--------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:
Malabong Panigin
Question: George, (South Korea) Aug. 3, 2009
Good day po!
Nais ko lang po itanong kung bakit parang nangingitim ang paligid ng mata ko kahit di naman ako gaano nagpupuyat. At kung minsan para po akong nahihilo nung nagpa check up po ako sa Pinas binigyan po ako ng doktor ng gamot na anti vertigo. Ang trabaho ko po kasi noon ay dapat palagi naka focus ang mata sa ginagawa namin na umiikot. Kung minsan talagang nararamdaman ko na talagang parang di ko na kyang ifocus mga mata ko dahil sa nahihilo na ko. Baka dun ko po kaya nakuha itong nararamdaman ko. Salamat po sa magiging tugon ninyo at mabuhay po kayo!
-------------------
Answer:
Hi, George,
Salamat sa inyong tanong. Kung ang trabaho mo ay kailangan kang laging nakafocus, baka nga lumalabo na ang iyong paningin. Hindi ko alam kung ilang taon ka na, ngunit ang isang tao, kapag 40 years old na, dahan-dahang lumalabo na ang paningin at eventually, mangangailangan ng eyeglasses.
Ang paninilim ng paningin naman ay pwede rin na nanggagaling sa pagkakulang ng dugo sa utak. Ang vertigo ay pwedeng manggaling sa problema sa nerve na galing sa tenga o sa part ng brain na tinatwag na cerebellum. Mas mabuti kung magpatingin ka sa isang neurologist para ma-examine ka ng mabuti. Maari kaming makatulong sa pag-gawa ng appointment para sa iyo. Just contact us.
Ramon I. Diaz M.D.
Medical Coordiantor
OFWParaSaPamilya
Friday, August 7, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment