Wednesday, August 12, 2009

--------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:
Umuubo Na May Kasamang Dugo

Question: Jenicar, (Philippines) Aug. 6, 2009


Magandang araw po doc. Nais ko po lamang bigyang linaw ang mga sintomas na napapansin ko sa aking sarili. Almost everyday po doc ay dumudura po ako ng plema na malagkit na may halong dugo na presko at minsan naman po ay patay na dugo. At sometimes humahalo din po ito sa sipon ko sa tuwing nag hahatching po ako, dahil sa sinus ko. Ano po ba ang mga sintomas na ito doc.

Maraming salamat po hihintayin ko po ang inyong kasagutan.

---------------

Answer:

Hi Jenicar,

Ang nga sintomas mo ay maaaring dahil sa respiratory tract infection. Pwedeng mayroon kang tuberculosis, and pag-ubo ng dugo ay classic na sintomas ng t.b. Pwede rin may iba kang infection na, dahil ubo ka ng ubo, ay nagasgas na ang iyong lalamunan kaya't may dugo na itong kasama.

Ang mabuting gawin ay magpa-chest x-ray ka para masiguradong hindi ito tb, at magpatingin sa e.n.t doctor para ma-examine ang iyong lalamunan.


Salamat sa iyong tanong,
Ramon A. Diaz M.D.
Medical Coordinator
OFWParaSaPamilya

No comments:

 
Web Design by WebToGo Philippines