---------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:
Polycystic Ovarian Syndrome
Question: Aprilanne, (Canada) July 7, 2009
14 years old po aq nun nlman ko po na me Polycystic Ovarian Syndrome po ako.. As years past po hindi po ko nagkkaroon ng regular menstruation at kdalasn hindi po ako ng reregla.. ngayon po 23 years old na po at kakasal ko lang po last year ng september tanong ko po may possilities pa po ba ako na magkaanak dhil po gusto po nmin ng asawa ko na magkababy ano po ang chance ko kung ang kondisyon ko po ay ganito nga?? at matutulungan nyo po ba ako para ako ay mabuntis?
meron din po ba kayo alam na nag papa PATERNITY DNA test po sa pilipinas at kung meron po magkano po ba ang pinakamura?
salamat po sa oras niyo at sana po ay matulungan niyo po ako...
-----------------------
Answer:
Dear April,
Ang polycystic ovarian syndrome ay nakikita sa mga babaeng katulad mo na nasa tamang edad para magkaanak. Madalas na sanhi ito ng "infertility", ngunit hindi lahat ng mga mayroon ng sakit na ito ay nahihirapan mabuntis. Kadalasan, ang mga nahihirapan na mabuntis ay hindi nag-oovulate o naglalabas ng itlog galing sa obaryo. May mga gamot na maaaring makatulong dito. Kung ikaw ay mabigat o mataba, kailangan mong ayusin ang diet mo at mag-ehersisyo upang pumayat nang kaunti. Maaaring makatulong ito sa ovulatory cycle mo. Importanteng magpatingin ka sa endocrinologist at obstetrician-gynecologist para kumpleto ang pag-aseso sa iyo. Handa kaming makatulong sa pag-areglo ng appointment para sa iyo pagdating mo dito sa Pilipinas. Maaari kaming tumulong sa paghanap ng laboratoryo kung saan gumagawa ng paternity testing.
Salamat.
Priscilla D. Sanchez, M.D.
Medical Coordinator
OFWParaSaPamilya
---------------------
Submit your thoughts on this question by clicking on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!
Click here to set an appointment with the psychologists and doctors on our website.
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com
----------------------
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment