Monday, April 20, 2009

The Burden of Too Much Responsibilities

----------------------------------------------------------------------------------------------
Family Care:
Ang Taga-salo ng Lahat na mga Problema
Feeling the burden of too much responsibilities

Question: Danilo (Korea), April 19, 2009

Doktora, bkit po ganito ag kapalaran ko: marunong nmn ako makisama pero bkit madalas ako parang taken for granted lng palagi ng mga tinuturing kong kaibigan. Pero sa akin hindi ganun kainit ang pakita nila, sa akin lagi nlng parang pinagtatawanan ako. Pero bkit lahat cla, hindi nmn nila magawa yun sa isat isa, pero bkit sa akin napakadali lng nila gawin yun parang minsan pakiramdam ko wla akong kwentang kaibigan. Ginagawa ko nmn ang lahat pero minsan nmn parang sinasamantala na ang kabaitan ko, ska ako po ay malungkutin na tao pero palabiro pag nagiisa ako.

Parang napakalayo lagi ang naabot ng isip ko, para bang napakarami kong katanungan sa buhay at para bang lagi akong may hinahanap sa buhay ko at hindi ko matagpuan. Ska sa ngayon po yung mga magulang ko maysakit pareho, pati ang isa kong kapatid nagkasakit sa baga dahil natutuyuan po yta ng pawis sa trabaho at usok ng welding. Yung iba ko nmn kapatid may bisyo at hindi maasahan puro po pasaway. Sa totoo lng po, sa akin cla umaasa ngayon, sa akin po wla po problema tumulong ako sa magulang ko dahil mahal ko po cla at obligasyon ko din po na tumulong sa kanila dahil gusto ko po gumanti sa lahat ng kabutihan nila sa akin at pag aaruga sa amin. Mahal ko po ang mga magulang ko, sa ngayon po pakiramdam ko napakabigat ng nakaatang sa balikat ko, pero hindi ko nmn po magawa na hindi cla tulungan dahil naawa ako sa kanila. Kya lng hindi ko maibigay lahat dahil may pamilya na din po ako. Ito po ang mga gumugulo sa isip ko. Kailangan ko po ng kaliwanagan sa lahat ng ito, sna po ay matulungan nyo ako maliwanagan ang lahat ng ito. Salamat po at more power and God bless po...

----------------------------
Answer

Hi Danilo,

Nakikita sa sulat mo na napakabigat ng nararamdaman mo ngayon. Sa tingin ko, marami kang tinuturing na kaibigan nguni’t wala naman sa kanila ay tunay na kilala ka. Maaring ito ay dahil sa hindi mo rin ipinapakita ang tunay na sarili mo sa kanila. Parang kulang ka ng tiwala na matatanggap ka nila kung ipakita mo ito. Sinasabi mo na ikaw ay pala-isip at malungkutin nguni’t parang sa harap ng ibang tao o yung mga tinuturing mong mga kaibigan, ikaw ay pala-tawa at pala-biro. Ngayon, dahil sa mababa o depressed nga ang karamdaman mo, naiisip mo na your “friends” always take you for granted. Bago nating pag-usapan ang pagkagulo ng isip mo, gusto ko lang ipahayag sa iyo na pagmababa ang loob ng isang tao, ang pag-iisip ay maaring maging parang “all or nothing”. Siguro, paminsan minsan talagang your friends take you for granted, nguni’t dahil sa ikaw ay may pagka-depressed, ang naiisip mo ay lagi nilang ginagawa ito. Sa sitausyon mong ito, kailangan sigurong maging mas frank ka sa kanila, ipaalam mo sa kanila ang nararamdaman mo, at kung hindi ka nila maunawaan, maari mong tingnan kung sila ang gusto mong ituring na mga kaibigan.

Sa pag-kagulo ng isip mo ngayon, kailangan mong malaman na mayroong mga nangyayari sa buhay mo na nag “trigger” ng depressive thoughts mong ito. Sa tingin ko parang nabibigatan ka sa mga responsibilidad mo ngayon. Mayroon kang gustong ma-accomplish sa buhay mo nguni’t dahil sa napakarami mong responsibilidad, parang lumalabo na ang tingin mo sa future mo, or parang nalulungkot ka sapagka’t parang nararamdaman mo na hindi mo na makakamtan ang hangarin mo.

Mahirap ang situasyon na ito, nguni’t para sa iyo hindi mo mabitawan ito, sapagka’t ikaw ay ang tinatawag nating “taga-salo”, at mahirap para sa mga tagasalo na sumabi ng “no, hindi ko magagawa” o tangihan ang responsibilidad. Siguro noong lumalaki kayong mag-kakapatid ito na yung nagging papel mo sa pamilya, at ito pa rin ang papel na hawak mo ngayon.
You are in this situation because you are a responsible and feeling person. However, at the moment you are beginning to feel that you are being taken advantaged of, and if you continue this way you may start to feel victimized. At kung “martyr” na and dating mo, makakaramdam ka ng feelings of bitterness na maaring maging sanhi ng depression.

You need to start taking care of yourself. You need to admit that there are some things you can’t do. Siguro maaring mong kausapin ang asawa mo at mga kapatid mo parang ma “share” ninyo ang pag-aalaga sa iyong magulang. Siguro kailangan mo ring matutong humingi ng tulong parang mapaalam mo sa iba na hindi mo kayang gawin lahat ng “expectations and responsibilities” na napapatong sa iyong balikat.


Salamat sa iyong tanong,
Regina Diaz Goon
Psychologist
OFWParaSaPamilya.com


--------------------
Submit your thoughts and suggestions on Danilo's question by clicking on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!

Click here to set an appointment with a psychologist/doctor in the Philippines using our website.
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com

---------------------

No comments:

 
Web Design by WebToGo Philippines