----------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:
Palatandaan ng Nang-aabuso ng Droga
(Signs That Your Child Is on Drugs, and What to Do About It)
Question: Ed (November 3, 2008)
Nalaman ko lang na yung aking anak na lalaki (18 years old) ay hindi na raw pumapasok, at laging wala sa bahay. Ang asawa ko ay nag-aalaala na baka nag drodroga siya. Anu-ano ho ba ang palatandaan na dapat masdan ng asawa ko na makakasabi sa amin na nagdrodroga na nga ang aming anak? At ano ho ang magagawa namin?
--------------
Answer:
Ed,
Ang madalas na droga na ginagamit ng mga kabataan ay marijuana at shabu. Marami din ang umiinom ng alak o beer dahil sa madali itong bilhin.
Kadalasan, ang marijuana ay hinihitit na parang sigarilyo, kaya maaaring maamoy ang usok nito- sa damit, sa mga daliri. Sa marijuana, namumula ang mga mata ng gumamit. Maaaring bumagal ang pag-iisip o pagsasalita. Maari din na magana at malakas na pagkain. Ang pagtawa ng walang dahilan ay nakikita din sa paggamit ng marijuana.
Sa shabu, madalas na epekto ang problema sa pagtulog. Ang bagong gamit ng shabu ay maaaring di makatulog ng ilang araw. Nakadilat ang mga mata. May tamang "praning", o parang naloloko. Pinagpapawisan at madalas ang pag-ihi. Nababawasan din ang gana sa pagkain kaya't pumapayat pag matagal ang paggamit. Pwede ring maging makulit at naghahanap ng magagawa. Pagkatapos ay babawi ng matagal na tulog.
Ang bisyo sa droga ay kailangan ng pera. Madalas nauubos ang pera at maaaring humanap ng ibang paraan para kumita. Kasama dito ang pagbebenta ng mga gamit at kung minsan, ang pagkukupit. Napapabayaan ang kalusugan at kalinisan. Makikita rin ang pagbabago ng anyo at ugali. Nagiging iritable ang gumagamit ng droga. Nagiging masekreto at lumalayo sa pamilya.
Ang mga kabataan ay maaaring matuksong sumubok ng mga droga. Mahalaga na malaman kung may mas mabigat na problema ang inyong anak. Ang pagiging teenager ay magulong yugto sa buhay. Ang hindi niya pag-uwi at hindi pagpasok sa eskwelahan ay agad dapat bigyang pansin.
Masisigurado lamang ang paggamit ng droga sa isang drug test. Mabilis nalalaman ang resulta. Makakatulong ang pagkonsulta sa isang psychiatrist para mapagusapan ng mabuti at maunawaan ang nangyayari sa inyong anak.
Salamat sa inyong tanong.
Herman Sanchez, M.D.
Psychiatrist
For service@ofwparasapamilya.com
------------------
Submit your thoughts and questions on this topic by simply clicking on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!
Click here to set an appointment with a doctor/ psychiatrist in the Philippines using our website.
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com
----------------
Thursday, November 6, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment