--------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:
Madalas na Pag-Ihi
Question: Orlando, (South Korea) Aug. 9, 2009
Hello good am po dok, medyo marami po akong nararamdamang sakit. Gaya po ng sakit sa ulo lagi at bad breath po ako kahit ano pong linis ko sa ngipin ko. At namamaga ang gilagid ng ipin ko, malansa ang lumalabas. Pati ihi ko rin dok, minsan po ay pala ihi ako kahit katatapos ko lang umihi mamaya ihi na naman, at medyo lang po minsan hindi maganda ang pag ihi ko, may natitira po dok na kaunti ayaw lumabas lahat lalo na sa gabi. Napupuyat ako kasi 3to4 times akong umihi sa gabi,
---------------
Answer:
Hi Orlando,
Ang bad breath mo ay maaaring nanggagaling sa impeksyon sa gilagid. Kung masyadong madiin ang pagsipilyo mo, pwede pa itong makapagpalala sa impeksyon sa gilagid. Sana ay mayroon kang maaaring mapuntahan na dentista dahil kailangang magamot ito nang mabuti.
Kung ikaw ay lalaki sa iyong 50s o 60s, ang madalas na pag-ihi sa gabi ay maaaring dulot ng problema sa prostate. Kung ikaw ay bata pa lamang, ang kailangang masigurado ay kung ikaw ay may impeksyon sa ihi (urinary tract infection), na siyang pwedeng sanhi ng pagiging palaihi mo.
Ang isa pang kailangang masiguro ay kung mayroon kang diabetes. Isang sintomas nito ang pabalik-balik sa banyo upang umihi. Maaari ding sanhi ng mga impeksyon ang diabetes. Sana'y makapagpatingin ka sa isang doctor sa lalong madaling panahon.
Salamat sa iyong tanong.
Priscilla d. Sanchez, M.D.
Medical Coordinator
OFWParaSaPamilya
Thursday, August 13, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment