---------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:
Mga Dahilan ng Pangangayayat ng isang Adolescent
Question: Nelson, (Antipolo) April 15, 2009
Ang katanungan ko po ay para sa anak kong babae na mag tetwelve years old. Nangangayayat po sya at may napansin akong tila kulani sa kaliwang bahagi ng leeg nya. Katunayan nawawala naman sya kaya lang bumabalik-balik. Ang kulani nya ay medyo malapad na nakaumbok. Pls lang po paki advice po ako kung ano ang gagawin ko para sa kanya at kanino akong doktor lalapit para makita sya at magamot. Nabibilang po kami sa meron kung minsan wala. Taga antipolo po kami...salamat.
----------------------
Answer
Dear Nelson,
Maraming posibleng dahilan ang pangangayayat ng isang adolescent, lalo na kung sigurado ka na hindi niya ito sinasadya.
May mga emosyonal na problema katulad ng depression o paggamit ng droga na nagiging mas common na sa kabataan sa ngayon, at ito ay maaaring maging sanhi ng pangangayayat.
Ang isang very common na medical problem dito sa Pilipinas ay ang tuberculosis, na siyang nakakaapekto sa mga bata pati na rin sa mga adult. Consistent sa TB, ang nakakapa mong kulani sa kanyang leeg. Ang TB ay isang impeksyon na kailangang gamutin ng maayos para mawala.
May ibang mga mas-seryoso na sakit na maaaring dahilan ng pangangayayat, katulad ng masmalalang impeksyon o kaya'y mga kanser katulad ng lymphoma. Importante na maeksamin siya ng isang pediatrician sa lalong madaling panahon. Handa po kaming mag-rekomenda ng doktor, sa Medical City o sa Makati Medical Center.
Salamat sa inyong tanong.
Priscilla D. Sanchez, M.D.
Medical Coordinator
OFWParaSaPamilya.com
--------------------
Submit your thoughts and questions on Nelson's situation by clicking on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!
Click here to set an appointment with a psychologist/doctor in the Philippines using our website.
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com
---------------------
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment