-----------------------------------------------------------------------------------------------
Family Care:
Pangamba na Mahulog sa Tukso
(Fearing that Spouse Will Fall to Temptations While Away)
Question: "Nagtatanong Lang" (Posted on Asawa Ng OFW Blog), October 28, 2008
Gusto ko lang malaman kung normal ba yung mga pangamba na nararamdaman kong baka mahulog ang asawa ko sa tukso habang wala siya sa piling ko? Ayaw ko namang ipaalam itong mga pangangamba ko sapagkat baka isipin niya na wala akong tiwala sa kanya.
---------------
Answer:
Dear "Nagtatanong lang",
Ang iyong pangangamba na baka mahulog sa tukso ang asawa mo habang wala siya sa piling mo ay normal. Nguni't itong pangangambang ito ay kailangang pag-usapan ninyong mag-asawa bago siya umalis. Dahil sa kanyang kalagayan, na malayo sa iyo at siyempre malungkot, pag may nakilalang parang mabait at maalalahanin at parang nakakaintindi ng kanyang kalagayan, at bukod pa dito ay nasa parehong kalagayan niya, ay maaring magkaroon ng pagkapukaw-damdamin sa isa't isa. Kung mapag-usapan ninyong mabuti itong mga posibilidad na ito, bukas ang isip niya at alam niya na kailangang bantayan ang kanyang sarili.
Isabi mo rin sa kanya na hindi ito question na wala kang tiwala sa kanya nguni't para lamang maunawaan niya na pwede itong mangyari.
Kung nakaalis na ang asawa mo, pagusapan pa rin ninyo ito. Pumili ka ng pagkakataon na mag-usap kayo tungkol sa bagay na ito. Pwede ninyong pag-usapan sa telefono o sa pamamagitan ng webcam at skype. Piliin mo ang oras na kayo lang dalawa ang nag-uusap. Gamitin ang opportunidad na ito na maumpisahan ang pagbabahagi ninyong mag-asawa ng hindi lang mga importanteng pangyayari, pangamba, at problema nguni't yun ring mga karaniwang pangyayari, pangamba at problema. At sa paraan na ito maipapatuloy ninyo ang pagpapalagayang loob o intimacy na napaka importante sa mag-asawa.
Salamat sa iyong tanong,
Regina Diaz Goon
Psychologist
For service@ofwparasapamilya.com
----------------
Submit your thoughts and questions on this topic by simply clicking on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com
----------------
Wednesday, November 5, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment