----------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:
Diabetes
Question: Lady (Manila), October 16, 2008
Ano po ba ang nagiging symptoms ng mayroong diabetes? Ano po bang mga pagkain ang dapat iwasan? Maari ko po bang malaman kung anong medication ang nararapat? Salamat po
-----------------
Answer:
Dear Lady,
Ang diabetes mellitus ay ang kakulangan ng kakayahan ng katawan na ikontrol ang asukal sa dugo. Ang pangkaraniwan na sintomas ng diabetes mellitus ay ang tinatawag na "3 Ps": Polyuria (ihi ng ihi), Polydipsia (inom ng inom), at Polyphagia (kain ng kain). Ngunit maaari rin na ang pasyente ay naghihina lamang, o kaya'y naduduwal, o nangangayayat---mga sintomas na tinatawag na "non-specific", na hindi tumutukoy sa isang partikular na sakit.
Makasisigurado lamang na ang tao ay may diabetes sa pamamagitan ng pagpapatingin sa doktor at pagsasagawa ng mga blood tests. Ang diyeta ay isang importanteng aspeto ng paggagamot ng diabetes. Kailangan bawasan ang pagkain na matamis, pati na rin mga taba ng hayop. Ang pag-inom ng alak ay isa pang kailangang bawasan o tigilan ng tuluyan.
Maraming gamot para sa diabetes, pero hindi dapat inumin ang mga ito nang walang patnubay o "guidance" ng isang doktor na may kakayahan sa paggamot ng sakit na ito. Importanteng magpatingin agad at magpagamot dahil marami ang maaaring komplikasyon ng diabetes na hindi ginagamot.
Salamat sa iyong tanong.
Priscilla Sanchez, M.D.
Medical Coordinator
For service@ofwparasapamilya.com
------------------------
Click here to set an appointment with a Filipino doctor in the Philippines using our website.
Return to main page: www.ofwparasapamilya.com
Saturday, October 18, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment