Friday, July 31, 2009

Differences in Vaginal Discharge

-----------------------------------------------------------------------------------------
Pagkabuntis
(The Differences in Vaginal Discharge)

Question: Blue (Canada), July 10, 2009


Good Day!

I just want to ask again regarding po d2 s topic na to.two weeks ago i have had my period and i consult to u Doctor about my 1st problem and im very thankful po sa naging responds nyo po skin. now theres a thing bothering to me again coz this past few days i have lots white discharge at first it started like glue and now its white discharge like water. i read some issues regarding this my discharge have no smell..but im still worried more than two weeks n pong tapos ung period ko po ovulation po b nangyayari skin po now? pero very unlikely po kc nangyayari skin now..signs po b i2 ng pagkabuntis? sometimes i felt heartburn din po. kaya worried p rin po ako. im still waiting 4 my next period po to take pregnancy test.
thank u so much po sa pagbasa ng message ko po and all answer will be appreciated.more power and Godspeed.

---------------------

Answer:

Normal ang pagkakaroon ng vaginal discharge, at ang mga katangian nito ay naiiba depende sa cycle mo.
Ang maputi at makapal na discharge na parang glue ay lumalabas sa umpisa o katapusan ng mestrual cycle mo. Kung may pangangati, maaaring indikasyon ito ng yeast o fungal infection. Ang discharge na clear at "stretchy" o nahihila nang hindi napapatid ay maaaring indication ng pag-oovulate mo. Yung parang tubig na lumalabas ay maaaring lumabas at any time of your cycle. Pwedeng masmalakas ang paglabas nito pagkatapos mo mag-exercise. Kapag yellow o green ang discharge at may mabahong amoy, o kaya'y mukhang "cottage cheese", indikasyon ito ng impeksyon na kailangang ma-address sa lalong madaling panahon. Kapag nag-oovulate, minsan nagkakaroon ng spotting ng dugo. Maaari din ito mapuna early in pregnancy. Kung kaunti lamang ang dugo na lumabas sa oras ng susunod mong regla, dapat ka na talaga magpa-pregnancy test.

Maraming salamat at good luck sa iyo.
Priscilla D. Sanchez, M.D.
Medical Coordinator
OFWParaSaPamilya


---------------------

Submit your thoughts on this question by clicking on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!

Click here to set an appointment with the psychologists and doctors on our website.
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com

----------------------

Friday, July 17, 2009

DNA Test Kits

------------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:
DNA Testing

Question: Daniel (United Arab Emirates), July 15, 2009


DNA swab test kit, I would like to ask your contact details and concern person to arrange my DNA swab test for paternity test.

Thanks

---------------------
Answer:

Hi Daniel,

Among the major hospitals, only St. Luke's Medical Center performs this test. If you are interested in doing this test within a hospital setting, you may call St. Luke's medical Center at 7230101 local 4106. They will require you to set an appointment for the testing one to two weeks beforehand. Results will be available after 2-3 weeks.

The DNA test kit is distributed by a company called DNA Solutions, which has an office in Quezon City. Their contact number is 7032155. These test kits may be used at home and are far more affordable than hospital testing. However, if you are planning to use the test results to file a legal case or a lawsuit, please inquire first regarding proper procedure with a lawyer. Results may not be admissible in court otherwise.

Thank you for your question and good luck to you.

Priscilla D. Sanchez M.D.
Medical Coordinator
OFWParaSaPamilya.com


---------------------

Submit your thoughts on this question by clicking on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!

Click here to set an appointment with the psychologists and doctors on our website.
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com

----------------------

Monday, July 13, 2009

Butlig sa Braso

-------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:

Problema sa balat or Skin disease

Question: Yna (Malaysia), July 8, 2009


May bigla po tumubo n mga butlig butlig s braso ko.hindi nmn po makati..kya lng dumadami xa..anu kaya possible n pede ko gawin..ginamitan ko po xa nizoral cream..tnx


----------------------------

Answer:

Dear Yna,

Ang pag-diagnose ng sakit ng balat ay mahirap kung hindi nakikita ng doktor ang problema. Gaano kalaki ang mga butlig? Gaano karami na ngayon? May iba bang bahagi ng katawan na tinutubuan? May tubig ba sa loob ang mga ito? Ang balat na pinapaligiran ba nito ay namumula? Kung walang kati, may masakit o manhid ka bang napupuna?

Ang mga skin lesions ay maaaring allergic ang sanhi, o kaya'y impeksyon katulad ng virus o bacteria o fungus. Kung may iba kang sakit katulad ng diabetes, maaari ring maging sanhi ito ng mga sakit sa balat. Ang Nizoral ay para sa fungal infection. Kung wala ka talaga nito, hindi mawawala ang problema. Kung wala kang mapuntahan na dermatologist sa iyong kinaroroonan, maaari mong kunan ng picture ang mga butlig at i-email sa amin para maikonsulta namin ang aming kasamang dermatologist dito sa OFWParaSaPamilya.

Salamt sa iyong tanong.
Priscilla D. Sanchez, M.D.
Medical Coordinator
OFWParaSaPamilya.com


---------------------

Submit your thoughts on this question by clicking on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!

Click here to set an appointment with the psychologists and doctors on our website.
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com

----------------------

Sunday, July 12, 2009

Polycystic Ovarian Syndrome

---------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:
Polycystic Ovarian Syndrome

Question: Aprilanne, (Canada) July 7, 2009


14 years old po aq nun nlman ko po na me Polycystic Ovarian Syndrome po ako.. As years past po hindi po ko nagkkaroon ng regular menstruation at kdalasn hindi po ako ng reregla.. ngayon po 23 years old na po at kakasal ko lang po last year ng september tanong ko po may possilities pa po ba ako na magkaanak dhil po gusto po nmin ng asawa ko na magkababy ano po ang chance ko kung ang kondisyon ko po ay ganito nga?? at matutulungan nyo po ba ako para ako ay mabuntis?

meron din po ba kayo alam na nag papa PATERNITY DNA test po sa pilipinas at kung meron po magkano po ba ang pinakamura?


salamat po sa oras niyo at sana po ay matulungan niyo po ako...

-----------------------
Answer:

Dear April,

Ang polycystic ovarian syndrome ay nakikita sa mga babaeng katulad mo na nasa tamang edad para magkaanak. Madalas na sanhi ito ng "infertility", ngunit hindi lahat ng mga mayroon ng sakit na ito ay nahihirapan mabuntis. Kadalasan, ang mga nahihirapan na mabuntis ay hindi nag-oovulate o naglalabas ng itlog galing sa obaryo. May mga gamot na maaaring makatulong dito. Kung ikaw ay mabigat o mataba, kailangan mong ayusin ang diet mo at mag-ehersisyo upang pumayat nang kaunti. Maaaring makatulong ito sa ovulatory cycle mo. Importanteng magpatingin ka sa endocrinologist at obstetrician-gynecologist para kumpleto ang pag-aseso sa iyo. Handa kaming makatulong sa pag-areglo ng appointment para sa iyo pagdating mo dito sa Pilipinas. Maaari kaming tumulong sa paghanap ng laboratoryo kung saan gumagawa ng paternity testing.

Salamat.
Priscilla D. Sanchez, M.D.
Medical Coordinator
OFWParaSaPamilya


---------------------

Submit your thoughts on this question by clicking on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!

Click here to set an appointment with the psychologists and doctors on our website.
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com

----------------------

MAILBOX Q&A (Ang Inyong Mga Katanungan)

------------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:
Pagbubuntis

Question: Honey (Canada), July 8, 2009

Maari po ba akong mabuntis kung nakipagtalik ako sa panahon na my regla(una at sa ika apat n araw ng regla)?Dalawang linggo pagkatapos ng regla maari po ba akong magpregnancy test? Nakadama po ako ng mananakit ng dede sa magkabilang gilid, sintomas po ba ito ng pagkabuntis? S alamat po ng marami sa pagbasa,umaasa po ako na inyo pong matugunan ang aking mga katanungan.

-----------------------
Answer:

Ang mg araw ng pagreregla ay ang safest days na makipagtalik kung ayaw mabuntis ng isang babae,
dahil sa mga araw na ito, walang egg ang mafefertilize ng sperm dahil hindi handa ang matris na tumanggap ng fertilized egg. So maliit ang posibilidad na buntis ka, ngunit it is best kung makpa-pregnancy test ka talaga. And the best time to do this is when you miss a period for the first time kung regular ang cycle mo.

Salamat sa iyong tanong,
Ramon A Diaz M.D.
Medical Coordinator
OFWParaSaPamilya

---------------------

Submit your thoughts on this question by clicking on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!

Click here to set an appointment with the psychologists and doctors on our website.
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com

----------------------
 
Web Design by WebToGo Philippines