Sunday, November 30, 2008

----------------------------------------------------------------------------------------------
Family Care:

Malungkot at Naiingit sa Inaalagaan ng Inang OFW
(Envying the foreign children under his mother's care)

Question: Kiko (Manila), November 11, 2008

Nang umalis ang nanay ko, hindi ko malaman kung masaya ako o malungkot. Ngayon na matagal na syang wala, alam ko na malungkot ako. Mayroon syang pinadalang picture ng kanyang mga inaalagaan, malungkot ako noong nakita ko yun, naisip ko ang swerte nila!
--------------
Answer:

Hi Kiko,

Napakahirap talaga na mawala ang nanay sa araw-araw na pamumuhay ng isang anak. May isang katulad mong nagsabi na para sa kanya "nawala and ilaw" ng kanilang tahanan ng umalis ang kanyang ina upang magtrabaho sa ibang bansa.

Ang nararamdaman mong lungkot at inggit ay normal at karapat dapat. Nguni't huwag mong kimkimin ang mga nararamdaman mo, at sabihin mo sa iyong ina ang mga damdamin mong ito. Siguro malulungkot siya pag narinig niya ito, nguni't kailangan maisabi mo ito sa kanya. Sabihin mo na napaka-swerte yung mga bata doon na inaalagaan niya, at sana ikaw din ay isa sa kanila. Siguro pag naisabi mo ito sa kanya, maisasabi rin niya sa iyo na siya rin ay nalulungkot na hindi ka niya naaalagaang sa araw-araw, ngunit mahal ka niya na walang katulad, at ang pagtratrabaho niya doon ay para sa iyo din at sa iyong pagbubuhay.

Napakalaki talaga ang sacripisyong pinag-titiisan ninyong mag-anak. Napakahirap ring pagusapan ang damdamin na ito, ngunit mabuti at dapat na mapagusapan ninyo ito upang mapatunayan at mapalakas ang komunikasyon ninyong mag-ina kahit na nasa-abroad siya.

Salamat sa iyong pagsulat, Kiko!

Sumasaiyo,
Regina Diaz Goon
Psychologist
-----------------

Submit your thoughts and questions on this topic by simply clicking on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!

Click here to set an appointment with a psychologist/doctor in the Philippines using our website.
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com
----------------

Friday, November 28, 2008

-----------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:

Low Sperm Count

(Anong Gamot na Pamparami ng Sperm Cell)

Question: Chris (Korea), November 27, 2008

Magandang araw sa inyo doc. Tanong ko lang po kung anong gamot ang pamparami ng sperm cell na mabibili sa Pilipinas. Dati po kasi niresetahan nila ako ng Proviron pero hindi pa rin nabuntis ang aking asawa hanggang sa ako ay mag-abroad na. Maraming salamat po doc. Inaasahan ko po na matugunan ninyo ang aking mga katanungan.
----------------

Answer:

Hi Chris!

Ang Proviron ay gamot na nagpaparami ng sperm sa mga lalaking may low sperm count. Ang pag-inom nito ay three times a day for three months. Pagkatapos ng three months, kailangan magpa-sperm count muli. Kung mababa pa rin, ituloy ng three times a day for three months ulit. Pagkatapos nito, kailangan itigil muna ang pag-inom nito for another three months.

The good news is that in a certain percentage of men, nagkakaroon ng rebound effect sa sperm count during the three months na hindi umiinom ng Proviron, at tumataas ang count during this time. Sana swertehin kayo ng missis mo during this time!

If we can be of further service to you, Chris, mayroon kami sa OFWParaSaPamilya ng mga board-certified Urologists na makokonsulta mo tungkol dito pagbisita mo sa Manila.

Good Luck!

Ramon I. Diaz Jr., M.D.
Medical Coordinator,
For service@OFWParaSaPamilya.com
-----------------

Submit your thoughts and questions on this topic by simply clicking on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!

Click here to set an appointment with a psychologist/doctor in the Philippines using our website.
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com
----------------

Tuesday, November 25, 2008

-------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:

High Blood Pressure Ng Isang 26 Years Old
(Alta Presyon)

Question: Gemini (Korea), November 24, 2008

May anak po ako na kasama ko dito sa Korea, siya po ay 26 years old. Last week nag medical check up sila from the company as their regular monthly check up. Sa findings po sa kanya, mataas daw ang kanyang blood pressure:180 over 100. Pero ayon sa anak ko, wala naman daw binigay na gamot sa kanya, para sa high blood nya.

Ng tanungin ko ang anak ko kung ano ang kanyang nararamdaman, before daw po na siya ay magpa medical, naka feel daw po siya ng parang lagi daw siyang pagod, at laging antok, at nakaramdam din daw siya ng parang kumakapal ang batok, at minsan daw po ay nahihilo siya.

Ano po kaya ang dapat gawin ng anak ko, para sa kanyang nararamdamang iyon? Sa ngayon daw wala siyang nararamdaman, katulad noong naramdaman nya noon, pero nag wo-worried po ako sa kanya. Salamat po!
---------------

Answer:

Hello, Gemini!

Naiintindihan namin kung bakit ikaw ay nag-aalala sa high blood pressure ng anak mo. Siya ay masyadong bata para magkaroon ng blood pressure na 180/100! At ang iba't ibang naramdaman niya ay mga classic signs ng high blood pressure.

Sa ngayon, ang importanteng gawin ay i-monitor ang kanyang BP. Gawin ito sa umaga, hapon, at gabi. Madali lang naman bumili ng BP monitor at madali lang itong matutunang gamitin. Kung ang BP niya ay laging mataas, kailangan niya magsimulang uminom ng gamot para ma-control ang mataas na BP. Kailangan din ng blood test para ma-check ang BUN/creatinine (Kidney) at thyroid hormones dahil baka ito ang mga sanhi ng pagtaas ng blood pressure niya. Siyempre kailangan din niya tumigil ng paninigarilyo (kung siya ay naninigarilyo), bawalan ang maaalat na pagkain, avoid stress, get enough rest, and start exercising, lalo na kung siya ay overweight.

Sana magawa ninyo ito sa Korea para maagapan ang paggamot ng kanyang high blood pressure dahil may mga bad side effects ito na pwedeng biglaang mangyari at mga bad side effects na chronic naman. Kung hindi ninyo magagawa ito sa Korea, and OFWParaSaPamilya would be happy to assist you, pagbalik ninyo dito sa Pilipinas.

Salamat sa iyong tanong,

Ramon I. Diaz Jr. M.D.
Medical Coordinator
For service@OFWParaSaPamilya.com
-----------------

Submit your thoughts and questions on this topic by simply clicking on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!

Click here to set an appointment with a psychologist/doctor in the Philippines using our website.
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com
----------------

Wednesday, November 19, 2008

---------------------------------------------------------------------------------------------
Family Care:

Ang Taga-alagang Anak at Ama na Di-Matapat sa Asawang OFW
(Daughter suspects father is being unfaithful)

Question: Karol (Manila), November 11, 2008

Ano ho ang dapat gawin ng isang anak kung nalalaman niya na nangangaliwa na ang kanyang ama? Sasabihan ba niya ito sa kanyang ina na nagtratrabaho sa ibang bansa?
-----------------

Answer:

Dear Karol,

Napakahirap ng situasyon na ito, sapagka't ikaw ay isang anak at hindi dapat maging problema mo ito. Sa karaniwang situasyon, ito ay dapat iiwan sa mag-asawa. Nguni't sa kalagayan nito na nasa ibang bansa ang ina, naiiba ang anyo ng problema.

KUNG KAYA MO, harapin mo ang iyong ama at ipaalam mo sa kanya ang iyong hiwatig tungkol sa kanyang panlilinlang. Sabihan mo rin ang nararamdam mong lungkot at hirap sa hiwatig mong ito. Ipaalam mo rin sa kanya na kailangan niyang kausapin ang nanay mo at ipaliwanag ang situasyon.

KUNG HINDI mo kayang kausapin ang iyong ama tungkol dito, HUWAG MONG PILITIN ANG SARILI MO. Humingi ka ng tulong sa isang kamaganak ninyong malapit sa kanya. Maari mo ring hingian ng tulong itong kamaganak na ito upang ipaalam sa iyong ina. Pagkatapos nito, iwanan mong silang mag-asawa na mag-usap tungkol sa situasyon na ito.

Karol, nauunawaan ko ang hirap na nararamdaman mo. Lakasan mo ang iyong loob at gusto ko ring ipaalam sa iyo ang aking taos pusong paghanga sa ginagawa mo.

Regina Diaz Goon
Psychologist
For service@ofwparasapamilya.com
-----------------

Submit your thoughts and questions on this topic by simply clicking on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!

Click here to set an appointment with a psychologist/doctor in the Philippines using our website.
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com
----------------

Tuesday, November 18, 2008

-----------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:

Psoriasis and the Start of Winter
(Problema sa Balat)

Question: Marimar (Korea), November 17, 2008

I went to see a doctor here in Korea about some very itchy spots on both my legs. I've had this for a while and it has gotten worst now that it's colder. They gave me medication to apply on it. They say it's psoriasis, but I could not understand their explanation. Can you tell me what psoriasis is and what causes this? I have never had this before, so how did I get this? Thank you!
----------------
Answer:

Dear Marimar,

Psoriasis is a condition of the skin that is characterized by inflammation that leads to the eruption of lesions on the skin. These can be in the form of plaques, which are like thickened flakes of silvery skin. They can come out anywhere in the body, but the most common areas affected are the elbows, knees, lower back, and scalp. The affected skin is irritated, itchy, and sometimes bleeds. Psoriasis is considered a "chronic" disorder, and this means that it is lifelong. Patients experience attacks and remissions throughout their lives. Some have very mild forms while others have very severe attacks. Recent studies have linked certain genes to this condition.

The specific causes of psoriasis has not been isolated, but certain "triggers" to psoriatic attacks have been discovered. These are infections, certain drugs (beta blockers, anti-malarials), stress, changes in weather, skin injury, heavy alcohol intake, and smoking. In your case, it is probably the onset of winter that triggered it. Keep in mind that this may happen every year during winter from now on.

Treatment options include topical agents, light therapy, or oral medications for severe cases. Since this may become a long-term problem, regular follow up with your dermatologist is advisable.

Thank you for your question.

Priscilla D. Sanchez, M.D.
Medical Coordinator
For service@ofwparasapamilya.com
----------------

Submit your thoughts and questions on this topic by simply clicking on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!

Click here to set an appointment with a Filipino doctor in the Philippines using our website.
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com
----------------

Friday, November 14, 2008

-----------------------------------------------------------------------------------------------
Family Care:

Ang Taga-alagang Anak
(Daughter as Caregiver)

Question: Carmela (November 9, 2008)

Ako po ay tumatawag sa nanay almost every week. Marami kaming pinaguusapan tungkol sa nangyayari sa bahay, sa school atbp. Nguni't ang hindi ko lang masabi sa kanya ay minsan pagod na ako. Kasi ho, ako ang panganay at ako ho ang nag aalaga ng lahat ng kailangan ng aking mga kapatid. Mahal ko po ang aking ina at aking mga kapatid, nguni't minsan ho ay parang may galit rin ako sapagka't wala na rin akong magawang iba. Madalas akong makasama sa aking mga kaibigan.
--------------
Answer:

Hi Carmela,

Una, nais kitang batiin, wika nga "Congratulations for being a good and responsible daughter!" Totoo na minsan nakakapagod rin ang maging naatasang tagapag-alaga hindi lamang ng iyong mga kapatid kundi ng mga bagay-bagay sa bahay. Hindi ka nag-iisa sa iyong nararanasan at nararamdaman sa ngayon.

Bahagi ng "healthy communication with people we love" ay maging bukas at totoo, honest wika nga. Ang pagiging honest ay mahalaga. Maaring iniisip mo na ayaw mo na bigyan ng problema o ng isipin ang nanay mo. Pero sya ay nanay mo at maiintidihan nya na minsan o madalas napapagod ka na. Ang pag-amin na ikaw ay napapagod ay maaaring makagaan sa iyong nararamdaman sa ngayon. Ano mang bagay o damdamin na hindi natin ilabas ay maghahanap ng paraan para makalabas sa loob natin. Minsan ang simple sama ng loob ay nagiging GALIT. Malayo man sya sa iyo physically, sya pa rin ang iyong nanay na nakakaunawa sa iyong nararamdaman at nararanasan.

Carmela, kailangan mo ring alagaan ang iyong sarili. Importante na gawin mo rin ang mga bagay na magpapasaya sa iyo, lumabas kasama ang mga kaibigan mo, manood ng sine paminsan-minsan, mag-malling. magpamasahe at kung anu-ano pa. Napakahalaga rin ng pakikipag-usap sa kaibigan o kamag-anak.

Sumasaiyo,
Caring Tarroja
PhD, Clinical Psychologist
----------------

Submit your thoughts and questions on this topic by simply clicking on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!

Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com
----------------

Thursday, November 13, 2008

-----------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:

Nunal Sa Leeg

(Moles may be early signs of skin cancer)

Question: Tess (November 12, 2008)

Hi po,
Gusto ko lang itanong kung ano tawag doon sa parang nunal na tumutubo; ito po ay kulay brown na sa una ay maliit lang at unti unti lumalaki. Nagaalala kasi ako sa aking Nanay dahil may tumubong ganito sa bandang leeg nya. Sinasabi nya po na minsan ay sobrang kati at unti unti ito lumalaki. Noong una parang nunal lang na maliit, ngayon po lumalaki at nahahawakan na po. Sinubukan nila yon i-pacheckup dahil nagalala po kami. Ang sabi kailangan daw pasuin iyon. Ano po ba ito? At meron bang gamot na pwede dito? Salamat po.

--------------
Answer:

Dear Tess,

May mga nunal na maaaring pangunahing sintomas ng mga cancer sa balat. Kapag ang mga nunal na ito ay lumalaki o kaya'y nangangati o dumudugo, mas mabuti na inaalis ang mga ito para maagapan ang masmalalang sakit. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pag "shave" sa parte ng nunal na matambok at pag "cauterize" o pagsunog sa kailaliman nito. Sandali lamang ang procedure na ito. Pagkatapos nito ay ipinadadala ang nunal sa laboratoryo para maeksamin ng mahusay.

Ang doktor na dapat ninyong puntahan ay ang tinatawag na dermatologist. Walang gamot na maiinom para sa kalagayang ito, kaya ang masmabuti ay mag konsulta agad sa dermatologist na may kakayahan sa paggagamot nito.

Salamat sa iyong tanong.

Priscilla Sanchez, M.D.
Medical Coordinator
For service@ofwparasapamilya.com
----------------

Submit your thoughts and questions on this topic by simply clicking on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!

Click here to set an appointment with a Filipino doctor in the Philippines using our website.
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com
----------------

Friday, November 7, 2008

-----------------------------------------------------------------------------------------------
Family Care:

Sana Umayos Na Ang Pilipinas

(Suffering Hardships Abroad and Yearning for the Philippines)

eMail: Essa (Bahrain), October 22, 2008

Thanks so much po sa reply nyo. (Click to read Essa's original question on Long-Distance Marriage.) Pasensya na po at medyo matagal-tagal ako hindi naka pag bukas ng email, neway uugaliin ko na mag bukas araw araw kasi libre naman dito sa office namin.

Mabuhay po kayo na tumutulong sa ating mga OFWs. Madalas ako sa OWWA center at embassy natin dito sa Bahrain at nakakapanlumo ang kalagayan ng iba nating mga kababayan dito. Aside sa mga naturan ninyong mga problema, may mga aktual pa nga na problema na hinaharap sila dito, kagaya ng pag-mamaltrato, hindi pinapakain, kinukulong, hindi pinapa-sweldo at madalas yong mga babae pinag-nanasahan pa ng among lalaki, at ang iba nagagahasa pa. Masaklap ang nangyayari sa iba nating mga OFW dito lalo na ang mga household worker. Napakaliit po ng sweldo at hindi na halos talaga kasya para sa pamilya kahit mag padala man diyan sa atin. Sana naman matapos na ang pag hihirap ng lahat, na umayos na naman ang Pilipinas ng makauwi na ang karamihan sa amin dito na puro dusa at pag hihirap lang ang natatamo.

Salamat po ng marami sa inyong lahat.
-------------

Answer:


Maraming salamat, Essa.

Malungkot kami ng matanggap namin yung email nyo. Kahit nababasa namin sa peryodiko yung mga problemang inilista nyo, iba rin na marinig itong derecho sa isang may kinalaman at maykakilalang na mga na-abusong OFWs. Naki-iisa rin kami sa iyong maka-pusong nais na matapos ang pag-hihirap ng lahat, at suma-ayos na ang Pilipinas upang makauwi ang karamihan ng ating kababayan na nag-dudusa sa ibang bansa.

Ang decision na pag-punta sa abroad ay personal sa bawa't isa, at ganoon din ang decision na umuwi na sa Pilipinas. Madalas hindi natin makakamtan ang lahat na pangarap ng pag-abroad natin. Nguni't kung nakamtan na natin ang isa o' mga ilan ng mga pinakaimportanteng goals natin, o' may-trabaho o' skill na tayong natutuhan, o' nakapag-impok ng kaunting puhunan, o' natapos na ang pag-aaral ng ating mga anak, pwede rin isipin bumalik na sa bayang Pilipinas at dito na magtrabaho o' mag-negosyo sa piling ng ating mga mahal.

Maraming magandang mga nangyari na rin dito. Sa mga kagaya ninyo na anim na taong hindi nakauwi, siguro magugulat din kayo sa mga development dito, at sa mga bagong klaseng trabaho kagaya ng mga "call centre" o' "business process outsourcing", kung hindi sa kadami-daming mga shopping mall sa Manila at sa mga probinsya. Sa pag-laki ng mga naturang Filipino companies, at salamat sa pag-hihirap ninyong mga OFW atbp Pilipino expats, mas marami ang pera ng tao ngayon. Siyempre marami pa rin na mahihirap, at marami din ang mga kakulangan. Nguni't pag-isipan natin na sa halip na hintayin na ma-kumpleto ang pagka-ayos ng ating bansa, baka may maari tayong gawin na kahit ng kaliitan na trabaho o' negosyo dito na pwedeng makahanap buhay para sa sarili at sa ating pamilya at, sa pamamagitan ng mabuting serbisyo sa kliente, amo o' kapwang empleado ay maka-contribute din na maka-ayos sa ating bansa.

Sana'y makatulong itong mga pala-palagay sa iyong pag-isip at pag-plano ng buhay. Basahin din yung kwento ni OFW Eddie Evangelista at yung kanyang sinabi, "Marami pang bagay na darating sa ating buhay pagkatapos ng pagtrabaho sa ibang bansa at yan ay dapat nasa isip ng bawat isa."

Sa aming mga mahal na mambabasa:
Ano ang maisabi o maipayo ninyo kay Essa? Paki-sulat lang po sa "comments" below, o click sa Contact Us.

Maraming salamat.
DIDiaz
For service@ofwparasapamilya.com
--------------

Submit your thoughts and advice on this email by simply clicking on the word "comments" just below. Ask questions; share your thoughts, feelings and experiences.

Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com
--------------

Thursday, November 6, 2008

----------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:

Palatandaan ng Nang-aabuso ng Droga

(Signs That Your Child Is on Drugs, and What to Do About It)

Question: Ed (November 3, 2008)

Nalaman ko lang na yung aking anak na lalaki (18 years old) ay hindi na raw pumapasok, at laging wala sa bahay. Ang asawa ko ay nag-aalaala na baka nag drodroga siya. Anu-ano ho ba ang palatandaan na dapat masdan ng asawa ko na makakasabi sa amin na nagdrodroga na nga ang aming anak? At ano ho ang magagawa namin?
--------------
Answer:

Ed,
Ang madalas na droga na ginagamit ng mga kabataan ay marijuana at shabu. Marami din ang umiinom ng alak o beer dahil sa madali itong bilhin.

Kadalasan, ang marijuana ay hinihitit na parang sigarilyo, kaya maaaring maamoy ang usok nito- sa damit, sa mga daliri. Sa marijuana, namumula ang mga mata ng gumamit. Maaaring bumagal ang pag-iisip o pagsasalita. Maari din na magana at malakas na pagkain. Ang pagtawa ng walang dahilan ay nakikita din sa paggamit ng marijuana.

Sa shabu, madalas na epekto ang problema sa pagtulog. Ang bagong gamit ng shabu ay maaaring di makatulog ng ilang araw. Nakadilat ang mga mata. May tamang "praning", o parang naloloko. Pinagpapawisan at madalas ang pag-ihi. Nababawasan din ang gana sa pagkain kaya't pumapayat pag matagal ang paggamit. Pwede ring maging makulit at naghahanap ng magagawa. Pagkatapos ay babawi ng matagal na tulog.

Ang bisyo sa droga ay kailangan ng pera. Madalas nauubos ang pera at maaaring humanap ng ibang paraan para kumita. Kasama dito ang pagbebenta ng mga gamit at kung minsan, ang pagkukupit. Napapabayaan ang kalusugan at kalinisan. Makikita rin ang pagbabago ng anyo at ugali. Nagiging iritable ang gumagamit ng droga. Nagiging masekreto at lumalayo sa pamilya.

Ang mga kabataan ay maaaring matuksong sumubok ng mga droga. Mahalaga na malaman kung may mas mabigat na problema ang inyong anak. Ang pagiging teenager ay magulong yugto sa buhay. Ang hindi niya pag-uwi at hindi pagpasok sa eskwelahan ay agad dapat bigyang pansin.

Masisigurado lamang ang paggamit ng droga sa isang drug test. Mabilis nalalaman ang resulta. Makakatulong ang pagkonsulta sa isang psychiatrist para mapagusapan ng mabuti at maunawaan ang nangyayari sa inyong anak.

Salamat sa inyong tanong.

Herman Sanchez, M.D.
Psychiatrist
For service@ofwparasapamilya.com
------------------

Submit your thoughts and questions on this topic by simply clicking on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!

Click here to set an appointment with a doctor/ psychiatrist in the Philippines using our website.
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com
----------------

Wednesday, November 5, 2008

-----------------------------------------------------------------------------------------------
Family Care:

Pangamba na Mahulog sa Tukso

(Fearing that Spouse Will Fall to Temptations While Away)

Question: "Nagtatanong Lang" (Posted on Asawa Ng OFW Blog), October 28, 2008

Gusto ko lang malaman kung normal ba yung mga pangamba na nararamdaman kong baka mahulog ang asawa ko sa tukso habang wala siya sa piling ko? Ayaw ko namang ipaalam itong mga pangangamba ko sapagkat baka isipin niya na wala akong tiwala sa kanya.
---------------

Answer:

Dear "Nagtatanong lang",

Ang iyong pangangamba na baka mahulog sa tukso ang asawa mo habang wala siya sa piling mo ay normal. Nguni't itong pangangambang ito ay kailangang pag-usapan ninyong mag-asawa bago siya umalis. Dahil sa kanyang kalagayan, na malayo sa iyo at siyempre malungkot, pag may nakilalang parang mabait at maalalahanin at parang nakakaintindi ng kanyang kalagayan, at bukod pa dito ay nasa parehong kalagayan niya, ay maaring magkaroon ng pagkapukaw-damdamin sa isa't isa. Kung mapag-usapan ninyong mabuti itong mga posibilidad na ito, bukas ang isip niya at alam niya na kailangang bantayan ang kanyang sarili.

Isabi mo rin sa kanya na hindi ito question na wala kang tiwala sa kanya nguni't para lamang maunawaan niya na pwede itong mangyari.

Kung nakaalis na ang asawa mo, pagusapan pa rin ninyo ito. Pumili ka ng pagkakataon na mag-usap kayo tungkol sa bagay na ito. Pwede ninyong pag-usapan sa telefono o sa pamamagitan ng webcam at skype. Piliin mo ang oras na kayo lang dalawa ang nag-uusap. Gamitin ang opportunidad na ito na maumpisahan ang pagbabahagi ninyong mag-asawa ng hindi lang mga importanteng pangyayari, pangamba, at problema nguni't yun ring mga karaniwang pangyayari, pangamba at problema. At sa paraan na ito maipapatuloy ninyo ang pagpapalagayang loob o intimacy na napaka importante sa mag-asawa.

Salamat sa iyong tanong,
Regina Diaz Goon
Psychologist
For service@ofwparasapamilya.com
----------------

Submit your thoughts and questions on this topic by simply clicking on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!

Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com
----------------

Tuesday, November 4, 2008

----------------------------------------------------------------------------------------------
Family Care:

Preparing and Helping a Teenage Child Move Abroad

(Paano Matulungan ang Teenager na Galit na Mangibang-Bansa)

Question: "Isang Ina" (posted on OFW Agap Kamay blog), October 20, 2008

Doc Alianan,
Ang sinabi mo na masmadali mag adjust ang mga bata kung maliliit pa sila, paano po yung mga teenager? Worried lang ako kasi may teenager ako at para talagang galit siya pag sinasabihan kong baka makapunta na kami sa pinagtratrabahuhan ng aking asawa.
-----------------

Answer:

Hello, Isang Ina.

Ang mga teenager ay nasa panahon ng kanilang buhay na ang pinakamahalaga para sa kanila ay ang mga kaibigan. Kailangan kasi nila matuklasan kung sino sila at kung ano ang kanilang magiging papel sa buhay. Sa pamamamagitan ng pakikipagkaibigan at paggugol ng panahon kasama ang mga ito, nakikilala nila ang sarili nila. Nasusubukan nila kung ano ba ang tamang asal at kung sinu-sino ba ang mga gusto nilang makasama. Nakadadama din sila ng masayang pakikipag-kapwa sa kanilang mga kabarkada.

Maraming dahilan kung bakit mistulang nagagalit ang iyong teenager kapag nababanggit mo ang paglipat sa ibang bansa. Ang ilang sa mga dahilan dito ay ang mga sumusunod:
• Hindi niya alam kung ano ang haharapin niya sa ibang bansa;
• Ayaw niya talagang umalis;
• Maaaring matagal na ito nababanggit ngunit walang katiyakan, kaya siya ay wala nang gana;
• Ang pagkawalay sa mga kaibigan at paglipat sa lugar na wala siyang kakilala;
• Kung siya ay malapit sa mga kapit-bahay o kamag-anak ninyo, malalayo din siya sa mga ito; at
• Kung siya ay may nobyo/nobya, ang pagkahiwalay sa isang taong malapit sa kanya.

Kailangan kayo mag-usap ng masinsinan kung ano ba ang ikinababahala ng iyong binata/dalaga. Tanongin mo siya at sabihin mong gusto mong mag-usap kayo ng malaya at tiyakin mo na hindi ka magagalit sa kung ano man ang ibubunyag niya na nasa isip at kalooban niya tungkol sa panginigbang-bansa ninyo. Kung hindi naman siya handa magsalita, hintayin mo lang. Bati-batiin mo lang muna sa umpisa na nais mo siyang makausap tungkol sa mga bagay na ito. Maaaring maselan ang paksang usapin na ito para sa kanya, kaya suwabe lang dapat.

Ang ilang sa mga tanong na maaari mong ibunyag sa kanya ay ang mga sumusunod:
• Ano ang pakiramdam mo sa panginigbang-bansa natin?
• Ano ang inaasam-asam mo tungkol dito?
• Ano naman ang ikinababahala mo? May mga pangamba ka ba?
• Paano kita matutulungan para mapagaan ko ang loob mo tungkol sa pag-alis natin?
• May magagawa ka ba para mapagaan mo ang loob mo sa pag-alis natin?

Bilang magulang, hindi madali ang makipag-usap sa isang binatilyo/dalagita. Tandaan mo na lang na gusto nilang kinakausap sila na parang isa ring matanda. Iwasan mo ang pagsasaway at pangangaral dahil siguradong hindi niya magugustuhang ituloy ang pag-uusap kung naging ganito na ang tono ng usapan.

Good luck sa iyo, Isang Ina. Sana’y nakatulong ang mga naisulat ko sa iyo at sa anak mo.

Sumasaiyo,

Dr. Boboy
Arsenio Sze Alianan, PhD
Clinical Psychologist, Counseling Centre
National University of Singapore

----------------
Submit your thoughts and questions on this topic by simply clicking on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!

Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com
----------------
 
Web Design by WebToGo Philippines