ng gamot. Kapag nakainom na siya ng gamot ng 2 linggo ay hindi na siya nakakahawa. Ngunit ang paggamot ng TB ay mahirap at matagal kaya mainam na makita siya ng isang internist o kaya'y lung specialist.

Handa po kaming gumawa ng appointment para sa inyo sa isa sa mga doktor namin. Kung matuloy po kayo, pakidala na lang po ang lahat ng mga x-ray at ibang resulta na nasa inyo para hindi na kailangang ulitin ang mga ito.

Maraming salamat sa iyong tanong.

Priscilla D. Sanchez, M.D.
Medical Coordinator
OFWParaSaPamilya

Thursday, August 13, 2009

--------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:
Baka May Bukol Sa Pharynx

Question: Jenicar, (Philippines) Aug. 9, 2009

Have a nice day po. Gusto ko lang po sanang linawin doc, na hindi ako nag-uubo, basta na lang po akong dumudura ng plema na may kahalong dugo. It seems like a routine po almost everyday in the morning. Pati na rin po ang ilong ko sumasabay din every morning parang bagong sibol ng sipon pero after a couple of minutes nawawala po.

Maraming salamat po sa inyong sagot doc. Its a great help for me.

--------------

Answer

Hi Jenicar,

Ang mabuti jenicar, ay magpatingin ka sa isang e.n.t doctor para masilip niya ang likod ng lalamunan mo. Baka may bukol na tumutubo sa area na tinatawag na pharynx. Obviously hindi normal na may bahid ng dugo ang plema at kung walang infection, malamang may ibang sanhi ng pagdudugo na yan. Kung minsan, mayroong ugat sa pharynx na napakanipis ng wall na madalas at madaling paduguin. Kung ganoon, cauterization lang naaayos na ang problema.


Salamat sa iyong tanong,
Ramon I. Diaz
Medical Coordinator
OFWParaSaPamilya
--------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:
Madalas na Pag-Ihi

Question: Orlando, (South Korea) Aug. 9, 2009


Hello good am po dok, medyo marami po akong nararamdamang sakit. Gaya po ng sakit sa ulo lagi at bad breath po ako kahit ano pong linis ko sa ngipin ko. At namamaga ang gilagid ng ipin ko, malansa ang lumalabas. Pati ihi ko rin dok, minsan po ay pala ihi ako kahit katatapos ko lang umihi mamaya ihi na naman, at medyo lang po minsan hindi maganda ang pag ihi ko, may natitira po dok na kaunti ayaw lumabas lahat lalo na sa gabi. Napupuyat ako kasi 3to4 times akong umihi sa gabi,

---------------

Answer:

Hi Orlando,

Ang bad breath mo ay maaaring nanggagaling sa impeksyon sa gilagid. Kung masyadong madiin ang pagsipilyo mo, pwede pa itong makapagpalala sa impeksyon sa gilagid. Sana ay mayroon kang maaaring mapuntahan na dentista dahil kailangang magamot ito nang mabuti.

Kung ikaw ay lalaki sa iyong 50s o 60s, ang madalas na pag-ihi sa gabi ay maaaring dulot ng problema sa prostate. Kung ikaw ay bata pa lamang, ang kailangang masigurado ay kung ikaw ay may impeksyon sa ihi (urinary tract infection), na siyang pwedeng sanhi ng pagiging palaihi mo.

Ang isa pang kailangang masiguro ay kung mayroon kang diabetes. Isang sintomas nito ang pabalik-balik sa banyo upang umihi. Maaari ding sanhi ng mga impeksyon ang diabetes. Sana'y makapagpatingin ka sa isang doctor sa lalong madaling panahon.
Salamat sa iyong tanong.
Priscilla d. Sanchez, M.D.
Medical Coordinator
OFWParaSaPamilya
--------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:
Difference between Hemorrhoids and Anal Cancer

Question: Reginald, (Philippines) Aug. 8, 2009


Ano ang pinagkaiba ng haemorrhoids sa anal cancer..?? it seems, pareho sila ng symptoms..

When I'm taking a bowel, there's a blood coming out my anus.. Thus, there is also something small skin sa anus ko.. Anal cancer po ba yun or haemorroids..??

Is there a possibility that it will return to normal..?? balak ko po kc mgabroad.. makakaapekto po ba to sa medical ko..??

-------------

Answer:

Hi Reginald,

Ang almoranas ay varicose veins sa anus. Mayroon dalawang types nito: internal at external hemmorhoids. Ang internal hemmorhoids, bleeding ang usual presentation whereas ang external hemmorhoids, pain and bukol sa anus ang usual presentation. Sa mga advanced cases ng internal at external hemorrhoids, malaking bukol na hindi na mabalik, pagdudugo, at pain ang pwedeng sintomas.

Ang anal cancer painless mass usually ang presentation. Ang pagkakaiba ng bukol nito ay very matigas ito compared to a hemorrhoid. Of course, dumudugo din ito.

The best option for you at this time is to have yourself examined by a gastroenterologist or a general surgeon para ma-diagnose nag mabuti ang iyong problema kasi ang prognosis ng hemmorhoid sa cancer ay, alam mo naman, ibang-iba.

Regarding your visa application to live or work abroad, pwede kang ma-deny sa application mo depende kung gaano ka-thorough ang doctor na mag-examine sa iyo or kung gaano kalaki at anong klase ang bukol sa anus mo.


Salamat sa iyong tanong,
Ramon I. Diaz M.D.
Medical Coordinator
OFWParaSaPamilya
--------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:
Developing Resistance to Some Antibiotics

Question: Joseph, (Kuwait) Aug. 7, 2009


For urinary tract infection or UTI, pwede i-take yung antibiotic [amoxicillin trihydrate 500mg capsule]? Ito lang kasi ang mayroon ko at hindi pa ako makakapunta sa doctor. Salamat po.

------------

Answer:

Maaari mong subukan ang amoxicillin 500 mg three times a day for 7 days. Kung mawala ang mga sintomas, siguro epektibo pa ito. Ang problema ay marami nang tao ang may "resistance" sa antibiotic na ito, lalo na kung nagamit mo na ito o kaya'y parating binabalikan ng UTI. Kaya maaaring hindi ito tumalab. Kung 3 araw mo na iniinom at walang pagkakaiba sa sintomas, kailangan mo nang maghanap ng panahon upang magpatingin sa doktor.

Salamat sa iyong tanong,
Priscilla Sanchez M.D.
Medical Coordinator
OFWParaSaPamilya
--------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:
Urinary Tract Infection

Question: Edward, (South Korea) Aug. 6, 2009


Two days ko n po naeexperience ang pananakit ng lower stomach ko, at hirap sa pag ihi [yellowish in color] sintomas po ba ito ng UTI? Salamat po

--------------

Answer:

What you described can really be symptoms of a urinary tract infection. It is important to drink a lot of water and other urinary antiseptics like cranberry juice, which may also help to prevent recurrence.

Thank you for your question,
Priscilla D. Sanchez M.D.
Medical Coordiantor
OFWParaSAPamilya

Wednesday, August 12, 2009

--------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:
Umuubo Na May Kasamang Dugo

Question: Jenicar, (Philippines) Aug. 6, 2009


Magandang araw po doc. Nais ko po lamang bigyang linaw ang mga sintomas na napapansin ko sa aking sarili. Almost everyday po doc ay dumudura po ako ng plema na malagkit na may halong dugo na presko at minsan naman po ay patay na dugo. At sometimes humahalo din po ito sa sipon ko sa tuwing nag hahatching po ako, dahil sa sinus ko. Ano po ba ang mga sintomas na ito doc.

Maraming salamat po hihintayin ko po ang inyong kasagutan.

---------------

Answer:

Hi Jenicar,

Ang nga sintomas mo ay maaaring dahil sa respiratory tract infection. Pwedeng mayroon kang tuberculosis, and pag-ubo ng dugo ay classic na sintomas ng t.b. Pwede rin may iba kang infection na, dahil ubo ka ng ubo, ay nagasgas na ang iyong lalamunan kaya't may dugo na itong kasama.

Ang mabuting gawin ay magpa-chest x-ray ka para masiguradong hindi ito tb, at magpatingin sa e.n.t doctor para ma-examine ang iyong lalamunan.


Salamat sa iyong tanong,
Ramon A. Diaz M.D.
Medical Coordinator
OFWParaSaPamilya
--------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:
Post-Coital Bleeding

Question: Lynn, (United Arab Emirates) Aug. 4, 2009


Pagnagtatalik kami minsan dugo lumalabas, hindi tamod, 2 weeks meron ako, tigil ng 1 day meron na uli. Kapapanganak ko lang, 3 months na ngayon. Injectable kasi ginamit ko na family planning. Bakit po kaya? Sakit ba yun?

--------------------

Answer


Hi Lynn,

Ang pagdudugo pagkatapos mag-talik ay tinatawag na "post-coital bleeding". Maraming maaring dahilan ito, kasama na dito ang recent mong panganganak at ang paggamit ng depo or injectable contraceptive. Ngunit may ibang mga maaaring sanhi ito na mas seryoso, katulad ng mga infection, structural problems like polyps, at mga kanser.

Kung kakapanganak mo pa lamang, siguro naman ay nagawan ka ng kumpletong eksaminasyon ng iyong matris, vagina at cervix. Kung may kakulangan ang mga eksaminasyon, importanteng magpatingin ka upang mausisa nang mabuti ang reproductive tract mo. Sana'y makapagpatingin ka sa lalong madaling panahon.

Maraming salamat sa iyong tanong.
Priscilla D. Sanchez, M.D.
Medical Coordinator
OFWParaSaPamilya

Friday, August 7, 2009

--------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:
Malabong Panigin

Question: George, (South Korea) Aug. 3, 2009


Good day po!

Nais ko lang po itanong kung bakit parang nangingitim ang paligid ng mata ko kahit di naman ako gaano nagpupuyat. At kung minsan para po akong nahihilo nung nagpa check up po ako sa Pinas binigyan po ako ng doktor ng gamot na anti vertigo. Ang trabaho ko po kasi noon ay dapat palagi naka focus ang mata sa ginagawa namin na umiikot. Kung minsan talagang nararamdaman ko na talagang parang di ko na kyang ifocus mga mata ko dahil sa nahihilo na ko. Baka dun ko po kaya nakuha itong nararamdaman ko. Salamat po sa magiging tugon ninyo at mabuhay po kayo!

-------------------

Answer:

Hi, George,

Salamat sa inyong tanong. Kung ang trabaho mo ay kailangan kang laging nakafocus, baka nga lumalabo na ang iyong paningin. Hindi ko alam kung ilang taon ka na, ngunit ang isang tao, kapag 40 years old na, dahan-dahang lumalabo na ang paningin at eventually, mangangailangan ng eyeglasses.

Ang paninilim ng paningin naman ay pwede rin na nanggagaling sa pagkakulang ng dugo sa utak. Ang vertigo ay pwedeng manggaling sa problema sa nerve na galing sa tenga o sa part ng brain na tinatwag na cerebellum. Mas mabuti kung magpatingin ka sa isang neurologist para ma-examine ka ng mabuti. Maari kaming makatulong sa pag-gawa ng appointment para sa iyo. Just contact us.

Ramon I. Diaz M.D.
Medical Coordiantor
OFWParaSaPamilya

 
Web Design by WebToGo Philippines