Wednesday, April 15, 2009

Keloids

---------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:
Keloid

Question: Bernadette, (Korea) April 14, 2009


Magandang umaga, gabi po sir & ma'am! Ikinagagalak ko po at slmt sa dios nariyan po kayo upang tumulong sa mga tao na nangangailangn. Pagpalain nawa po kayo ng maykapal.

Ma'am & sir, my problem is keloid. Noong una po tagyawat pa siya pero dko siya pinansin, habang tumatagal po makati at lumalaki. Tapos pinaoperahan ko po ganun pa rin po bumalik pa rin. At ilan taon muna bago mkalipas, try ko namn pa doctor at ginawa ko injection nlng kc ayoko ng pa opera. Tadtad ng injection, dami po kc, bawat bilog niya 6times ka injection sobra npakasakit pero po dparin nawawala. Linagyan ko na po ng oitment, wala pa rin po. Dko po na po alam. Pls help me. Thx po and God bless po.

----------------------------

Answer

Dear Bernadette,

Ang keloid ay isang skin condition na mahirap gamutin. Maaaring tumubo ang mga ito sa kahit anong parte ng katawan, at katulad ng nangyari sa iyo, pwedeng mag-umpisa sa isang tagyawat o kagat ng lamok lamang.

Kapag inooperahan ito, malaki talaga ang chance na babalik ito, masmalaki at masmakapal pa sa dati. May mga ointment na maaaring gamitin para sa mga maliliit na keloid, katulad ng Contractubex gel. Epektibo ito sa mga bagong keloid. Ang steroid injections ay maaari ring makatulong, pero gaya ng sinulat mo, masakit ang mga ito at mahirap ibigay kapag medyo makapal na ang keloid.

May mga bagong treatment methods katulad ng "
cryosurgery", which uses freezing methods to cause localized frostbite in the area involved. Mayroon din radiation treatments na epektibo kapag ginagamit kasunod ng surgery para hindi tumubo ang keloid. May ibang doktor na gumagamit ng mga gamot laban sa cancer para gamutin ang keloid katulad ng interferon o bleomycin, ngunit hindi pa ito masyadong napag-aralan. Kung ayaw mo na ng operasyon, maaari ring subukan ang laser therapy na kasabay ang steroid injections. Ang kombinasyon ng dalawang ito at maaaring makatulong. Tanungin mo ang doktor mo sa Korea tungkol sa mga treatments na ito. O' tumawag parang maki-appointment sa mga doktor natin, when you come to the Philippines.

I cannot tell you that the keloids will disappear using any of these availabe treatments, but I hope that they will at least improve the appearance of the scars.

Salamat sa iyong tanong.
Priscilla D. Sanchez, M.D.
Medical Coordinaotor
OFWParaSaPamilya.com

--------------------

Submit your thoughts and suggestions on Bernadette's situation by clicking on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!

Click here to set an appointment with a psychologist/doctor in the Philippines using our website.
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com

---------------------

1 comment:

marrianne said...

good morning ma'am/sir im bernadette. ask po ko sana kong anong gamot para xa keloids. april 07, po naoperahan ako. 4 mos from now napansin ko lumaki ang scars at namuo na keloids at makati pa.
thnx.. god bless and more powers...

 
Web Design by WebToGo Philippines