----------------------------------------------------------------------------------------------
Family Care:
Keeping Secrets
Linilihim ang Pagbigay ng tulong Pinansyal sa Magulang
Question: Edward (South Korea) April 11, 2009
Mabuhay po kayo, nais ko po humingi ng inyong opinyon o payo hingil sa problemang magasawa. Ito po tungkol sa pinansyal na tulong na palihim kong pinaaabot through atm sa aking parents. Nais ng aking asawa na ako'y maging open sa kanya all the time. Many times na nahuli ako ng asawa ko na palihim na nagpapadala ng pera sa aking parents na kanyang ikinagagalit at ngayon ay nauwi na sa matinding pagtatalo naming dalawa. Mahirap lang aking mga parents, walang pirme na job ang aking ama at ang aking ina ay wala rin work, pinag aaral ko nman ang aking kapatid sa kolehiyo. Doc, nagagawa ko ilihim ang tulong dahilan sa maraming beses na akong nagbigay ng tulong sa parents ko through my wife, syempre nakakaramdam sila ng hiya tuwing ako ay magpapaabot ng pinansyal na tulong. Nais ko maging open sa asawa ko kaya last night nag confess ako na nagbigay ako last week ng pera sa parents ko na kanyang ikinagalit dahil naglilihim daw ako sa kanya. Pakiramdam daw nya ay nagmumukhang tanga raw sya sa ginagawang palihim na tulong ko sa parents ko. Doc, hindi naman madamot wife ko, gusto nya lang open ako all the time. Hanggang ngayon di pa rin kami nag kakasundo ng wife ko. Sana po ay matulungan nyo ako.
Salamat po and God Bless
------------------------
Answer:
Hello Edward,
Ang pagbibigay mong tulong sa iyong magulang ay kaakit-akit. Sa tinig ng sulat mo, ang pinagtatalo ninyong mag-asawa ay hindi yung pag-bigay tulong sa iyong magulang, nguni't yung hindi mo pinapaalam sa kanya na ikaw ay tumutulong sa iyong magulang. Ikaw rin ang nagsabi Edward, na hindi madamot ang asawa mo, so bakit hindi mo maisabi sa kanya ng derecho na ikaw ay tumutulong sa magulang mo? Baka naman nasasaktan lang siya na wala kang tiwala sa kanya kaya nagtatago ka. Para sa mga magulang mo, maaring nahihiya rin sila sapagka't ang pagbigay mo nang tulong sa kanila ay ang nagiging sanhi ng pagtatalo ninyong mag-asawa.
Siguro kailangang pag-usapan ninyong mag-asawa ang situasyon na ito. Isabi mo sa asawa mo na gusto mong matulungan ang mga magulang mo, at itanong mo sa kanya kung ano ang isip niya dito. Pag nagusap kayo ng masinsinan, maaring malalaman mo ang tunay na nasa isip ng asawa mo. Ipahatid mo rin sa kanya na importante sa iyo ang matulungan mo ang iyong magulang. Maari mo ring itanong sa kanya kung magkano sa palagay niya ang pwede ninyong ibigay sa magulang mo. Maari rin ninyong desisyonan kung kailan ninyo bibigyan ng tulong, for example kung monthly o every other month etc. Sa ganitong paraan ang pagbigay ng tulong ay "joint decision" ninyong dalawa.
Maari ring magtanong ka sa sarili, Edward, kung ito lang ang "issue" na itinatago mo sa iyong asawa. Baka nararamdaman niyang may iba kang linilihim. Siguro kailangang maging mas bukas ka sa kanya. Communicating with each other in a more open accepting way may help both of you resolve more of your problems.
Salamat sa iyong tanong,
Regina Diaz Goon
Psychologist
OFWParaSaPamilya.com
--------------------
Follow Up Note from Edward: (April 13, 2009)
Tunay nga po doktora ang inyong mga sinabi, nawa'y maging maayos at mabigyan linaw sa susunod na paguusap naming magasawa sa tulong ng ibinigay po ninyong mga idea. I believed na ang di pagkakaunawaan ay masosolusyunan ng maayos na usapan.
Salamat po sa inyong tugon.
--------------------
Submit your thoughts and questions on Edward's situation by simply clicking on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!
Click here to set an appointment with a psychologist/doctor in the Philippines using our website.
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com
---------------------
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment