--------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:
Baka May Bukol Sa Pharynx
Question: Jenicar, (Philippines) Aug. 9, 2009
Have a nice day po. Gusto ko lang po sanang linawin doc, na hindi ako nag-uubo, basta na lang po akong dumudura ng plema na may kahalong dugo. It seems like a routine po almost everyday in the morning. Pati na rin po ang ilong ko sumasabay din every morning parang bagong sibol ng sipon pero after a couple of minutes nawawala po.
Maraming salamat po sa inyong sagot doc. Its a great help for me.
--------------
Answer
Hi Jenicar,
Ang mabuti jenicar, ay magpatingin ka sa isang e.n.t doctor para masilip niya ang likod ng lalamunan mo. Baka may bukol na tumutubo sa area na tinatawag na pharynx. Obviously hindi normal na may bahid ng dugo ang plema at kung walang infection, malamang may ibang sanhi ng pagdudugo na yan. Kung minsan, mayroong ugat sa pharynx na napakanipis ng wall na madalas at madaling paduguin. Kung ganoon, cauterization lang naaayos na ang problema.
Salamat sa iyong tanong,
Ramon I. Diaz
Medical Coordinator
OFWParaSaPamilya
Thursday, August 13, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment