Sunday, December 13, 2009

--------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:
Problema Sa Balat

Question: Bing , (Thailand) Nov.3, 2009


Magandang araw po. Two weeks pa lang po ang anak ko. May mga butlig-butlig po siya sa mukha at sa katawan, para pong mga pimples. Paano po matatanggal yon.

Salamat po dok.

----------------

Answer:

Ang mga iba't ibang klaseng rash ay very common sa mga newborns, at ang mga ito ay malaking sanhi ng pag-aalala ng mga magulang. Karamihan sa mga ito ay kusang mawawala, ngunit ang iba sa mga ito ay kailangang gawan ng mga eksaminasyon para sa mga infectious causes kagaya ng viruses, bacteria, or fungi. Sa description mo, maaaring isa ito sa tatlo o apat na klaseng neonatal rash, ngunit mahalaga na nakikita ng isang pediatrician ang rash mismo para madiagnose nang mabuti. Karamihan dito ay mawawala nang walang gamot, ngunit ang iba ay nangangailangan ng mga topical o oral na gamot para mawala, depende kung ano ang sanhi nito. Kung mahina kumain, nilalagnat, o nanghihina ang bata, ipatingin mo agad sa doktor.

Salamat sa iyong tanong.
Priscilla D. Sanchez, M.D.
Medical Coordinator
OFWParaSaPamilya

No comments:

 
Web Design by WebToGo Philippines