Wednesday, February 25, 2009

--------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:

Insomnia and weight loss
Insomnia ba ay dahilan ng weight loss?

Question: From Shine (Philippines) Feb. 19, 2009

Ano po ang mga dahilan ng weight loss..ang insomnia ba ay dahilan? Ano ang gamot ng insomnia?

---------------
Answer:

Dear Shine,

Ang pangangayayat na hindi sinisasadya (unintentional weight loss) ay maraming dahilan. Maaring symptom ito ng isang sakit katulad ng hyperthyroidism, type 1 diabetes mellitus, mga impeksyon tulad ng TB, o iba pang masmalalang kondisyon. Ang mga problema din na emotional katulad ng depression ay maaaring sanhi ng pangangayayat.

Kapag natutulog tayo, tuloy pa rin ang paggamit natin ng mga calories na nakukuha natin sa pagkain. Ang paghinga, pagtibok ng puso, pagpalit ng posisyon habang natutulog ay nakakapagsunog ng konting calories. Kapag hindi nakakatulog sa gabi, masmaraming galaw ang katawan, minsan bumabangon at naglalakad. Lahat ng ito ay gumagamit ng masmaraming calories kaysa sa pagtulog, kaya maaring mangayayat ang mga may insomnia.

Kung masyadong mabilis ang pangangayayat, importanteng bisitahin ang iyong doctor upang makagawa ng mga eksaminasyon.

Salamat sa iyong tanong.
Priscilla D. Sanchez, M.D.
Medical Coordinator
OFWParaSaPamilya.com

---------------

Follow up Question:

Thank you so much for caring to answer my letter...meron pa palang mga doctor na mababait na tulad nyo, where we can ask and receive answer of our queries. May God bless you more. Follow up question lang po: ano ang mga dapat gawin, kainin in particular to substitute those sleepless times para makabawi man lang...upang tumaba ng konti. Salamat po.

Answer:

Dear Shine,

Subukan mo uminom ng mga food supplements katulad ng Sustagen o Ensure. Ang mga ito ay "calorie-dense" at nakakapagpataba talaga. Kung wala kang gana kumain, subukan mo rin uminom ng mga pampagana na bitamina katulad ng Mosegor Vita o Appetens. Ang nilalaman ng mga ito ay vitamin B complex at pizotifen, na siyang nakakapagpagana sa pagkain. Ang side effect nito ay ito ay nakaaantok kaya maaari ring makatulong sa insomnia mo. Mayroong syrup ito o tableta, at iniinom ito bago matulog sa gabi. Maaaring gamitin ito hanggang isang buwan. Kung wala pa ring pagkakaiba sa timbang mo, mabuti talaga na magpatingin ka na sa iyong doktor upang makita kung may ibang sanhi ang problema mo.

Salamat sa iyong tanong,
Priscilla D. Sanchez, M.D.
OFWParaSaPamilya.com

--------------------
Tell us your thoughts and questions on this topic by simply clicking on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!

Click here to set an appointment with a psychologist/doctor in the Philippines using our website.
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com

---------------------


1 comment:

Unknown said...

Magtatanong lang ho sana ako. Yun ho kasi anak ko Na edad 12 bigla na lang ho sya pumayat since nung sumali sya ng sepa takraw sa school nila. Ngayon ho kapag sobra sya napapagod nagsusuka at nilalagnat sya pero agad din nawawala lagnat nya pag pinaiinom ko sya ng biogesic. 2 beses po nangyari yun sa kanya.anu po kaya dahilan bakit biglaan bumagsak katawan ng anak ko?

 
Web Design by WebToGo Philippines