---------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:
Masakit Paglumunok; Side Effect ng Sariling Skin Whitening Cream
(Throat Pains; Side Effects of Skin Whitening Cream)
Question: Jay (UAE), January 13, 2009
Question ko po is: hirap ako lumunok at may pananakit pag lumulunuk ako. Paghinahawakan ko ang part na masakit sa neck, masakit din kahit sa labas, at medyo sumasama ang pakiramdam ko, may feeling na lagnat at masakit ang likod ko. Uminom po ako antibiotic, amoxycillin 500mg, and pain reliever. Baka infection lang pero masakit pa din paglumulunok ako.
Salamat po sa sagot at ask ko lang din po: gumagamit ako ng Dermovate cream oitment, hinahalo ko sa Elopaque forte 4% cream, at ito pong 2 cream hinahalo ko sa Eskinol. Nakakapapaputi daw. Totoo po ba, at ano po ang side effect nito at ano po mabisa sa pagpapaputi sa skin.
Salamat po dr. GODBLESS.
------------
Answer:
Dear Jay,
Kung ang pananakait sa paglunok ay ilang araw mo lamang nararamdaman, may kasamang lagnat at sakit ng mga kasukasuan, marahil ay dahil sa infection lang talaga ito. Epektibo pa rin ang amoxicillin sa mga tinatawag na upper respiratory tract infection. Ngunit kung magkaroon ka ng ubo na may kasamang makapal o naninilaw na plema, at kung tuloy tuloy pa rin ang lagnat, baka resistant ka na sa amoxicillin. Kailangan ng masmalakas na antibiotic katulad ng cefalexin o cefuroxime. Kung lumipas na ang infection at wala ka nang lagnat ngunit mahirap pa ring lumunok, kailangan magpatingin sa specialista sa lalamunan (ENT specialist) para masilip kung may ibang sanhi ang iyong nararamdaman.
Tungkol naman sa pagpapaputi, ang regular na paggamit ng Dermovate ay hindi advisable. Ito ay isang steroid na dapat lamang gamitin para sa mga inflammatory condition ng balat tulad ng eczema o psoriasis. Ang paggamit ay hindi dapat tuloy-tuloy dahil nakakapanipis ito ng balat. Nagiging sensitibo ito sa kahit konting trauma. Maaari ring tubuan ng buhok.
Maraming mga mas safe na preparation na mabibili sa mga drug store katulad ng mga whitening creams na gawa ng Neutrogena o Nivea o L'Oreal. Ngunit kung matagal ka nang gumagamit ng dermovate/elopaque/Eskinol combination, baka may konting damage na sa skin, at ang pag-apply ng iba pang cream ay makapaglalala lamang ng problema.
Ang suggestion ko ay itigil mo na ang paggamit ng mga ito, except Elopaque kung sunblock ito. Gumamit ka na lamang ng sunblock everyday na may coverage against UVA and UVB, at least SPF 15. This will prevent further damage and may even repair some of it. Please see a dermatologist for advice on skin whitening.
Salamat sa iyong tanong.
Priscilla D. Sanchez, M.D.
Medical Coordinator, OFWParaSaPamilya.com
--------------
Submit your thoughts and questions on this topic by simply clicking on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!
Click here to set an appointment with a psychologist/doctor in the Philippines using our website.
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com
----------------
Friday, January 16, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment