---------------------------------------------------------------------------------------------
Family Care:
Ang Taga-alagang Anak at Ama na Di-Matapat sa Asawang OFW
(Daughter suspects father is being unfaithful)
Question: Karol (Manila), November 11, 2008
Ano ho ang dapat gawin ng isang anak kung nalalaman niya na nangangaliwa na ang kanyang ama? Sasabihan ba niya ito sa kanyang ina na nagtratrabaho sa ibang bansa?
-----------------
Answer:
Dear Karol,
Napakahirap ng situasyon na ito, sapagka't ikaw ay isang anak at hindi dapat maging problema mo ito. Sa karaniwang situasyon, ito ay dapat iiwan sa mag-asawa. Nguni't sa kalagayan nito na nasa ibang bansa ang ina, naiiba ang anyo ng problema.
KUNG KAYA MO, harapin mo ang iyong ama at ipaalam mo sa kanya ang iyong hiwatig tungkol sa kanyang panlilinlang. Sabihan mo rin ang nararamdam mong lungkot at hirap sa hiwatig mong ito. Ipaalam mo rin sa kanya na kailangan niyang kausapin ang nanay mo at ipaliwanag ang situasyon.
KUNG HINDI mo kayang kausapin ang iyong ama tungkol dito, HUWAG MONG PILITIN ANG SARILI MO. Humingi ka ng tulong sa isang kamaganak ninyong malapit sa kanya. Maari mo ring hingian ng tulong itong kamaganak na ito upang ipaalam sa iyong ina. Pagkatapos nito, iwanan mong silang mag-asawa na mag-usap tungkol sa situasyon na ito.
Karol, nauunawaan ko ang hirap na nararamdaman mo. Lakasan mo ang iyong loob at gusto ko ring ipaalam sa iyo ang aking taos pusong paghanga sa ginagawa mo.
Regina Diaz Goon
Psychologist
For service@ofwparasapamilya.com
-----------------
Submit your thoughts and questions on this topic by simply clicking on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!
Click here to set an appointment with a psychologist/doctor in the Philippines using our website.
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com
----------------
Wednesday, November 19, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Hi Karol,tama ang sinabing payo sa yo ni Dra.goon,dapat mo talagang kausapin ang father mo sa ginagawa nya.Kasi bilang anak ka,maykarapatan kang kausapin siya tungkol sa ginnagawa nya.Kung yon nga ay may katototohanan,huwag mo ng patatagalin ang maling ginagawa ng father mo.Mahirap na kapag tumagal pa ang panloloko nya.Masisira lang ang pamilya nyo,at kawawa naman ang mother mo na nag hihirap magwork sa ibang bansa.Kaya kung kaya mo nga tulad ng sinabe ni Dr.Goon gawin mo.Nasa magandang pakikipagusap lang para matauhan ang father mo.At maunawaan din ng mother mo kung nalaman man nya ito.Good luck!
Post a Comment