Sunday, November 30, 2008

----------------------------------------------------------------------------------------------
Family Care:

Malungkot at Naiingit sa Inaalagaan ng Inang OFW
(Envying the foreign children under his mother's care)

Question: Kiko (Manila), November 11, 2008

Nang umalis ang nanay ko, hindi ko malaman kung masaya ako o malungkot. Ngayon na matagal na syang wala, alam ko na malungkot ako. Mayroon syang pinadalang picture ng kanyang mga inaalagaan, malungkot ako noong nakita ko yun, naisip ko ang swerte nila!
--------------
Answer:

Hi Kiko,

Napakahirap talaga na mawala ang nanay sa araw-araw na pamumuhay ng isang anak. May isang katulad mong nagsabi na para sa kanya "nawala and ilaw" ng kanilang tahanan ng umalis ang kanyang ina upang magtrabaho sa ibang bansa.

Ang nararamdaman mong lungkot at inggit ay normal at karapat dapat. Nguni't huwag mong kimkimin ang mga nararamdaman mo, at sabihin mo sa iyong ina ang mga damdamin mong ito. Siguro malulungkot siya pag narinig niya ito, nguni't kailangan maisabi mo ito sa kanya. Sabihin mo na napaka-swerte yung mga bata doon na inaalagaan niya, at sana ikaw din ay isa sa kanila. Siguro pag naisabi mo ito sa kanya, maisasabi rin niya sa iyo na siya rin ay nalulungkot na hindi ka niya naaalagaang sa araw-araw, ngunit mahal ka niya na walang katulad, at ang pagtratrabaho niya doon ay para sa iyo din at sa iyong pagbubuhay.

Napakalaki talaga ang sacripisyong pinag-titiisan ninyong mag-anak. Napakahirap ring pagusapan ang damdamin na ito, ngunit mabuti at dapat na mapagusapan ninyo ito upang mapatunayan at mapalakas ang komunikasyon ninyong mag-ina kahit na nasa-abroad siya.

Salamat sa iyong pagsulat, Kiko!

Sumasaiyo,
Regina Diaz Goon
Psychologist
-----------------

Submit your thoughts and questions on this topic by simply clicking on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!

Click here to set an appointment with a psychologist/doctor in the Philippines using our website.
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com
----------------

2 comments:

gemini said...

dear kiko,
Alam mo,nararamdaman ko na mahal mo ang iyong Ina.kung nalulungkot ka,marahil mas nalulungkot ang nanay mo,dahil ako ay isa ding ina na iniwan ang mga anak sa pilipinas.At katulad din ng Inay mo,nagaalaga din ako ng anak ng aking amo.Ako ay nasa Korea,6 na taon na akong nag aalaga ng mga bata.At tuwing bakasyon ko,napakahirap umalis,pabalik sa aking jobsite.Katulad mo din ang mga anak ko,nalulungkot sila,pero wala silang magagawa.May mga pictures din ako ng mga alaga ko na nakita ng mga anak ko.Ang bunso ko nga 11 years old siya.Madalas nyang sabihin sa akin na huwag na akong bumalik ng korea.Alam mo ba,mahirap din para sa aming mga nanay ang magtrabaho ng malayo sa mga mahal sa buhay,subali't kailangan naming pagtiisan,dahil ang mga pagtitiis namin ay para sa mga anak na katulad mo.
Huwag kang malungkot,isipin mo na lamang na kayo yong nasa pictures na ipinadala ng nanay mo.Siguro naman ay nasa tamang idad ka na.Kaya dapat ipagmalaki mo ang nanay mo,dahil nagsasacrifices siya para sa inyong kinabukasan.Walang nanay ang gustong mawalay sa kanyang anak.Unawa at pag mamahal na lamang ang tanging maipadarama mo sa iyong Inay,Huwag mong iparamdam ang iyong kalungkutan,dahil mas higit siyang malulungkot........OKEY KIKO!GOD BLESS!

a dependent spouse said...

Dear Kiko,
Ako ay isang ina ring malapit nang umalis papuntang abroad. Gusto kong magpasalamat sa iyo sa pagsulat mo dito sa website na ito. Alam mo mayroon rin akong dalawang anak, sila ay 10 years old at and isa ay 16. Alam ko na sila ay nalulungkot sa pag-alis ko, nguni't hindi nila masabi sa akin. Sa palagay ko ayaw nila akong magworry sa kanila.
Ipapabasa ko ang sinabi mo dito sa kanila. Gusto ko ring pasalamatan si gemini sa kanyang pagsagot sa tanong ni Kiko. Nasabi niya ang nararamdaman nating mga ina. God Bless sa iyo Kiko at sa iyo rin gemini!

 
Web Design by WebToGo Philippines