Thursday, October 9, 2008

-----------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:

TB IS an infectious disease!

Question: Kristine (Manila), October 2, 2008

Worried ako sa boyfriend ko dahil may minimal TB siya. Ngayon lang niya nalaman yun. Paano ko ba siya matutulungan? Nakakahawa ba ito?
----------------
Answer:

Dear Kristine,

Ang tuberculosis o TB ay isang "infectious disease". Nakakahawa ito dahil ang sanhi ay isang mikrobyo na tinatawag na Mycobacterium tuberculosis. Naipapasa ito sa mga kasama sa bahay o trabaho sa pamamagitan ng paghinga o paglanghap nito galing sa mga taong may sakit na ito. Ang baga ang pinakamadalas na naapektuhan, pero maaaring kumapit ito sa ibang bahagi ng katawan.

Kung ang "minimal tb" ng boyfriend mo ay nakita sa pamamagitan ng chest x-ray, kailangan niyang magpatingin sa isang internist o spesyalista sa baga (pulmonologist). Mahalaga na maeksamen ang plema niya sa laboratoryo para hanapin ang mikrobyo na nagiging sanhi ng TB. Kapag positive ito, mabuting maumpisahan agad ang paggagamot. Matagal ang gamutan sa TB pero ang mga gamot na ginagamit ay epektibo basta't iniinom ayon sa utos ng doktor.

Makakatulong ka sa kanya sa pamamagitan ng pagpapaalala sa kanya na kailangang inumin ang gamot. Kung parati kayong magkasama, kailangan mo ring magpa chest x-ray para manigurado na wala kang sakit na ito.

Salamat sa iyong tanong.

Priscilla Sanchez, M.D.
Medical Coordinator
For service@ofwparasapamilya.com
_______
Submit your thoughts and questions by simply clicking on the word "comments" just below. Ask questions; share your thoughts, feelings and experiences. Click on "Magtanong sa Doktor", or "Magtanong sa Psychologist" or join the e-PinoyTalk forums. Stay in touch!

Hindi ka nagiisa... One. Filipino. Never Alone.
Click to return to main page: www.OFWParaSaPamilya.com
_______

No comments:

 
Web Design by WebToGo Philippines