-----------------------------------------------------------------------------------------------
Family Care:
Sana Umayos Na Ang Pilipinas
(Suffering Hardships Abroad and Yearning for the Philippines)
eMail: Essa (Bahrain), October 22, 2008
Thanks so much po sa reply nyo. (Click to read Essa's original question on Long-Distance Marriage.) Pasensya na po at medyo matagal-tagal ako hindi naka pag bukas ng email, neway uugaliin ko na mag bukas araw araw kasi libre naman dito sa office namin.
Mabuhay po kayo na tumutulong sa ating mga OFWs. Madalas ako sa OWWA center at embassy natin dito sa Bahrain at nakakapanlumo ang kalagayan ng iba nating mga kababayan dito. Aside sa mga naturan ninyong mga problema, may mga aktual pa nga na problema na hinaharap sila dito, kagaya ng pag-mamaltrato, hindi pinapakain, kinukulong, hindi pinapa-sweldo at madalas yong mga babae pinag-nanasahan pa ng among lalaki, at ang iba nagagahasa pa. Masaklap ang nangyayari sa iba nating mga OFW dito lalo na ang mga household worker. Napakaliit po ng sweldo at hindi na halos talaga kasya para sa pamilya kahit mag padala man diyan sa atin. Sana naman matapos na ang pag hihirap ng lahat, na umayos na naman ang Pilipinas ng makauwi na ang karamihan sa amin dito na puro dusa at pag hihirap lang ang natatamo.
Salamat po ng marami sa inyong lahat.
-------------
Answer:
Maraming salamat, Essa.
Malungkot kami ng matanggap namin yung email nyo. Kahit nababasa namin sa peryodiko yung mga problemang inilista nyo, iba rin na marinig itong derecho sa isang may kinalaman at maykakilalang na mga na-abusong OFWs. Naki-iisa rin kami sa iyong maka-pusong nais na matapos ang pag-hihirap ng lahat, at suma-ayos na ang Pilipinas upang makauwi ang karamihan ng ating kababayan na nag-dudusa sa ibang bansa.
Ang decision na pag-punta sa abroad ay personal sa bawa't isa, at ganoon din ang decision na umuwi na sa Pilipinas. Madalas hindi natin makakamtan ang lahat na pangarap ng pag-abroad natin. Nguni't kung nakamtan na natin ang isa o' mga ilan ng mga pinakaimportanteng goals natin, o' may-trabaho o' skill na tayong natutuhan, o' nakapag-impok ng kaunting puhunan, o' natapos na ang pag-aaral ng ating mga anak, pwede rin isipin bumalik na sa bayang Pilipinas at dito na magtrabaho o' mag-negosyo sa piling ng ating mga mahal.
Maraming magandang mga nangyari na rin dito. Sa mga kagaya ninyo na anim na taong hindi nakauwi, siguro magugulat din kayo sa mga development dito, at sa mga bagong klaseng trabaho kagaya ng mga "call centre" o' "business process outsourcing", kung hindi sa kadami-daming mga shopping mall sa Manila at sa mga probinsya. Sa pag-laki ng mga naturang Filipino companies, at salamat sa pag-hihirap ninyong mga OFW atbp Pilipino expats, mas marami ang pera ng tao ngayon. Siyempre marami pa rin na mahihirap, at marami din ang mga kakulangan. Nguni't pag-isipan natin na sa halip na hintayin na ma-kumpleto ang pagka-ayos ng ating bansa, baka may maari tayong gawin na kahit ng kaliitan na trabaho o' negosyo dito na pwedeng makahanap buhay para sa sarili at sa ating pamilya at, sa pamamagitan ng mabuting serbisyo sa kliente, amo o' kapwang empleado ay maka-contribute din na maka-ayos sa ating bansa.
Sana'y makatulong itong mga pala-palagay sa iyong pag-isip at pag-plano ng buhay. Basahin din yung kwento ni OFW Eddie Evangelista at yung kanyang sinabi, "Marami pang bagay na darating sa ating buhay pagkatapos ng pagtrabaho sa ibang bansa at yan ay dapat nasa isip ng bawat isa."
Sa aming mga mahal na mambabasa:
Ano ang maisabi o maipayo ninyo kay Essa? Paki-sulat lang po sa "comments" below, o click sa Contact Us.
Maraming salamat.
DIDiaz
For service@ofwparasapamilya.com
--------------
Submit your thoughts and advice on this email by simply clicking on the word "comments" just below. Ask questions; share your thoughts, feelings and experiences.
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com
--------------
Friday, November 7, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Hi Essa!Agreed ako sa sinabi mo about the situation sa ating bansa.Kahit kaming naririto sa Korea,ganyan din ang pinag-uusapan,kung kailan uunlad ang ating bansa,umaasenso nga minsan,pero hirap pa rin.At katulad mo rin ang ibang mga kaibigan ko dito sa Korea na mga ilang taon ng hindi nila nakikita ang Pilipinas,at seyemore ang kanilang pamilya,gaano nila nalalampasan ang mga paghihirap ng kanilang buhay.malayo sa mga mahal sa buhay,nagtitiis ng pagod sa pag tratrabaho,para lang sa pamilya.At karamihan kasi dito kung kaya tumatagal sila na hindi nakakauwi ng Pinas sa dahilang natapos na ang kanilang mga working visa,at yon nga sa hirap ng buhay sa atin,kaya napagisipan na lang nilang mag TNT,at awa naman ng diyos mayroong mga tumatagal talaga dito,like many of my friends.Could you imagine,10 years,7 yrs.na hindi sila nakakauwi,sa takot na wala silang makitang magandang trabaho sa ating bansa.Mahirap pala ang magwork dyan?Mabuti na lang at mas maganda yata ang work mo sa ibang mga filipino na nariyan,kawawa naman yong iba,kasi hindi maganda ang mga nagiging mga amo.Dito sa korea,meron din ibang koreans na katulad ng naranasan ng mga filipinong nariyan sa lugar mo,pero bihira lang kaming nakakabalita ng masasamang amo.Sana if you have time Essa,kung mayroong catholic church dyan,Pwede kayong magsama sama ng ating mga kapwa filipino every sunday.Para magkatulungan kayo sa isat-isa.Proud din ako sa yo,kasi isa ka rin sa nag sasacrifices sa buhay,at sa matagal mo ng hindi nakakasama ang asawa mo.Hope dumating din ang time para sa iyo na makasama mo na ang pamilya mo....May the lord will bless us always!Take care Essa!
Post a Comment