----------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:
Masakit na Bukol sa Ilalim ng Leeg (Cancer)
Question: Yola (Korea), October 24, 2008
May friend po ako na nagwowork sa Hongkong. Nagkaroon siya ng bukol sa ilalim ng kanyang leeg na lumaki na, at sumasakit daw po. Ayon sa Doctor na tumingin sa kanya, isang cancer daw po yon na ang tawag ay Nasal Parengel circoma, at ngayon po ay binibigyan siya ng Therapy...apektado din daw ang kanyang nose. Hindi ko siya matulungan dahil malayo po siya sa akin, at bihira ko lang siyang nakakausap. Ano po kaya ang sakit na iyon? Salamat po!
------------------
Answer:
Dear Yola,
Ang sakit na iyon ay tinatawag na Nasopharyngeal Carcinoma. Ito ay isang cancer na tumutubo sa bahagi ng lalamunan na malapit sa ilong at sa tinatawag na "auditory tubes" na siyang mga kanal na papunta sa mga tenga. Masmadalas na nakikita ito sa mga taga Asya at Africa, kaya sinasabi na maaring may kinalaman dito ang lahi, mga pagkain, at pati na rin mga mikrobyo tulad ng "virus". Ang mga sintomas nito ay tila hindi masyadong seryoso; maaaring parating sinisipon or kaya'y nagkakaroon ng nose bleeds. Maaari ding nabibingi ng kaunti.
Ang resulta nito ay kadalasan nadadiagnose ito kapag medyo kalat na, katuland ng sa kaibigan mo. Ang bukol na naramdaman niya ay maaaring yung cancer mismo o kaya'y mga kulani sa leeg kung saan na kumalat ang cancer. Mahirap operahan ang cancer na ito dahil sa lokasyon nito, kaya ang lunas ay radiation o kaya chemotherapy. Ang layunin ng mga therapy na ito ay patayin ang cancer at ikontrol ang pagkalat nito. Maganda naman ang survival rate sa nasopharyngeal carcinoma, lalo na dito sa Asya, kung saan malawak ang experience ng mga doktor sa paggamot sa sakit na ito.
Salamat sa iyong tanong.
Priscilla Sanchez, M.D.
Medical Coordinator
For service@ofwparasapamilya.com
----------------
Submit your thoughts and questions on this topic by simply clicking on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!
Click here to set an appointment with a Filipino doctor in the Philippines using our website.
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com
----------------
Sunday, October 26, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
Thanks po Dra.sa answer nyo sa tanong ko about sa sakit ng friend ko.Iniforward ko po sa kanya ang sagot nyo,ng sa ganon po malaman nya ang nararapat nyang gawin sa tamang paraan.
Yola sent this update on her friends condition:
Nakausap ko po ang friend kong nasa Hongkong, about sa sakit nya na nasopharyngeal carcinoma. Hindi na po siya nakakapagwork,dahil sa sakit na dinaramdam nya. 5 days na daw po siyang may fever at giniginaw pa. Hindi rin siya makakain sa dahilang masaki ang lalamunan nya pag lumulunok siya, at masasakit pa rin daw ang mga bones nya. Nagstart na daw po ang pag raradiotion sa kanya. Hindi pa po siya nag dedecide na umuwi ng Pinas dahil sinasagutan naman ng amo nya ang gastos nya till end of her contract{Dec}. Sa ngayon po naka stayed siya sa doorms ng mga friends nya sa Hongkong, but she's sufferings pains.
Here is the response of our Medical Coordinator
Dear Yola,
Napakalungkot naman na naghihirap ang kaibigan mo, pero ganyan talaga and nararamdaman ng mga pasyente na ginagamot ng cancer. Masakit at nakakapanghina ang mga lunas na ginagamit, ngunit wala pang nadidiscover na gamot sa cancer na epektibo at walang mga "side effect" katulad ng dinaranas ng kaibigan mo ngayon. Mabuti na rin na hindi muna siya umuwi, lalo na dahil sagot ng amo niya ang mga treatments. Kung umuwi siya, baka ulitin lamang ang mga eksaminasyon na nagawa na sa kanya. At siyempre, kailangang sagutin niya ang sarili niyang paggagamot. Hindi mura ang mga ito. Sana ay mabisa ang radiation therapy sa cancer niya.
Salamat sa pagbalita mo.
Priscilla D. Sanchez, M.D
Coordinating Physician, OFWparasaPamilya
Post a Comment