Wednesday, April 22, 2009

Nag-aaway na Mag-asawa

----------------------------------------------------------------------------------------------
Family Care:
Nag-aaway na Mag-asawa

Question: Jake (South Korea) April 22, 2009

helo po gud pm po,nag away kmi ng mrs ko po last month. nasetle na sana ang aking nagawa pagkakamali sa kanya kaya ang problema ko ngayun ay ito po. hindi na raw maki alam ang mrs ko sakin. hindi na raw nya ako mahal. hindi na raw nya ako miss. pagtumatawag ako sa kanya lagung galit. kaya ngayun nagduda na ako baka maylalaki na sya...anu po ang dapat kong gawin? tnx po

-------------------

Answer

Hello Jake,

First of all, Jake, kailangan mong itanong sa sarili mo at sa kanya kung yung pinag-awayan ninyong dati ay talagang na settle na. Siguro mayroon pa ring kinikimkim ang asawa mo. At ang pag-iisip mo na baka may iba nang lalaki siya ay kailangan tigilin mo. Walang silbi itong mga pag susupetcha mo, magpapasama lang ng loob mo at maaring magpa-palala lang ito ng situasyon.

Sabi mo uuwi ka, sa pag-uwi mo kailangang mag-usap kayong mag-asawa ng masinsinan. Sa pag-uusap ninyong ito, ilabas ninyo sa isa't isa ang lahat na nadaramdam ninyo. Siguro kailangan bisitahin ninyo muli yung mga episodes ng buhay ninyong magkasama kayo, yung courtship ninyo, yung mga araw ng bagong kasal kayo. Sa ganitong paraan sikapin ninyong pasariwain muli ang relasyon ninyo. Alalahanin ang mga dahilan kung bakit kayo nagpakasal, pukawin muli ang mga pangarap, ang mga plano ninyon noong nag-asawa kayo.

Try to work things out together and maybe learn how to trust in each other more. Maintaining a marriage while you're away from each other is very difficult, but if you want your marriage to succeed, you both need to be more open with each other and try to help each other through those difficult times.

Salamat sa iyong tanong,
Regina Diaz Goon
Psychologist
OFWParaSaPamilya


--------------------
Submit your thoughts on Jake's question by clicking on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!

Click here to set an appointment with a psychologist/doctor in the Philippines using our website.
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com

---------------------

No comments:

 
Web Design by WebToGo Philippines