Thursday, October 23, 2008

-----------------------------------------------------------------------------------------------
Family Care:

Depressed sa Pagloloko ng Illegal Recruiter


Question: Rosa (Korea), October 21, 2008

Sobra akong depress. Mahirap pala ang maloko ng illegal recruiter. Hirap ako makatulog. Kadalasan kapag nagising ako, di na ako makatulog, pagod ang isip ko sa pagiisip kung paano matatapos ang problema.
---------------
Answer:

Rosalie,

Ang isipan natin ay laging naghahanap ng mga sagot para matulungan tayong matanggap ang mga masasamang pangyayari o karanasan. Kapag tayo ay nagugulat o hindi handa, patuloy ang pagsusuri at pag-iisip natin. Nakakapagod ito dahil wala namang tamang sagot o dahilan para manloko ng kapwa. Madalas ang pagtulog ay naaapektuhan. Nagiging mababaw ito.

Pinakamahalaga na alagaan ang kalusugan. Kasama dito ang tamang pagkain, exercise at pagkakaroon ng sapat na pahinga at pagtulog. Bawasan ang paginom ng kape, tsaa o mga pagkain na mataas ang caffeine. Dapat maging regular ang oras ng paggising at paghiga sa pagtulog.

Magkaroon ng magandang schedule na madaling sundan. Maraming gamot na available na maaaring ireseta ng doktor para sa depression at insomnia. Makakatulong ang magkonsulta habang maaga pa. Nakakatulong ang pakikipag-usap.

Mayroon din akong mga tanong.
--Nais mo bang habulin at kasuhan ang illegal recruiter? Mabuti na mareport ito para hindi na maloko ang ibang Pilipino.
--Ano ang pwede mong trabaho para makapag-ipon muli? Sigurado na magiging mas maingat ka at gagawa ka muli ng mga bagong plano.

Hindi madaling tanggapin ang pagkakamali natin pero laging isipin na kailangang bumangon uli at gamitin ang ating galing at kakayahan.

Salamat sa iyong tanong.

Herman L. Sanchez, M.D.
Psychiatrist
For service@ofwparasapamilya.com
----------------
Editor's Note: Rosa, Mayroong OWWA office sa Seoul, Korea. Ang layunin nito ay matulungan ang mga OFW, lalo na yung mga naloko ng illegal recruiter. Sang-ayon sa website ng OWWA, ang mga Welfare Officers sa Seoul ay sina Elizabeth Marie Estrada at si Esperanza Cobbarubias. Ang Hotline phone number ay +821 010 4573 6290, at yung landline ng embassy ay +822 796 7387. Basahin ulit yung sagot ni Dr. Sanchez sa iyo, isipin mo ang iyong sagot sa kanyang mga tanong, at kung ito ang gusto mong gawin, tawagan mo ang OWWA office sa Seoul, parang matulungan ka nila at maaksyonan mo ang iyong plano.
----------------
Submit your thoughts and questions on this article by simply clicking on the word "comments" just below. Ask questions; share your thoughts, feelings and experiences.

Click here to set an appointment with a Filipino doctor in the Philippines using our website.
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com
----------------

1 comment:

Unknown said...

Hi Rosa,naloko ka pala ng recruiter.Magingat ka sa susunod.May mga kapwa mo na pilipino ay talagang niloloko ka pa.At yon nga ang masama,sa iba nating kapwa Pinoy.Kaya tama ang sabi at payo ni Dr.Sanchez sa iyo.And next time kung may time ka pwede kang pumunta sa aming Sambayanan sa Pilipino Catholic Center sa hyewha at kung gusto mo magvolunter ka din,makakatulong ito sa yo.......

 
Web Design by WebToGo Philippines