------------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:
Back Pains
Question: Jho (Korea), October 11, 2008
Hello. Isa po akong factory worker dito sa Korea. Lagi kong dinaramdam ang likod ko; ilang beses na rin ako na dumaan sa x-ray at mga gamot. Dahil po dito, napilitan akong umuwi sa Pilipinas kahit malapit nang matapos ang contract ko at sabi ng mga doctor dito na kailangan ko daw ng mahabang pahinga. Pagbalik ko (sa Korea), yung first week ko, ok yung pakiramdam ko, but then now a days balik na naman po sa dati yung nararamdaman ko. Ano kaya ang sakit na ito? Wala po kaya itong kinalaman sa internal organs ko? OK naman ang pag ihi ko kaya lang malimit ako umihi sa araw but sa gabi ok naman po. Sana po ay matulungan ninyo ako sa nararamdaman kong ito. Maraming salamat at mabuhay po kayo.
----------------
Answer:
Dear Jho,
Maraming pwedeng sanhi ng back pain. Habang isang factory worker, siguro ang sakit na nararamdaman mo ay nasa lower back. At kung ang trabaho mo ay kailangan kang magbuhat ng mabibigat na bagay, ito ay siguradong isang sanhi ng pananakit ng likod mo. Sa ganito, ang mga causes ng low-back pain ay: muscle spasm, spondylolisthesis, o disc hernia na naiipit ang sciatic nerve (tinatawag na sciatica). Ang gamutan sa bawat isa nito ay iba-iba pero definitely kailangan i-rest ang likod para maka-recover. Pain relievers and warm compress 15 minutes three times a day kapag bago pa lang ang sakit, physical rehabilitation and strengthening para hindi na umulit, at sa mga malalang kaso, surgery ang makakapag-relieve ng sakit.
Pero kung ang sakit naman ay nasa upper back, mas maraming pwedeng sanhi nito. Bukod sa mga nakalista sa taas, posible din ang lung infection tulad ng TB, o mga tumor.
Para makasigurado, Jho, we recommend na mag-consulta ka sa doctor para ma-examine ka ng maigi.
Kung nandito ka sa Pilipinas at kailangan mo ng referral and consultation service sa isang mabuting doktor, ang aming website ay handang tulungan ka.
Sincerely,
Ramon Diaz Jr.,MD
Medical Coordinator
for service@ofwparasapamilya.com
--------------------------------
Click here to set an appointment with a Filipino doctor in the Philippines using our website.
Return to website: www.ofwparasapamilya.com
Saturday, October 18, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment