Thursday, October 29, 2009

--------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:
Muscle Fasciculation

Question: Edward , (South Korea) Oct.24, 2009

Dok ask ko lang tungkol sa nararamdaman ko sa left side ng stomach ko ( 3 inch from the navel ko). Kasi po nakakaramdam po ako ng panginginig o parang nag ba-vibrate siya, hindi naman po contineous ung pag shake ng part na yun. Wala naman po ako nararamdaman na sakit sa ngayon. Nag start po ito past 3 days na. Normal naman po pagkain ko at pag dumi ko sa ngayon, hindi naman po bumababa timbang ko. Sintomas po ba ito ng isang sakit? Ako po ay male, 32 years old. Thanks po. Good pm!

---------------

Answer:

Dear Edward,

Maraming salamat para sa mga detalye na isinama mo sa iyong tanong. Since wala kang napapansin na pagkakaiba sa iyong appetite, timbang, at pag-dumi, maaaring hindi naman ito sintomas ng sakit. Maaaring ito lamang ay tinatawag na muscle fasciculation o panginginig ng muscle sa abdominal wall. Dapat mawala lang yan ng kusa. Siguraduhin lamang na maayos ang pagkain at maraming kasamang prutas and gulay. Kung hindi mawala o may mapansin kang pangangayayat o pag-iba ng pagdumi, magpatingin ka na lang sa iyong doktor.

Maraming salamat.
Priscilla D. Sanchez, M.D.
Medical Coordinator
OFWParaSaPamilya

No comments:

 
Web Design by WebToGo Philippines