Friday, February 27, 2009

------------------------------------------------------------------------------------------
Family Care:
Do Men Need Sex More?
(Maskailangan ba ng mga lalake ang "sex"?
)

Question: isang asawa (Feb. 2, 2007)

Gusto ko lang itanong kung totoo nga bang mas kailangan ng mga lalaki ang "sex"?

-------------------
Answers:

Ang pananaw sa Sex ay personal na bagay. Walang pag-aaral o pagsusuri na mas kailangan ng lalaki o babae. Base lamang ito sa personal na mga opinion. Mahalaga ang Sex sa isang relasyon. Maaaring mas hinahanap ng mga lalaki ang sex at mas ganado sila. Nanatili pa rin itong isang personal na desisyon ng bawat mag-asawa kung paano o gaano kadalas nilang gagawin.

Salamat sa iyong tanong, isang asawa.
Herman L. Sanchez, M.D
Psychiatrist

--------------------
Ang sex ay kailangan at mahalaga sa isang relasyon. Unang una may pakinabang pisikal. Ayon sa mga doctor ang sex ay nakakatulong sa kalusugan ng isang tao, halimbawa: nakakapababa ng presyon, nakakatulong lunasan ang stress, at nagbibigay ng ginhawa at saya. Ang sex rin ay ang pinakamahalagang espresyon ng “intimacy” sa isang relayson. Ayon sa mga pag-aaral, may mga brain chemicals, Oxytocin at vasopressin, na napapakawalan sa ating utak ng pagtatalik. Itong mga “bonding chemicals” na ito ay nagbibigay ng karamdamang pagkakaisa. Dahil dito, ang “sex” ay kailangan at hinahanap hanap ng babae at ng lalaki.

Sa katotohanan, mayroon maraming pag-kakaiba ang lalake at babae, at ang pagtingin nila sa sex ay isa na rito. Ang hanap ng babae at lalaki na mag-asawa o may relasyon na seryoso ay pareho, koneksiyon at ang pagmamamahal. Nguni’t para sa mga babae, kailangan munang bigyan ng panahon, ika nga “step by step”. Kailangan ang pag-uusap, ang pagkakarinyo atbp at sa huli, “sex”. Para sa mga lalaki, ang sex ay ang nagbibigay anyo sa koneksiyon na ito. Maski na maypagkakaiba ang pagtingin nila sa sex, wala namang mga studies na nagsasabing mas kailangan ng mga lalaki ang sex.

Salamat sa iyong tanong,
Regina Diaz Goon
Psychologist
For service@OFWParaSaPamilya.com

--------------------
Anong say ninyo, mga lalaki at babae, tungkol sa tanong na ito? Submit your thoughts and questions on this topic by simply clicking on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!

Click here to set an appointment with a psychologist/doctor in the Philippines using our website.
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com

---------------------

Wednesday, February 25, 2009

----------------------------------------------------------------------------------------------
Family Care:
Depressed in Saudi due to break-up with perfect girlfriend
(Pagsisisi sa Sarili Dahil Nawala ang Kanyang Perfect Girl)


Question: Grecko (Saudi Arabia) Feb. 23,2009

Malungkot po ako ngayon. 8 months na ako dito sa saudi. Ang major na dahilan ko kung bakit ako nagpunta dito ay para makapagpakasal kami ni Ish, my girlfriend. Almost 3 years na kami ni Ish sa relationship na to. Masasabi kong almost perfect siya dahil sobra sobra siyang naging submissive sa akin. Sa pagsasama namin, ako lagi ang nasusunod... siya lagi ang nagbibigay.. sobrang bait nya.. as in sobra sobra!

Ang problema, simula ng dumating ako dito sa saudi arabia, hindi ko siya pinagkatiwalaan.. inabuso ko ang pagiging submissive nya at kinontrol ko ang buhay nya.. nawalan na siya ng identity. Ang masakit non, ngayon ko lang narealize tong mga bagay na to kung kelan sumabog na siya at nagsawa na sa pang aabuso ko sa kanya.. lagi akong galit.. ginawa ko siyang shock absorber sa lahat ng lungkot at pangungulila ko dito.

Masasabi kong maliit ang mundo ko ngayon dito sa saudi. Ang housing namen ay nasa katabi lang ng opisina namen. Hindi ako lumalabas dahil ayoko gumastos para mas mabilis makaipon at makatulong pa sa mga magulang ko. Masama ang ugali ng amo ko. Lagi akong pinapagalitan kahit wala naman akong ginawang mali. Salesman ang pinasukan kong trabaho pero hanggang ngayon "under training" paren ang status ko. Sobrang disappointed ako sa buhay ko ngayon dito. At lagi kong inilalabas ang inis, galit, at lungkot kay Ish.

Ito ang naging dahilan kung bakit lagi ko siyang inaaway, pinagseselosan, pinag iisipan ng masama, kinokontrol, at kung ano ano pa.. ngayon...wala na si Ish.. sabi nya na-fall out of love na daw sya.. hindi ko alam ang gagawin ko. wala akong pera.. mag isa ako dito. Wala akong makausap. Minsan iniisip ko na lang na magpakamatay dahil wala naman silbi ang pagtitiis ko dito. Pinagsisisihan ko kung bakit pumunta pa ako dito. Sinisisi ko ang sarili ko dahil sa nangyari sa amin ni Ish. Ayaw na nya ako bigyan ng chance...

Tulungan niyo ako. Na-stroke na ako last year, feb 15. Minsan iniisip ko sana ma-stroke nalang ulit ako. Puro dasal na lang ang gingawa ko. Patuloy ko paren siyang sinusuyo sa email at txt. Pero hindi na sya nagrereply. Tulungan niyo ako. Pagod na pagod na ako. Di na ako nakakatulog. Please.... ano dapat kong gawin. Hirap na hirap na ako. Inaamin ko, nagkamali ako, naging selfish ako.. demanding, at kung anu ano pang negative traits ang pinakita ko sa kanya.. pero ngayon ko lang ito lahat narealize. Before hindi ko alam na mali na pala yung ginagawa ko. Huli na ang lahat.. sobrang sinisisi ko sarili ko... sana mapatawad na nya ako.. tulungan niyo po ako please... hindi ko na po kaya..

------------------
Answers: (1st one from our Psychiatrist, the 2nd from our Psychologist)

Dear Grecko,

Ang una nating bibigyan ng pansin ay ang iyong kalusugan. Dahil nastroke ka na, importante ang regular na konsulta sa iyong doktor. Dapat mabigay ang nararapat na mga gamot para macontrol ang iyong presyon. Ang medical o pisikal na aspeto ng iyong kalusugan ay madaling matutulungan sa pamamagitan ng sapat na pagtulog, pagkain, exercise at mga gawain na nakakarelax o nagpapasaya. Lapitan ang mga kaibigan o kamag-anak. Ang nangyari sa iyo ay nararanasan ng maraming OFW.

Kung posible makakatulong ang pag-uwi sa ating bayan. Ayon sa iyong salaysay, wala namang magandang nangyayari diyan sa Saudi para sa iyo.

Dapat mo munang unahin ang iyong kalusugan. Marami ng gamot para sa Depression.
Mahirap at masakit ang nangyari sa iyo. Ang pagpunta sa isang Psychiatrist o Psychologist ay makakatulong sa pagtanggap at magbibigay linaw kung saang direksyon pupunta ang buhay mo.

Salamat sa iyong tanong.
Herman L. Sanchez, M.D.
Psychiatrist

Answer:

Hello Grecko,

Ang pagkasira ng isang relasyon ay talagang napakahirap. Maari nating sabihin na "traumatic" ang pangyayaring ito. Lalong lalo na kung pinaguusapan na ang pagpapakasal, at ang dahilan na napunta ka sa Saudi ay parang makapag-ipon para sa buhay ningyong magkasama. Higit pa dito, para sa iyo, mas mahirap harapin ito sapagka't iniisip mo na ang pangingilos mo ang dahilan kung bakit nawalan ng pagmamahal sa iyo si Ish.

Sa takbo ng panunulat mo, nadarama ko na ngayon ikaw ay nasa madilim at mababang lugar. Nakikita sa sulat mo ang mga damdaming mong wala nang pag-asa, wala nang magagawa pa at sakit ng loob na parang hindi na matitiis. Nakikita rin na ang isipan mo ay pabalik-balik at paikot-ikot sa mga nakaraang pangyayari at dahil dito ay nahihirapan kang magpatuloy ng mga gawain mo sa araw araw. Mahirap ang dinadaanan mo ngayon, nguni't kailangang mong malaman na ito ay normal na reaction, sapagka't nawala pa lang sa iyo ang pinakamamahal mo, yung iniisip mong magiging kabiyak pang-habang buhay. Mahirap maiisip ngayon na itong nadarama mo ay mapapawi rin sa pagdaan ng panahon. Nguni't kailangang paniwalaan mo ito. Hindi ito mangyayaring biglaan, hindi natin masasabi kung kailan mapapawi ito, nguni't kailangang paniwalaan na ito ay mangyayari. Mayroon ding magagawa upang matulungan ang sarili sa panahon na ito:

1. Sa kalagayan mo ngayon, Grecko, ikaw ay nakakaranas ng maraming simtomas ng depression, kaya kailangan mong mag consulta sa doctor o psychiatrist parang mabigyan ka ng anti-depressants na makakatulong so iyo ngayon.

2. Yung pag-dadasal na ginagawa mo ay ipagpatuloy mo. Malaking tulong ito. Maraming mga nakaranas ng katulad mo na nagsasabi na ang pagdasal daw ay nakatulong sa pagpapagaling ng kanilang puso at damdamin. Dito sa website na ito, may mga pictures ng Black Nazarene at nakalagay rin doon ang hymn na dinadasal ng mga tao. Click here to connect; ipatugtog mo rin yung video na nasa gitna ng pahina. Try this.

3. Sikapin na makapag-exercise ng kaunti sa araw-araw sapagka't ang pag-exercise ay nakakatulong mapawi ang nararamdamang depression

4. Gumawa ng schedule para sa buong araw at sundin itong schedule na ito maski mabigat ang katawan o iniisip na hindi kaya o ang karamdaman ay parang pagod na pagod.

5. Makipag-usap sa isang kaibigan, humingi ng tulong.

Pag masmalinaw na ang pag-iisip, kailangan mo ring patawarin ang sarili mo sa iyong mga ginawa na pinagsisisihan mo ngayon. At siguro kung ready ka na, maaring matanggap mo na ang decision ni Ish.

Salamat sa iyong sulat at kung mayroon ka pang gustong pag-usapan o itanong, Grecko, huwag mong kalimutan na "Hindi Ka Nag-iisa". Nandito kami para sa iyo.

Sumasaiyo,
Regina Diaz Goon
Psychologist
For service@OFWParaSaPamilya.com

--------------------
What would you tell Grecko? Submit your thoughts and questions on this topic by simply clicking on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!

Click here to set an appointment with a psychologist/doctor in the Philippines using our website.
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com

---------------------
----------------------------------------------------------------------------------------------
Family Care:
Confused by Marriage to an Older Man from a Different Culture
(Nalilito sa Pagkakasal sa Isang Mas Matanda at Kaibang Kultura)

Question: Rose (South Korea) Feb. 26,2009

Ano po bang gagawin? Me, I'm just confused in my life, now I'm merried with an old Korean guy. He's 50 years old, I didn't know korean culture; now (I) hear all their relatives keep asking me. Maybe it's because they feed us coz my husband has no job. Maybe it's my mistake. Sometimes, I hang out with my friends, going to disco to forget the problem, and i sleep in their house.

-----------------
Answer:

Dear Rose,

It is
difficult to marry someone from a culture that’s very different from your own, and it is also not easy marrying and living with someone who is much older than oneself. These are things that you appear not to have thought about and considered before marrying your husband. These difficulties will be there even if the couple deeply loves each other. I don’t know your reason for marrying your Korean husband, but if there was another reason for marrying him, then it may be very hard for you to try to make this marriage work. In addition to this, you say that he is unemployed, you did not mention whether this is a recent development or if he was already unemployed when you got married. His being unemployed puts you in a position where you have to rely on his family to care for both of you. This problem is something you have gotten yourself into because you may not have thought about things too carefully. You need to resolve this problem, and trying to forget the problem by going out to disco with your friends will only make it worst.

Thank you for your question,
Regina Diaz Goon
Psychologist
OFWParaSaPamilya.com


--------------------
Ano ang maipayo ninyo kay Rose? Submit your thoughts and questions on this topic by simply clicking on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!

Click here to set an appointment with a psychologist/doctor in the Philippines using our website.
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com

---------------------

--------------------------------------------------------------------------------------------
Family Care:
Increasing a Woman's Sexual Appetite
(Maenganyo sa pagtatalik)


Question:
Shine (Philippines) Feb 19,2009

Ano po mabisang vitamin para maingganyo ang babae makipagtalik? 40 years old na po. Thank you.

-----------------
Answer:

Hello Shine,

Ayon sa mga doctor namin dito sa OFWParaSaPamilya, walang vitamin o gamot na katulad ng Viagra para sa mga babae. Hindi natin alam kung bakit hindi pa sila nakakagawa nito. Nguni't maaring isa sa mga dahilan nito ay hindi lang dahil sa pagkakaiba ng katawan ng babae sa lalaki nguni't sa pagkakaiba ng "emotional make-up" ng mga babae sa lalaki. Dahil sa "emotional make-up" ng mga babae, iba ang pagtingin nila sa pagtatalik, at para sa maraming mga babae masmatagal pukawin ang sex drive kaysa sa karaniwang lalaki. Maraming dahilan ito, isa rito ang pagkakailangan ng pagkakarino at iba pang uring preparation o "foreplay" bago magtalik. Para sa mga babae ang pinakaimportanteng aspeto ng pagmamahalan ay ang "emotional bonding" at "caring" at ang pagtatalik ay ika nga parang huling estasyon or "final destination". Para sa mga lalaki, ang pagtatalik ay isa sa mga pangunahing pangangailangan at ang sex drive ay mas madaling pukawin.

Isa pang maaring dahilan bakit hindi masyadong naeengayo ang babaeng 40 years old na ay dahil sa karamihan ng responsibilidad sa pag-aalaga ng mga anak at pamilya. Mayroon ring kapaguran. Ang pinakamagandang paraan na harapin ito ay pag-usapan ng mag-asawa o mag-partner. Dapat ipaalam ng lalaki ang kanyang kailangan, nguni't importante ring pag-usapan ang nararamdaman ng babae at pakinggan ang kanyang hangarin at kailangan.

Salamat sa iyong tanong,
Regina Diaz Goon
Psychologist

OFWParaSaPamilya.com

--------------------
Tell us your thoughts and questions on this topic by simply clicking on the word "comments" just below. Or you may have your own ideas and suggestions on how to increase a woman's sexual appetite. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!

Click here to set an appointment with a psychologist/doctor in the Philippines using our website.
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com

---------------------


--------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:

Insomnia and weight loss
Insomnia ba ay dahilan ng weight loss?

Question: From Shine (Philippines) Feb. 19, 2009

Ano po ang mga dahilan ng weight loss..ang insomnia ba ay dahilan? Ano ang gamot ng insomnia?

---------------
Answer:

Dear Shine,

Ang pangangayayat na hindi sinisasadya (unintentional weight loss) ay maraming dahilan. Maaring symptom ito ng isang sakit katulad ng hyperthyroidism, type 1 diabetes mellitus, mga impeksyon tulad ng TB, o iba pang masmalalang kondisyon. Ang mga problema din na emotional katulad ng depression ay maaaring sanhi ng pangangayayat.

Kapag natutulog tayo, tuloy pa rin ang paggamit natin ng mga calories na nakukuha natin sa pagkain. Ang paghinga, pagtibok ng puso, pagpalit ng posisyon habang natutulog ay nakakapagsunog ng konting calories. Kapag hindi nakakatulog sa gabi, masmaraming galaw ang katawan, minsan bumabangon at naglalakad. Lahat ng ito ay gumagamit ng masmaraming calories kaysa sa pagtulog, kaya maaring mangayayat ang mga may insomnia.

Kung masyadong mabilis ang pangangayayat, importanteng bisitahin ang iyong doctor upang makagawa ng mga eksaminasyon.

Salamat sa iyong tanong.
Priscilla D. Sanchez, M.D.
Medical Coordinator
OFWParaSaPamilya.com

---------------

Follow up Question:

Thank you so much for caring to answer my letter...meron pa palang mga doctor na mababait na tulad nyo, where we can ask and receive answer of our queries. May God bless you more. Follow up question lang po: ano ang mga dapat gawin, kainin in particular to substitute those sleepless times para makabawi man lang...upang tumaba ng konti. Salamat po.

Answer:

Dear Shine,

Subukan mo uminom ng mga food supplements katulad ng Sustagen o Ensure. Ang mga ito ay "calorie-dense" at nakakapagpataba talaga. Kung wala kang gana kumain, subukan mo rin uminom ng mga pampagana na bitamina katulad ng Mosegor Vita o Appetens. Ang nilalaman ng mga ito ay vitamin B complex at pizotifen, na siyang nakakapagpagana sa pagkain. Ang side effect nito ay ito ay nakaaantok kaya maaari ring makatulong sa insomnia mo. Mayroong syrup ito o tableta, at iniinom ito bago matulog sa gabi. Maaaring gamitin ito hanggang isang buwan. Kung wala pa ring pagkakaiba sa timbang mo, mabuti talaga na magpatingin ka na sa iyong doktor upang makita kung may ibang sanhi ang problema mo.

Salamat sa iyong tanong,
Priscilla D. Sanchez, M.D.
OFWParaSaPamilya.com

--------------------
Tell us your thoughts and questions on this topic by simply clicking on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!

Click here to set an appointment with a psychologist/doctor in the Philippines using our website.
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com

---------------------


Monday, February 9, 2009

---------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:
Masakit ang Ulo, Sumusuka, Linalagnat at Pabago bago ang Blood Pressure
(Headaches, Vomiting, Fever and Fluctuating Blood Pressure)

Question: Nhel (Philippines): February 4, 2009

Gud day,
My tita po ako palagi masakit ang ulo at pag masakit na masakit ang ulo, siya ay sumusuka ng sumusuka, lahat ng kinakain niya ay sinusuka niya. Ano po kaya ang dahilan noon? Pabago bago din po ang kanyang blood pressure, minsan po may lagnat siya, nanlalamig ang paa. Ano po kaya ang dahilan noon?

-----------------
Answer:

Hi Nhel,

Maraming klase ang sakit ng ulo: mga tension headache, migraine, at cluster headaches ay tinatawag na primary headaches. Ang mga headache na sanhi ng trauma, mga tumor, o aneurysm ay tinatawag na secondary headaches. Ang pinaka dangerous dito ay ang mga headache na sanhi ng mga aneurysm o paglolobo ng mga blood vessel sa utak. Ito ay nakakatakot dahil kapag pumutok yang aneurysm, malala ang kalagayan ng pasyente. Kailangan magpatingin sa neurologist para makasiguro.

Ang lagnat ay sign of infection in most cases. At ang pagtaas ng blood pressure sa nilalagnat ay natural na reaction sa paglaban sa infection. Palagay ko pag nagamot ang infection, makokontrol ang blood pressure. Kung sabay nangyayari ang lahat na ito sa tita mo, baka may infection siya sa brain o sa balot ng utak na tinatawag na meningitis. Ang mabuti ay ipatingin ang tita mo sa neurologist kaagad.

If we can be of further service to you, Nhel, mayroon kami sa OFWParaSaPamilya ng mga board-certified neurologists na makokonsulta ninyo ng tita mo.

Ramon I. Diaz, Jr. M.D.
Medical Coordinator
OFWParaSaPamilya.com

---------------------
Tell us your thoughts and questions on this topic by simply clicking on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!

Click here to set an appointment with a psychologist/doctor in the Philippines using our website.
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com

---------------------
----------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:
Kulani Sa Ulo
(Lymph Adenitis in the Head)


Question: Rose Ann (Saudi Arabia): February 4, 2009

Hi. Ask ko lang ba't ba nagkakaroon ng kulani sa ulo. Sabi nila pag may sugat daw. Eh wala namang sugat yung anak ko sa ulo, pero my kulani siya.

------------

Answer:

Dear Rose Ann,

Importanteng malaman kung saan sa ulo nararamdaman ang kulani. Kadalasan ay lumilitaw ang mga ito sa leeg, sa ilalim ng panga, at sa paligid ng tenga.

Maaaring walang nararamdaman ang bata, ngunit minsan ay masakit ang mga kulaning ito. Lumalaki ang kulani bilang reaksyon sa sugat o impeksyon sa mga malapit na bahagi ng katawan. Kung mayroon siyang sore throat at namumula ito, maaaring lumaki ang mga kulani sa ilalam ng panga o sa leeg. Kung mayroong impeksyon sa tenga, maaaring lumitaw ang mga kulani na pumapaligid dito.

Ang mga kulani ay maliliit lamang, di man kalahati ng isang holen, at ito ay malalambot at gumagalaw. Kung mas malaki dito ang nararamdaman mo sa anak mo, matigas, and di gumagalaw, baka hindi kulani ito, lalo na kung ang lokasyon ay di pangkaraniwan. Mainam pa rin na maipakita ito sa doktor upang malaman kung ano talaga ang sanhi nito.

Maraming salamat sa iyong tanong.

Priscilla D. Sanchez, M.D.
Medical Coordinator
OFWParasaPamilya.com

--------------------
Submit your thoughts and questions on this topic by simply clicking on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!

Click here to set an appointment with a psychologist/doctor in the Philippines using our website.
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com

---------------------

Wednesday, February 4, 2009

-----------------------------------------------------------------------------------------------
Family Care:
Mga Sulat na Nagpapasalamat
(Acknowledging Your Thank You Letters)

From: Loyola (South Korea): December 24, 2008

Merry Christmas po! Salamat po sa inyong mga cards and mga messages na nakakatouch.... Parang napakasarap umuwi ngayong Pasko at makapiling ang mga mahal sa Buhay...Sa pagkakita ko ng mga cards at mga Belen's, napaluha kami, sa dahilang ngayon lang uling Pasko hindi kami makakauwi at makakapiling ang Pamilya...Pero katulad po ng mga messages nyo na maraming paraan, para makapiling sa pamamagitan ng pakikipag-usap, pakikipag-chat, or skype ay makakasama din namin ang aming mga mahal sa buhay....Maraming salamat po! Mabuhay po kayo!
-----------------

Answer:

Maraming salamat din, Loyola, sa iyong sulat at sa iyong tangkilik sa website natin.

