-----------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:
Nakakabaog ba ang Laser at Ibang Machines na Ginagamit sa Reducing Salons?
(Fertility and Exposure to Lasers and other Machines Used in Reducing Salons)
Question: Jan (UAE), January 4, 2009
Nagtratrabaho ako dito sa UAE parang vicky belo puros pagpapaganda, Na-expose ako sa mga laser and radio frequency machines para sa pagpapapayat ng katawan, skin at ibat ibang pagpaganda sa katawan. Ako ang gumagawa nito sa cliyente, at worried ako dahil baka maka-apekto ito sa health ko, at baka hindi na ako magkaroon ng baby, if sobra ako expose dito. Nakakabaog ba ito or posible maapektuhan ang reproductive system ko?...Anung masamang dulot nito saakin.
Wala pa po akong anak at natatakot po ako baka nakakasama ito sa reproductive system ko. Everyday po ako na-expose dito, 9 hours ginagamit ko ito sa pasyente: laser liposuction, sa skin treatment, for hair etc. Sana matulungan nyu po ako. Nagaalala ako' hindi kasi ako makaalis dahil me kontrata ako dito sa trabaho.
---------------
Answer:
Dear Jan,
Wala pang mga published studies na nagsasabi na nakasasama ang mga machine na ginagamit ninyo sa clinic sa abilidad mo na manganak. Hindi naman iyan katulad ng mga x-ray machines na matagal na nating alam na maaring makabaog.
Ngunit ayon sa mga obstetrician-gynecologists na kasama natin sa OFWParaSaPamilya.com, masmainam pa rin na bawasan ang exposure, lalo na sa laser. Hindi pa claro kung ano ang maaring maging epekto nito sa abilidad mong mabuntis, ngunit mabuti na maging maingat.
Kung buntis ka na, lalo nang mahalaga ang pagbawas ng exposure sa kahit anong maaring makasama sa magiging anak mo. Dahil ang paggamit ng mga machine na ito ay bago pa lamang, wala pang mga report ng posibleng masamang epekto nito sa pagkabuntis.
While you are of child-bearing age though, it is reasonable to exercise caution and to have regular check ups with your gynecologist.
Salamat sa iyong tanong.
Priscilla D. Sanchez, M.D.
Medical Coordinator
----------------
Submit your thoughts and questions on this topic by simply clicking on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!
Click here to set an appointment with a psychologist/doctor in the Philippines using our website.
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com
----------------
Monday, January 5, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment