Wednesday, August 5, 2009

Panic Attacks

--------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:
Panic Attacks, Post Traumatic Stress Disorder

Question: Hamilton, (Qatar) July 25, 2009


Hi ask ko lang po what is the symptoms of psychosis and symptoms of post traumatic stress disorder? Can seroxat cause permanent sexual dysfunction, kasi I was prescribed with this medicine, and natatakot po ako sa mga side effects. I have panic attacks, anxiety, depression and di ko po alam if may post traumatic disorder na rin ako kasi I was traumatized b4 when I was rushed to the hospital because of panic. And that time parang nawala ako sa sarili ko

-------------------

Answer:

Ang Seroxat ay antidepressant na ginagamit sa depression, anxiety and/or panic attacks. Isang side effect ang decreased libido o gana sa sex. Ito ay hindi permanente. Bumabalik sa dati kapag tinigil na ang pag-inom ng gamot. Hindi laging pareho ang epekto ng gamot para sa lahat ng tao.

Ang post-traumatic stress disorder ay nangyayari matapos makaranas ng "stress" na severe enough para maapektuhan ka. Maaaring naranasan mismo o nakita/napanood sa ibang tao. Ang "stress" na ito ay nauulit sa isipan at napapaginipan. Parang sinasariwa. Ito ay nagdudulot ng anxiety, takot at pagtagal ay maaaring maging depression o kaya psychosis.

Ang psychosis ay ginagamit sa pagtukoy kapag ang tao ay nawala sa sarili. Maaaring may hallucinations, kakaibang pag-iisip o pagkilos (bizarre thinking or behavior). Pwede rin ang pagiging tulala. Pag-iyak o pagtawa ng walang dahilan. Madalas din ang paranoia o maling akala. Ang psychosis ay pwedeng makita sa iba't-ibang klaseng sakit.

Ang pagkonsulta at pagtanong sa Psychiatrist ang mas makakatulong magpaliwanag sa mga katanungan. Mahirap ikahon ang epekto at bisa ng gamot. Ang tamang diagnosis ay mahalaga sa paggamot at paggaling.

Salamat sa iyong tanong.
Dr.Herman Sanchez M.D.
Psychiatrist
OFWParaSaPamilya

---------------------

Submit your thoughts on this question by clicking on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!

Click here to set an appointment with the psychologists and doctors on our website.
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com

----------------------

2 comments:

beauty said...
This comment has been removed by the author.
Anonymous said...

You're right, panic anxiety may be difficult to dealt with but it's possible to overcome it. I also found refuge in dealing with panic attacks with with this helpful site

 
Web Design by WebToGo Philippines