Wednesday, May 20, 2009

Sudden Dizziness

-------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:
Biglang Nahihilo; Epekto Kung Mapalo ng Buntot ng Page


Question: Emer (Ras AlKhaimah, UAE), May 17, 2009

Dear Doctor,

Maaari po ba ninyo akong tulungan sa aking nararamdaman, minsan bigla na lang akong nahihilo at parang nanghihina ang mga tuhod ko pero hindi naman ako high blood. Puede po bang magtanong? Kapag napalo ka ba ng buntot ng page ano po ba ang puedeng mangyari?

Aasahan ko po ang inyong kasagutan sa aking mga katanungan.

Maraming Salamat po.
Lubos na Gumagalang,


Answer:


Dear Emer,

Maraming pwedeng sanhi ng pagkahilo. Pwedeng may problema sa utak, sa tenga, sa puso, sa dugo, sa electrolytes, at mga infection. Kung hindi ka high-blood, baka naman ikaw ay low-blood na mas nagpapahilo kaysa sa high-blood. Ang pinakamabuti mong gawin ay magpatingin sa doctor dahil ang paghihilo ay very dangerous. For example, baka ka maaksidente kung bigla kang mahilo at madapa o mabagok ang ulo mo.

Ang buntot ng page ay matulis at may konting lason daw ito na ang effect ay mild paralysis. Pero ang mas matinding effect ay ang pagkatusok ng buntot sa mga vital organs. Ang pinaka-famous victim ng page ay si Steve Irwin, yung host ng "Crocodile Hunter" sa Discovery Channel.

Thank you for your question.
Ramon Diaz Jr., MD
Medical Coordinator
OFWParaSaPamilya.com


---------------

Submit your thoughts on this question by clicking on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!

Click here to set an appointment with the psychologists and doctors on our website.
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com

---------------

No comments:

 
Web Design by WebToGo Philippines