-----------------------------------------------------------------------------------------------
Family Care:
Ang Taga-alagang Anak
(Daughter as Caregiver)
Question: Carmela (November 9, 2008)
Ako po ay tumatawag sa nanay almost every week. Marami kaming pinaguusapan tungkol sa nangyayari sa bahay, sa school atbp. Nguni't ang hindi ko lang masabi sa kanya ay minsan pagod na ako. Kasi ho, ako ang panganay at ako ho ang nag aalaga ng lahat ng kailangan ng aking mga kapatid. Mahal ko po ang aking ina at aking mga kapatid, nguni't minsan ho ay parang may galit rin ako sapagka't wala na rin akong magawang iba. Madalas akong makasama sa aking mga kaibigan.
--------------
Answer:
Hi Carmela,
Una, nais kitang batiin, wika nga "Congratulations for being a good and responsible daughter!" Totoo na minsan nakakapagod rin ang maging naatasang tagapag-alaga hindi lamang ng iyong mga kapatid kundi ng mga bagay-bagay sa bahay. Hindi ka nag-iisa sa iyong nararanasan at nararamdaman sa ngayon.
Bahagi ng "healthy communication with people we love" ay maging bukas at totoo, honest wika nga. Ang pagiging honest ay mahalaga. Maaring iniisip mo na ayaw mo na bigyan ng problema o ng isipin ang nanay mo. Pero sya ay nanay mo at maiintidihan nya na minsan o madalas napapagod ka na. Ang pag-amin na ikaw ay napapagod ay maaaring makagaan sa iyong nararamdaman sa ngayon. Ano mang bagay o damdamin na hindi natin ilabas ay maghahanap ng paraan para makalabas sa loob natin. Minsan ang simple sama ng loob ay nagiging GALIT. Malayo man sya sa iyo physically, sya pa rin ang iyong nanay na nakakaunawa sa iyong nararamdaman at nararanasan.
Carmela, kailangan mo ring alagaan ang iyong sarili. Importante na gawin mo rin ang mga bagay na magpapasaya sa iyo, lumabas kasama ang mga kaibigan mo, manood ng sine paminsan-minsan, mag-malling. magpamasahe at kung anu-ano pa. Napakahalaga rin ng pakikipag-usap sa kaibigan o kamag-anak.
Sumasaiyo,
Caring Tarroja
PhD, Clinical Psychologist
----------------
Submit your thoughts and questions on this topic by simply clicking on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com
----------------
Friday, November 14, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment