Tuesday, April 7, 2009

Joint Pains

----------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:
Namamanhid at mahina ang left and right foot

Question: Rose (South Korea) April 7, 2009


Sabi ng dok dito may sakit daw ako sa disk, which sa leeg daw ang mga sypmtoms ko ay namamanhid. Mahina ang left and right foot and sometimes pagnakabuhat ako mahinang mahina ang kaya at di makawork ng maayos. It's been 8 yrs ng dala ko 'to, wala dami ng gamot pero wala parin gamot, di ko na alam ang gagawin dami ko na opportunity nasasayang kasi di makawork ng maayos.

Gusto ko umuwi, kaso wala rin pera kasi sa mga gastos ko sa padoktor ng padoktor dito. Ubos na ang pera ko. Lagi naman ako inom ng inom ng gamot, wala paring nangyayari. Natatakot ako kasi pagnakabuhat ako ng kht isang kilo lang, hinanghina na ko. Bale nakuha ko to ng magbuhat ako ng sobrang bigat ng mga bato bato almost mga 15kilos, pero maliit lang ako na babae. Biglang maysumakit sa batok ko at nagpacheck up ako dito. Sa dami ng hospital na napasukan ko, wala na talagang pera. Ang sabi may disk ako sa leeg, ang mga symptoms ay mahina ang right at left foot ko everyday, since 8 years ago. Ang mga kamay ko minsan walang lakas, di ko na alam ang gagawin ko. Masakit ang likod sobra, at bawat joint ko may tunog parang naguumpugang buto. Pagtinaas ko ang kamay ko may tunog lahat, patalikod o pataas lakas ng tunog

----------------------
Answer:

Hello Rose,

Maraming pwedeng sanhi ng mga sinasabi mo sa amin. Pero sa pagka-describe mo na nagsimula ito sa pagbuhat mo ng mabigat na bagay, parang nagkaroon ka ng slipped disk sa carvical vertebrae mo sa leeg. Kung ito ang dahilan, naiipit ang nerve mo or spinal cord mo sa leeg kaya wala kang lakas sa kamay at paa. Siguro sa tagal na ng problema mo, na-x-ray na or CT-scan na ang vertebrae mo. At kung ito talaga ang dahilan, walang gamot ang makakagaling niyan. Ang makakapagayos niyan ay physical therapy, rehab, or even surgery sa mga malalang kondisyon.

Salamat sa iyong tanong,
Ramon I. Diaz
Medical Coordinator
For service@OFWParaSaPamilya.com

--------------------
Submit your thoughts and questions on this topic by simply clicking on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!

Click here to set an appointment with a psychologist/doctor in the Philippines using our website.
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com

---------------------

No comments:

 
Web Design by WebToGo Philippines