-----------------

From: Kanaria 2448 (Canada): January 3, 2009

I have gone to the OFW Para Sa Pamilya website & I must say I find it so empowering & life giving. The stories & doctor's advice to individuals, who seek answers, live up to the motto of "Hindi ka nag-iisa. One Filipino. Never Alone." Viewing the website: its layout, colour scheme, photos, & individual stories has breathed life into what is merely a marker in the internet super highway. It is wonderful to know that in the midst of the speed of the internet rush, there is a time to take a moment - to breathe - in OFW PSP.

Visiting OFW PSP website is much like one speeding along down the highway. One needs to find a place to stop & rest. Driver glances @ the exit signs - food, exit 56; gas exit 68. Driver keeps going. Heritage site, exit 70. No, can go there next time. Waits for next exit.

Lodging, take the next exit. Ah! A possibility.

Driver takes the next exit. And what can be found? For some, a respite for tired eyes & weary muscles. Others, a mere stop for the long journey ahead. Still, for others, a new beginning to plant one's roots, start anew, leaving the life that once was. But for you....for you, this lodging is a place to rest your weary soul; a place of warmth & hearth, a place of belonging. A place to feel empowered to face the daily & often turbulent storms of life. A place to pose questions & get an answer. A respite. A place of stability. A place to be a part of something larger - a global family. To be a part of - not apart from - a family. A family not of strangers but of friends. A place to be you. Home. That's what OFW is. From what I have encountered that is the power of OFW.

Thank you to the website team, OFW staff, doctors, physicians, psychologists, specialists, for sharing your time, talents, resources, thoughts, & expertise. It is great to know that we are not just an insignificant one. We are ONE Filipino. Never Alone.

----------------
Answer:

Wow, Kanaria! Thank you so much for your kind words. We are all inspired to know that YOU, as ONE Filipino, find the site to be exactly what it strives to be--a place where each of our Bagong Bayanis and their families can go to, wherever in the world you are and whatever time of day, and know: "Hindi Ka Nag-Iisa. One. Filipino. Never Alone."

----------------

Submit your thoughts and questions on these letters by simply clicking on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!

Click here to set an appointment with a psychologist/doctor in the Philippines using our website.
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com

-----------------
------------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:
Stage 2 TB

Question: Rhea (Philippines): January 31, 2009

Ask ko lang po kung nakakahawa ba ang TB na nasa Stage 2 na?

--------------
Answer:

Dear Rhea,

Ang pagpasa ng mikrobyo ng tuberculosis sa ibang tao ay nangyayari sa pamamagitan ng tinatawag na "respiratory or aerosol droplets" na nanggagaling sa pag-ubo o paghatsing ng isang tao na may aktibong impeksyon. Ang isang ubo ay maaaring maglabas ng hanggang 40,000 na droplets na ito; isa lamang na droplet ay maaaring makapag-infect sa ibang tao.

Ang "tuberculosis stage 2" ay nagsasaad ng taong mayroong exposure sa taong may aktibong TB at may positive tuberculin skin test. Maari ring may nakita nang abnormal sa chest x-ray. Sa stage na ito, importanteng eksaminin ang plema upang makita kung may inilalabas na mikrobyo dito sa pamamagitan ng ubo o hatsing. Malalaman din kung may resistensya na sa karaniwang gamot laban sa TB ang taong may impeksyon.

Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa na may mataas na incidence ng TB, at marami na ring may resistensya sa mga gamot na ginagamit natin laban dito. Dahil dito, kadalasan ang stage 2 TB ay ginagamot na. Kapag nakaraan ang dalawang linggo ng paggagamot, hindi na nakakahawa ang taong may sakit

Salamat sa iyong tanong.

Priscilla D. Sanchez, M.D.
Medical Coordinator
For service@ofwparasapamilya.com

---------------------
Submit your thoughts and questions on this topic by simply clicking on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!

Click here to set an appointment with a psychologist/doctor in the Philippines using our website.
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com

---------------------
 
Web Design by WebToGo Philippines