----------------------------------------------------------------------------------------------
Family Care:
Preparing and Helping a Teenage Child Move Abroad
(Paano Matulungan ang Teenager na Galit na Mangibang-Bansa)
Question: "Isang Ina" (posted on OFW Agap Kamay blog), October 20, 2008
Doc Alianan,
Ang sinabi mo na masmadali mag adjust ang mga bata kung maliliit pa sila, paano po yung mga teenager? Worried lang ako kasi may teenager ako at para talagang galit siya pag sinasabihan kong baka makapunta na kami sa pinagtratrabahuhan ng aking asawa.
-----------------
Answer:
Hello, Isang Ina.
Ang mga teenager ay nasa panahon ng kanilang buhay na ang pinakamahalaga para sa kanila ay ang mga kaibigan. Kailangan kasi nila matuklasan kung sino sila at kung ano ang kanilang magiging papel sa buhay. Sa pamamamagitan ng pakikipagkaibigan at paggugol ng panahon kasama ang mga ito, nakikilala nila ang sarili nila. Nasusubukan nila kung ano ba ang tamang asal at kung sinu-sino ba ang mga gusto nilang makasama. Nakadadama din sila ng masayang pakikipag-kapwa sa kanilang mga kabarkada.
Maraming dahilan kung bakit mistulang nagagalit ang iyong teenager kapag nababanggit mo ang paglipat sa ibang bansa. Ang ilang sa mga dahilan dito ay ang mga sumusunod:
• Hindi niya alam kung ano ang haharapin niya sa ibang bansa;
• Ayaw niya talagang umalis;
• Maaaring matagal na ito nababanggit ngunit walang katiyakan, kaya siya ay wala nang gana;
• Ang pagkawalay sa mga kaibigan at paglipat sa lugar na wala siyang kakilala;
• Kung siya ay malapit sa mga kapit-bahay o kamag-anak ninyo, malalayo din siya sa mga ito; at
• Kung siya ay may nobyo/nobya, ang pagkahiwalay sa isang taong malapit sa kanya.
Kailangan kayo mag-usap ng masinsinan kung ano ba ang ikinababahala ng iyong binata/dalaga. Tanongin mo siya at sabihin mong gusto mong mag-usap kayo ng malaya at tiyakin mo na hindi ka magagalit sa kung ano man ang ibubunyag niya na nasa isip at kalooban niya tungkol sa panginigbang-bansa ninyo. Kung hindi naman siya handa magsalita, hintayin mo lang. Bati-batiin mo lang muna sa umpisa na nais mo siyang makausap tungkol sa mga bagay na ito. Maaaring maselan ang paksang usapin na ito para sa kanya, kaya suwabe lang dapat.
Ang ilang sa mga tanong na maaari mong ibunyag sa kanya ay ang mga sumusunod:
• Ano ang pakiramdam mo sa panginigbang-bansa natin?
• Ano ang inaasam-asam mo tungkol dito?
• Ano naman ang ikinababahala mo? May mga pangamba ka ba?
• Paano kita matutulungan para mapagaan ko ang loob mo tungkol sa pag-alis natin?
• May magagawa ka ba para mapagaan mo ang loob mo sa pag-alis natin?
Bilang magulang, hindi madali ang makipag-usap sa isang binatilyo/dalagita. Tandaan mo na lang na gusto nilang kinakausap sila na parang isa ring matanda. Iwasan mo ang pagsasaway at pangangaral dahil siguradong hindi niya magugustuhang ituloy ang pag-uusap kung naging ganito na ang tono ng usapan.
Good luck sa iyo, Isang Ina. Sana’y nakatulong ang mga naisulat ko sa iyo at sa anak mo.
Sumasaiyo,
Dr. Boboy
Arsenio Sze Alianan, PhD
Clinical Psychologist, Counseling Centre
National University of Singapore
----------------
Submit your thoughts and questions on this topic by simply clicking on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com
----------------
Tuesday, November 4, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment