Tuesday, May 26, 2009

Intramural myoma

-------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:
Intramural myoma

Question: Mila, (Lebanon) May 25, 2009


im a contract worker. mgmula ng sbhn ng doctor ko s obgyne may intramural myoma me 2.5 cm ay nmamayat me. hnd me bnbgyan ng gmot dahl hnd ko raw kailngan treatmen. ano mganda kong gawin pls help me

Answer:

Hi Mila,

Ang 2.5 cm myoma ay maliit at kadalasan ang intramural myomas ay hindi ginagamot maliban na lamang kung ito ay lumaki at nagiging sanhi ng mga sumusunod na symptoms: 1) presyon sa bladder or colon, 2) unbearable pain in the back, legs or lower abdomen, 3) labis labis at matagalang pag-reregla. Ang mga myoma ay kadalasan nawawala pagka nagmenopause na ang isang babae o sa pamamagitan ng hormone treatment. Kung masyado ng malaki ang myoma at nararamdaman na ng labis ang mga symptoms, surgery is indicated.

Kailan na diagnose itong myoma mong ito?
Maaring may ibang dahilan kung bakit nangangayayat ka.

Mas mainam kung magpakita ka muli sa doctor, ulitin ang pap smear at ultrasound kung one year nang nakaraan yung pagawa nito. Kailangan ring hanapin ang ibang mga maaring dahilan kung bakit ka nangangayayat.

Kung gusto mong makipag-appointment sa isa sa aming mga doctor dito, ipaalam mo lang sa amin. Kami ay handang tumulong!

Salamat sa iyong tanong,
Ramon Diaz Jr.
Medical Coordinator
OFWParaSaPamilya

---------------

Submit your thoughts on this question by clicking on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!

Click here to set an appointment with the psychologists and doctors on our website.
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com

---------------

2 comments:

Unknown said...

wil i get pregnant po b? kasi may intramural myoma with subserous component ako. thanks

Silverpen said...

Just wanted to ask even after I had undergone 6 shots of Luprolex, would I still be likely to have bleeding problems? I was given this treatment because I am not agreeable with the idea of surgery.

 
Web Design by WebToGo Philippines