Thursday, October 29, 2009

--------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:
Urinary Tract Infection

Question: Princess, (Philippines) Oct.21, 2009


Minsan po sumakit ang ari ko, lalo na pag umihi ako. Nuong nagpa check up ako, sabi ng doc.UTI daw po,,,,Ano po ba ang magandang gamot pra di ko na maramdaman ng ganito......

------------------

Answer:

Dear Princess,

Ang masakit na pag-ihi ay kadalasan talagang dahil sa urinary tract infection. Kung nagpatingin ka na sa doctor, dapat sana ay nabigyan ka na ng antibiotic para sa infection mo. Kung walang nabigay sa iyo na prescription, mahirap na ako ang magprescribe dahil hindi naman ako ang nakonsulta mo at hindi kita na-interview at na-eksamin nang maaayos. Ang mabuti pa ay magpagawa ka ng urinalysis at ipakita ang resulta sa iyong doktor. Kung madalas kang binabalikan ng infection, magpagawa ka na rin ng urine culture and sensitivity para makita kung anong antibiotic ang pinakamainam sa iyo.

Salamat sa iyong tanong.
Priscilla D. Sanchez, M.D.
Medical Coordinator
OFWParaSaPamilya


1 comment:

101278 said...

aI,, GNUN PLA UN... OKA!

 
Web Design by WebToGo Philippines