Friday, April 10, 2009

Emotional Abuse

------------------------------------------------------------------------------------------------
Family Care:

Minamaliit at parang bina-baliwalang halaga


Question: Sheryll (Philippines) April 8, 2009

Di ko po alam kung normal lang ang aking nararamdaman. Feeling ko po kc hindi ako na- aappreciate ng mister ko. Para po kc minamaliit nya ang kakayahan ko, never po nya ako pinuri kahit na maalaga ako sa anak, asawa at bahay. Matino po akong babae at galing sa kilalang pamilya. Matanda po cya sakin ng 10yrs, naiisip ko po tuloy na hindi ako importante o care taker lang ako dito. Lagi idea nya ang magaling, ako mali ang sabi nya. Ang pakiramdam ko tuloy neglected ako o kulang lang sa pansin. Thanks po.

-----------------
Answer:

Dear Sheryll,

Ang nararamdaman mong hindi ka importante, o parang caretaker ka lang ay hindi dahil sa ikaw ay “kulang sa pansin”. Maaring ikaw ay biktima ng ibang klaseng pag-aabuso. Itong pang-aabusong ito ay tinatawag na emotional abuse. Marami sa nakaranas ng pang-aabusong emotional ay nagkakaroon ng mga feelings na katulad ng nadarama mo. Maraming nakakaalam ng pang-aabusong physical sapagka’t ito ay pinaguusapan ng marami at binibigyan pansin ng media, sa television, sa radio at sa newspapers. Itong pang-aabusong ito ay madali ring makita sapagka’t may mga physical signs katulad ng black eye o pasa-pasang katawan. Ang emotional abuse naman ay walang mga physical signs na naiiwan, nguni’t ang resulta nito ay kasing-sama ng pang-aabusong physical.

Ang pang-aabusong emotional ay parang “brain washing” na ang target ay ang self-esteem ng inaabuso. Emotional abuse causes a person to loose self-confidence, it destroys one’s sense of worth and it also causes one to distrust her own perceptions and self-concept. At kung hindi ito intindihin o hintuin, and inaabuso ay maaring dumating sa situasyon na sa kanilang pagtingin sa sarili ay wala silang kuwenta at walang halaga. Sa kalagayang ito maari ring isipin na siya ang dapat sisihin sa pag-aabuso, because she “deserves” it.

For your information, parang maka-decision ka kung ito nga ay nangyayari sa iyo, here are some of the warning signs of emotional abuse:

1) Abusive expectations: Nararamdaman mo na napakataas ng expectations sa iyo, at parang laging hindi sapat ang iyong ginagawa. And on top of this he is always criticizing you.

2) Verbal Assaults: Lagi kang parang tinuturuan, lahat ng gawa mo ay hindi tama at ang dating ay laging, “I know best”. He may also call you names like “stupid” etc. minamaliit ka, constantly finds fault with you and may make fun of you in private or in front of his friends and family.

3) Dominating: Hindi ka pinapayagang magkaroon ng iyong sariling opinion or viewpoint, dapat mong sundin yung isip niya. Dapat laging masunod yung gusto niya. He may even deny your perceptions and memory.

4) Emotional blackmail: Plays on your fears, guilt or other “buttons” in order to control you or get what he wants. Other ways he may use to control you is by either threatening to end the relationship or abandon you or by withdrawing into a sullen silence.

Sheryll, sinabi mo na ang asawa mo ay 10 years older than you. Siya ba ay foreigner? Paano ba ang trato ng father-in-law mo sa kanyang sariling asawa?
Tinatanong ko ito sapagka’t ang kinalakihan at kinasanayang ugali ay mayroon ring “influence” sa behavior nang isang lalaki sa kanyang asawa.

Kung ang iyong nararamdaman ay hindi mo gusto, kailangang mong alagaan ang sarili mo. Humanap ka ng makakatulong sa iyo. Kung mayroon kayong mapuntahang psychologist, maari ninyong pasukan ang couples counseling.

However, you also need to know that the situation can deteriorate and physical abuse may become part of the pattern of his behavior towards you. Keeping this in mind, find a way to protect yourself and your children.

Salamat sa iyong tanong,
Regina Diaz Goon
Psychologist
OFWParaSaPamilya.com


--------------------
Submit your thoughts and questions on Sheryll's situation by simply clicking on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!

Click here to set an appointment with a psychologist/doctor in the Philippines using our website.
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com

---------------------

No comments:

 
Web Design by WebToGo Philippines