------------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:
Menopause
Question: Gemini (Korea), October 19, 2008
Ako po ay 51 years old na may apat na anak. Lately, ako ay parang laging pagod at may mga galos sa katawan na nangangati. Hindi rin ako nagregla last month. Ano po kaya ang mga sintomas ng menopause?
------------
Answer:
Dear Gemini,
Iba-iba ang dinaranas ng mga babae kapag palapit na ang menopause. Minsan walang nararamdaman, at kung minsan naman ay sobra ang paghihirap, na pati ang pagtulog sa gabi ay naapektuhan.
Iba ang "menopause" sa "perimenopause". Kung nagkaroon ka pa ng regla bago itong nakaraan na buwan, wala ka pa sa menopause, ngunit siguro ay nasa perimenopause ka na. Sa perimenopause, nagiging irregular na ang menstruation, o kaya'y mas mahina na ang pagdugo. Minsan, mas malakas naman ang pagdudugo.
Ang mga sumusunod ay ang pinakamadalas na sintomas ng perimenopause: hot flashes (pakaramdam na mainit na mainit na may kasamang pamumula ng balat), pagiging very emotional, pagkawalang interes sa pakikipagtalik, ang pagiging makalimutin, ang pananakit ng ulo, palpitasyon, at pangangati. Tuloy-tuloy lamang ang mga sintomas na ito hanggang umabot sa menopause. Kapag lumipas ang isang buong taon na walang regla, maaari nang sabihin na menopause ka na talaga.
Ang pangangati ng iyong balat ay maaaring dahil sa perimenopause. Nagiging manipis ang balat kapag palapit na ang menopause. Ngunit kung mayroon kang sugat o galos na hindi nawawala, masmabuti na rin na magpatingin sa doktor para makasigurado na walang ibang sanhi ang mga ito.
Salamat sa iyong tanong.
Priscilla Sanchez, M.D.
Medical Coordinator
For service@ofwparasapamilya.com
--------------
Submit your thoughts and questions on this article by simply clicking on the word "comments" just below. Ask questions; share your thoughts, feelings and experiences.
Click here to set an appointment with a Filipino doctor in the Philippines using our website.
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com
--------------
Tuesday, October 21, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment