--------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:
Detoxification
Question: Art, (Philippines) Oct. 20, 2009
Magandang hapon po sa inyo doc,may itatanung po ako sa inyo, ano po ba ang mga dapat kainin na pagkain at mga prutas kapag ang katawan mo ay may drugs.
-----------------
Answer:
Hi Art,
Una sa lahat ay ang pagtigil ng pag-inom ng alak at paggamit ng droga. Ang "detoxification" ang pinakamabilis na paraan para matanggal sa katawan ang droga. Depende din ito sa dami (dose), tagal ng paggamit at kung anong mga droga ang ginamit.
Ang pag-inom ng maraming tubig o fruit juices ay nakakatulong. Mataas na dose ng vitamin C ay iniinom din. Prutas na mayaman sa vitamin C, orange, guava, kamatis, Carbohydrates- tulad ng tinapay at kanin para sa pag-inom ng alak. Ang activated charcoal ay pinapainom din kung bagong gamit pa lamang. Ang "exercise" ay nakakatulong din bukod sa matagalang pakinabang.
Ang layunin ay mabilisang paglinis o "flushing out". Ginagamit din ang diuretics kung kailangan.
Mas mabuti pa rin na magkonsulta para makasigurado.
Salamat sa iyong tanong.
Herman Sanchez M.D.
Psychiatrist
Thursday, October 29, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment