Thursday, August 13, 2009

--------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:
Baka May Bukol Sa Pharynx

Question: Jenicar, (Philippines) Aug. 9, 2009

Have a nice day po. Gusto ko lang po sanang linawin doc, na hindi ako nag-uubo, basta na lang po akong dumudura ng plema na may kahalong dugo. It seems like a routine po almost everyday in the morning. Pati na rin po ang ilong ko sumasabay din every morning parang bagong sibol ng sipon pero after a couple of minutes nawawala po.

Maraming salamat po sa inyong sagot doc. Its a great help for me.

--------------

Answer

Hi Jenicar,

Ang mabuti jenicar, ay magpatingin ka sa isang e.n.t doctor para masilip niya ang likod ng lalamunan mo. Baka may bukol na tumutubo sa area na tinatawag na pharynx. Obviously hindi normal na may bahid ng dugo ang plema at kung walang infection, malamang may ibang sanhi ng pagdudugo na yan. Kung minsan, mayroong ugat sa pharynx na napakanipis ng wall na madalas at madaling paduguin. Kung ganoon, cauterization lang naaayos na ang problema.


Salamat sa iyong tanong,
Ramon I. Diaz
Medical Coordinator
OFWParaSaPamilya
--------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:
Madalas na Pag-Ihi

Question: Orlando, (South Korea) Aug. 9, 2009


Hello good am po dok, medyo marami po akong nararamdamang sakit. Gaya po ng sakit sa ulo lagi at bad breath po ako kahit ano pong linis ko sa ngipin ko. At namamaga ang gilagid ng ipin ko, malansa ang lumalabas. Pati ihi ko rin dok, minsan po ay pala ihi ako kahit katatapos ko lang umihi mamaya ihi na naman, at medyo lang po minsan hindi maganda ang pag ihi ko, may natitira po dok na kaunti ayaw lumabas lahat lalo na sa gabi. Napupuyat ako kasi 3to4 times akong umihi sa gabi,

---------------

Answer:

Hi Orlando,

Ang bad breath mo ay maaaring nanggagaling sa impeksyon sa gilagid. Kung masyadong madiin ang pagsipilyo mo, pwede pa itong makapagpalala sa impeksyon sa gilagid. Sana ay mayroon kang maaaring mapuntahan na dentista dahil kailangang magamot ito nang mabuti.

Kung ikaw ay lalaki sa iyong 50s o 60s, ang madalas na pag-ihi sa gabi ay maaaring dulot ng problema sa prostate. Kung ikaw ay bata pa lamang, ang kailangang masigurado ay kung ikaw ay may impeksyon sa ihi (urinary tract infection), na siyang pwedeng sanhi ng pagiging palaihi mo.

Ang isa pang kailangang masiguro ay kung mayroon kang diabetes. Isang sintomas nito ang pabalik-balik sa banyo upang umihi. Maaari ding sanhi ng mga impeksyon ang diabetes. Sana'y makapagpatingin ka sa isang doctor sa lalong madaling panahon.
Salamat sa iyong tanong.
Priscilla d. Sanchez, M.D.
Medical Coordinator
OFWParaSaPamilya
--------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:
Difference between Hemorrhoids and Anal Cancer

Question: Reginald, (Philippines) Aug. 8, 2009


Ano ang pinagkaiba ng haemorrhoids sa anal cancer..?? it seems, pareho sila ng symptoms..

When I'm taking a bowel, there's a blood coming out my anus.. Thus, there is also something small skin sa anus ko.. Anal cancer po ba yun or haemorroids..??

Is there a possibility that it will return to normal..?? balak ko po kc mgabroad.. makakaapekto po ba to sa medical ko..??

-------------

Answer:

Hi Reginald,

Ang almoranas ay varicose veins sa anus. Mayroon dalawang types nito: internal at external hemmorhoids. Ang internal hemmorhoids, bleeding ang usual presentation whereas ang external hemmorhoids, pain and bukol sa anus ang usual presentation. Sa mga advanced cases ng internal at external hemorrhoids, malaking bukol na hindi na mabalik, pagdudugo, at pain ang pwedeng sintomas.

Ang anal cancer painless mass usually ang presentation. Ang pagkakaiba ng bukol nito ay very matigas ito compared to a hemorrhoid. Of course, dumudugo din ito.

The best option for you at this time is to have yourself examined by a gastroenterologist or a general surgeon para ma-diagnose nag mabuti ang iyong problema kasi ang prognosis ng hemmorhoid sa cancer ay, alam mo naman, ibang-iba.

Regarding your visa application to live or work abroad, pwede kang ma-deny sa application mo depende kung gaano ka-thorough ang doctor na mag-examine sa iyo or kung gaano kalaki at anong klase ang bukol sa anus mo.


Salamat sa iyong tanong,
Ramon I. Diaz M.D.
Medical Coordinator
OFWParaSaPamilya
--------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:
Developing Resistance to Some Antibiotics

Question: Joseph, (Kuwait) Aug. 7, 2009


For urinary tract infection or UTI, pwede i-take yung antibiotic [amoxicillin trihydrate 500mg capsule]? Ito lang kasi ang mayroon ko at hindi pa ako makakapunta sa doctor. Salamat po.

------------

Answer:

Maaari mong subukan ang amoxicillin 500 mg three times a day for 7 days. Kung mawala ang mga sintomas, siguro epektibo pa ito. Ang problema ay marami nang tao ang may "resistance" sa antibiotic na ito, lalo na kung nagamit mo na ito o kaya'y parating binabalikan ng UTI. Kaya maaaring hindi ito tumalab. Kung 3 araw mo na iniinom at walang pagkakaiba sa sintomas, kailangan mo nang maghanap ng panahon upang magpatingin sa doktor.

Salamat sa iyong tanong,
Priscilla Sanchez M.D.
Medical Coordinator
OFWParaSaPamilya
--------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:
Urinary Tract Infection

Question: Edward, (South Korea) Aug. 6, 2009


Two days ko n po naeexperience ang pananakit ng lower stomach ko, at hirap sa pag ihi [yellowish in color] sintomas po ba ito ng UTI? Salamat po

--------------

Answer:

What you described can really be symptoms of a urinary tract infection. It is important to drink a lot of water and other urinary antiseptics like cranberry juice, which may also help to prevent recurrence.

Thank you for your question,
Priscilla D. Sanchez M.D.
Medical Coordiantor
OFWParaSAPamilya

Wednesday, August 12, 2009

--------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:
Umuubo Na May Kasamang Dugo

Question: Jenicar, (Philippines) Aug. 6, 2009


Magandang araw po doc. Nais ko po lamang bigyang linaw ang mga sintomas na napapansin ko sa aking sarili. Almost everyday po doc ay dumudura po ako ng plema na malagkit na may halong dugo na presko at minsan naman po ay patay na dugo. At sometimes humahalo din po ito sa sipon ko sa tuwing nag hahatching po ako, dahil sa sinus ko. Ano po ba ang mga sintomas na ito doc.

Maraming salamat po hihintayin ko po ang inyong kasagutan.

---------------

Answer:

Hi Jenicar,

Ang nga sintomas mo ay maaaring dahil sa respiratory tract infection. Pwedeng mayroon kang tuberculosis, and pag-ubo ng dugo ay classic na sintomas ng t.b. Pwede rin may iba kang infection na, dahil ubo ka ng ubo, ay nagasgas na ang iyong lalamunan kaya't may dugo na itong kasama.

Ang mabuting gawin ay magpa-chest x-ray ka para masiguradong hindi ito tb, at magpatingin sa e.n.t doctor para ma-examine ang iyong lalamunan.


Salamat sa iyong tanong,
Ramon A. Diaz M.D.
Medical Coordinator
OFWParaSaPamilya
--------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:
Post-Coital Bleeding

Question: Lynn, (United Arab Emirates) Aug. 4, 2009


Pagnagtatalik kami minsan dugo lumalabas, hindi tamod, 2 weeks meron ako, tigil ng 1 day meron na uli. Kapapanganak ko lang, 3 months na ngayon. Injectable kasi ginamit ko na family planning. Bakit po kaya? Sakit ba yun?

--------------------

Answer


Hi Lynn,

Ang pagdudugo pagkatapos mag-talik ay tinatawag na "post-coital bleeding". Maraming maaring dahilan ito, kasama na dito ang recent mong panganganak at ang paggamit ng depo or injectable contraceptive. Ngunit may ibang mga maaaring sanhi ito na mas seryoso, katulad ng mga infection, structural problems like polyps, at mga kanser.

Kung kakapanganak mo pa lamang, siguro naman ay nagawan ka ng kumpletong eksaminasyon ng iyong matris, vagina at cervix. Kung may kakulangan ang mga eksaminasyon, importanteng magpatingin ka upang mausisa nang mabuti ang reproductive tract mo. Sana'y makapagpatingin ka sa lalong madaling panahon.

Maraming salamat sa iyong tanong.
Priscilla D. Sanchez, M.D.
Medical Coordinator
OFWParaSaPamilya

Friday, August 7, 2009

--------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:
Malabong Panigin

Question: George, (South Korea) Aug. 3, 2009


Good day po!

Nais ko lang po itanong kung bakit parang nangingitim ang paligid ng mata ko kahit di naman ako gaano nagpupuyat. At kung minsan para po akong nahihilo nung nagpa check up po ako sa Pinas binigyan po ako ng doktor ng gamot na anti vertigo. Ang trabaho ko po kasi noon ay dapat palagi naka focus ang mata sa ginagawa namin na umiikot. Kung minsan talagang nararamdaman ko na talagang parang di ko na kyang ifocus mga mata ko dahil sa nahihilo na ko. Baka dun ko po kaya nakuha itong nararamdaman ko. Salamat po sa magiging tugon ninyo at mabuhay po kayo!

-------------------

Answer:

Hi, George,

Salamat sa inyong tanong. Kung ang trabaho mo ay kailangan kang laging nakafocus, baka nga lumalabo na ang iyong paningin. Hindi ko alam kung ilang taon ka na, ngunit ang isang tao, kapag 40 years old na, dahan-dahang lumalabo na ang paningin at eventually, mangangailangan ng eyeglasses.

Ang paninilim ng paningin naman ay pwede rin na nanggagaling sa pagkakulang ng dugo sa utak. Ang vertigo ay pwedeng manggaling sa problema sa nerve na galing sa tenga o sa part ng brain na tinatwag na cerebellum. Mas mabuti kung magpatingin ka sa isang neurologist para ma-examine ka ng mabuti. Maari kaming makatulong sa pag-gawa ng appointment para sa iyo. Just contact us.

Ramon I. Diaz M.D.
Medical Coordiantor
OFWParaSaPamilya

Kulani sa Leeg ng Sanggol

--------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:
Kulani sa Leeg ng isang sanggol

Question: Precy, (Philippines) Aug. 3, 2009


Ano po ang gamot para sa 2 months old baby na may kulani sa leeg.

--------------

Answer:

Hi Precy,

Maraming maaaring sanhi ang mga kulani sa leeg, at walang isang gamot na maibibigay para malunasan ito. Dahil sanggol pa lamang siya, kailangang maeksamin siya ng isang pediatrician para malaman kung saan nanggagaling ang kulani at mabigyan ng tamang gamot.

Handa kaming mag-rekomenda ng mga spesyalista para mausisa nang maayos ang bata.

Maraming salamat sa iyong tanong.
Priscilla D. Sanchez, M.D.
Medical Coordinator
OFWParaSaPamilya

Resuming Intercourse After Delivery

--------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:
When to resume sexual intercourse after delivery

Question: MP (Philippines) Aug. 2, 2009


Kelan po pwedeng makipag sexual intercourse ang isang babaeng kakapanganak lang.(Normal delivery)

-----------------

Answer
:

Hi MP,

Kung ang babae ay nanganak ng normal delivery,
usually mayroon siyang hiwa sa perineum. Ang hiwang ito ay tinatawag na episiotomy. This will still be very painful for about two weeks. So not earlier than two weeks after delivery.

Thank you for your question,
Ramon I. Diaz M.D
Medical Coordinator
OFWParaSaPamilya

Wednesday, August 5, 2009

Panic Attacks

--------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:
Panic Attacks, Post Traumatic Stress Disorder

Question: Hamilton, (Qatar) July 25, 2009


Hi ask ko lang po what is the symptoms of psychosis and symptoms of post traumatic stress disorder? Can seroxat cause permanent sexual dysfunction, kasi I was prescribed with this medicine, and natatakot po ako sa mga side effects. I have panic attacks, anxiety, depression and di ko po alam if may post traumatic disorder na rin ako kasi I was traumatized b4 when I was rushed to the hospital because of panic. And that time parang nawala ako sa sarili ko

-------------------

Answer:

Ang Seroxat ay antidepressant na ginagamit sa depression, anxiety and/or panic attacks. Isang side effect ang decreased libido o gana sa sex. Ito ay hindi permanente. Bumabalik sa dati kapag tinigil na ang pag-inom ng gamot. Hindi laging pareho ang epekto ng gamot para sa lahat ng tao.

Ang post-traumatic stress disorder ay nangyayari matapos makaranas ng "stress" na severe enough para maapektuhan ka. Maaaring naranasan mismo o nakita/napanood sa ibang tao. Ang "stress" na ito ay nauulit sa isipan at napapaginipan. Parang sinasariwa. Ito ay nagdudulot ng anxiety, takot at pagtagal ay maaaring maging depression o kaya psychosis.

Ang psychosis ay ginagamit sa pagtukoy kapag ang tao ay nawala sa sarili. Maaaring may hallucinations, kakaibang pag-iisip o pagkilos (bizarre thinking or behavior). Pwede rin ang pagiging tulala. Pag-iyak o pagtawa ng walang dahilan. Madalas din ang paranoia o maling akala. Ang psychosis ay pwedeng makita sa iba't-ibang klaseng sakit.

Ang pagkonsulta at pagtanong sa Psychiatrist ang mas makakatulong magpaliwanag sa mga katanungan. Mahirap ikahon ang epekto at bisa ng gamot. Ang tamang diagnosis ay mahalaga sa paggamot at paggaling.

Salamat sa iyong tanong.
Dr.Herman Sanchez M.D.
Psychiatrist
OFWParaSaPamilya

---------------------

Submit your thoughts on this question by clicking on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!

Click here to set an appointment with the psychologists and doctors on our website.
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com

----------------------
 
Web Design by WebToGo Philippines