Monday, July 13, 2009

Butlig sa Braso

-------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:

Problema sa balat or Skin disease

Question: Yna (Malaysia), July 8, 2009


May bigla po tumubo n mga butlig butlig s braso ko.hindi nmn po makati..kya lng dumadami xa..anu kaya possible n pede ko gawin..ginamitan ko po xa nizoral cream..tnx


----------------------------

Answer:

Dear Yna,

Ang pag-diagnose ng sakit ng balat ay mahirap kung hindi nakikita ng doktor ang problema. Gaano kalaki ang mga butlig? Gaano karami na ngayon? May iba bang bahagi ng katawan na tinutubuan? May tubig ba sa loob ang mga ito? Ang balat na pinapaligiran ba nito ay namumula? Kung walang kati, may masakit o manhid ka bang napupuna?

Ang mga skin lesions ay maaaring allergic ang sanhi, o kaya'y impeksyon katulad ng virus o bacteria o fungus. Kung may iba kang sakit katulad ng diabetes, maaari ring maging sanhi ito ng mga sakit sa balat. Ang Nizoral ay para sa fungal infection. Kung wala ka talaga nito, hindi mawawala ang problema. Kung wala kang mapuntahan na dermatologist sa iyong kinaroroonan, maaari mong kunan ng picture ang mga butlig at i-email sa amin para maikonsulta namin ang aming kasamang dermatologist dito sa OFWParaSaPamilya.

Salamt sa iyong tanong.
Priscilla D. Sanchez, M.D.
Medical Coordinator
OFWParaSaPamilya.com


---------------------

Submit your thoughts on this question by clicking on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!

Click here to set an appointment with the psychologists and doctors on our website.
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com

----------------------

23 comments:

mimura said...

ako po si che,25 years old, may anak po akong 2years old..simula po ng ako ay manganak nagsimula napo akong mag gain ng weight,irregular narin po ang mens ko dahil po itinigil ko napo ang ang pills dahil nasa abroad na ang aking asawa, nagkakaroon narin po ako ng taghiyawat pero hindi naman po ito acne, ito po ba ay sintomas na ng polycystic ovarian syndrome?

maraming salamat po.

Unknown said...

Hi po doc.ako po c jaizel.. tnong lng po..y tmubo po kse aa braso ko lng butlig. Mkati siya. Tpoz ilang week ang nklipas sa hita at binti nmang ngaun ang kati kati po nya. Maliliit lng po .prang bungang araw po siya bsta po mlliit.. slamat po sana po msgot nyo po question ko

Anna briones said...

Hello po. Ano po kaya ang tumubong mga butlig s braso at hita ng aking anak n isang taong gulang. Hndi nmn po mapula.salamat po

Anna briones said...

Hello po. Ano po kaya ang tumubong mga butlig s braso at hita ng aking anak n isang taong gulang. Hndi nmn po mapula.salamat po

Anna briones said...

Hello po. Ano po kaya ang tumubong mga butlig s braso at hita ng aking anak n isang taong gulang. Hndi nmn po mapula.salamat po

Anna briones said...

Hello po. Ano po kaya ang tumubong mga butlig s braso at hita ng aking anak n isang taong gulang. Hndi nmn po mapula.salamat po

Unknown said...

Hello Anna reach me @0917 150 8774 i can help.

Unknown said...

Hi Che reach me @0917 150 8774 i can help.

Unknown said...

hi tanong lng po nag patattoo po ako sa braso my 3 months n po dec ako nag pa tattoo 2017 my lumabas po kseng butlig na maliliit mawawala pba un kse ung ibng tattoo ko wla nmn pong naging butlig...bka my gamot kayong pdeng ireseta..Tia

Unknown said...

hello ano pa kayang itong butlig sa tattoo ko..one month mahigit na po xa pero sobrang kati nia at ngbbutlig xa..tinanong ko sa artist ko sabe normal lang daw ung gnun lalo pa mainet kaso dko na matiis ung kati..salamat po

Unknown said...

same tayo ng prblema sakin 1month mahigit nrin sa isa kong tattoo wala nman gnun pero etong sa kamay ko puro butlig xa

Unknown said...

Good morning po doc tong lang may bigla kasi kumati sa leeg ko tapos mahapdi na mula ano po ba ang pwede ko ilagay

Unknown said...

Hello po ano po ba tong mga butlig butlig sa aking mag kabilang braso matagal napo ito simula po nung akoy matapos ma dengue nag karoon na po ako nito at kumakalat lang po pero hindi po ito makati ano poba pwede gawin para ito ay mawala

Unknown said...

Hello po ang anak ko po ay 8mos old pa lamang at tinubuan ng butlig na mapupula sa dalawang braso pero pag kalipas po ng 3 arae may pailan ilan na din pong tumutubo sa mukha nia..sa palagay nyo po ano po kayang klase ng skin desease ito?

Unknown said...

Hello po ano po kaya itong butlig butlig n tumubo sakin. Nong una braso lng , nong tumagal pati sa legs ko at medyo nagdrydry n din ang skin ko. Pls help

Unknown said...

may tumubo pong mga butlig sa braso tas medyo makati po kaya nakamot ko siya, yung ibang butlig ay nagmukhang sugat o parang galis

ano po ito, masama mo ba nito sa katawan

Unknown said...

may tumubo pong mga butlig sa braso tas medyo makati po kaya nakamot ko siya, yung ibang butlig ay nagmukhang sugat o parang galis

ano po ito, masama mo ba nito sa katawan

Unknown said...

may tumubo pong mga butlig sa braso tas medyo makati po kaya nakamot ko siya, yung ibang butlig ay nagmukhang sugat o parang galis

ano po ito, masama mo ba nito sa katawan

Unknown said...

Tanung ko lng po, my mga butlig butlig po kc ako na maliliit sa kamay sa ibaba ng braso, matagal na po ito minsan lng kung kumati noon ngayon po dumami na xa at ang kati kati na.. Pero di po tulad ng kp na mu tubig at namumula maliliit lng tlga xa na butlig

Unknown said...

Hello po ask ko lng po un butlig ng anak ko ay tumubo sa hita nung una matigas lng po pero ng tumagal namumula na po sya at parang lintog n tignan ano po kaya pwd gawin salamat po

Unknown said...

Yung asawa ko po may tumubo mga butlig sa braso at hita pati sa likod,di nman daw po makati parang balat ng manok medyo malaki lng ng konte.. Pls advice nman po kung ano yun o ano pwede png gamot salamat po.

Unknown said...

. Magandang umaga ahm may tumubo na butlig sa kanang braso ko tapos makati siya tapos pag dumugo siya sa kakakamot ko dumadami siya tapos hindi na siya nawawala padami ng padami anong gamot dito poh .

Unknown said...

Magandang gabi po, may tumubo po sa aking braso na butlig2 kaso hindi naman sya makati. Pero padami ng padami posya,ano gamot dito po?

 
Web Design by WebToGo Philippines