----------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:
Severe Insomnia, Hearing Voices and Under Stress
(Hindi Makatulog, May Naririnig na Bumubulong, at Naiistress)
Question: Gil (South Korea) March 1, 2009
dec. 17 po ng makaramdam ako ng panginginig ng katawan dhil nagalit ako sa asawa ko, then cmula nyun nakaranas ako ng hirap matulog. After 1 month, nagpatingin ako dto, sabi ng doctor severe insomia daw sakit ko. Binigyan ako ng gamot which is CLAMOX 3X a day for 2 weeks and Zypraxia once per day for 2 weeks. Uminom ako ng clamox for 2 weeks and 4 na beses lng ako nakainom ng zypraxia. Then inihinto ko na kasi akala ko ok na ako dahil gumanda ang pakiramdam ko. After few days ng paghinto ko, bumalik yung insomia ko at mas grabe na halos 1 oras lang tulog ko. Nagtry ako ng herbal tea like chamomile , lemon balm at lavender and exercise, banana, other fruits. Nakapag-take din ako ng valium 2 mg. Once lang ng makaramdam ako ng anxiety, nagpacheck up ako ng ecg at x ray. OK naman po laht, sa ngayon po nakaktulog na rin ako at least 5 to 6 hrs per day.
Kahit po pagigising ako sa gabi, nakakatulog ulit ako, kaso po yung mind ko, marami pong pumapasok sa isip ko at hirap mag decisyon, parang nalilito ako sa maraming bagay. Lalo na po nag-bible study ako sa jehovah witnesses pero catholic po ako. Nakatulong sa akin yung bible study, pero masaya ako sa pagiging catholic ko. Minsan meron akong naririnig na munting tinig na bumubulong sakin, or mga salita na umuulit sa tenga ko lalo na "pugot ulo" kasi noong time nahihirapan ako matulog yung kalapati ng anak ko kinain ng daga. Ikinuwento niya sakin na pugot ang ulo ng kalapati nya at na narecord naman sa isip ko yun. Sa ngayon kahit nag-improve na pagtulog ko pero yung takot sa mga naririnig ko nandun pa rin. Pero hindi ako nawawalan ng pag-asa at lagi po akong nagpray kahit oras ng trabaho pag nakakarinig ako ng mga tinig na gumugulo sakin. Nakakatulong din sakin yun mga babasahin na bigay sakin ng mga jehovah witneses kasi meron magagandang aral at kwento ng buhay. Nakaranas din po ako ng hirap ng paghinga dahil sa barado ang ilong ko, at pagdurugo ng ilong lalo na pagsinga ko. Kahit ngayon meron pa rin pakonti konti dugo at pumipintig ang sintido dito sa kaliwang bahagi ng ulo ko at yung gas spasm sa gabi minsan malakas ang tunog ng tyan ko. Isa rin dahilan ng hirap ng pagtulog ko.
Ano pa ho ba dapat kung gawin para po makarecover ng husto dito sa insomia ko na nagdulot sakin ng mental stress, emotional stress at physical stress? Almost 2 years na rin po ako dito sa korea, at sa april 6 po uuwi ako pinas. Isa rin ho bang dahilan ang homesick ko, kaya ako nakaranas nito? Maraming salamat po at sanay mapayuhan ninyo ako ng mga tama kung gawin ng tuluyan ng mawala ang panagamba ko sa isip at puso ko. God bless po!!
-----------------
Answer:
Hello Gil,
Dahil sa nakakarinig ka ng mga boses, mahalaga na may gamot ka na antipsychotic. Ang Zyprexa o Olanzapine ay mabisa para dito kaya lamang ay may kamahalan. Nakakatulong din ito sa pagtulog. Dapat bumalik ka sa doktor mo para malaman kung gaano katagal iinumin ang gamot. Mukhang dapat ituloy pa ang gamot. Baka may mga tests na kailangang gawin.
Maganda din magpa CT Scan ng brain para makasigurado. May high blood ka ba? Ano ba ang edad mo? May history ba sa pamilya o lahi ng karamdaman sa pag-iisip? May bisyo ka ba? Nabanggit mo ang gamot na CLAMOX. Ano ba ang nakasulat na GENERIC na pangalan ng gamot?
Sa iyong pagbalik sa Pilipinas, magkonsulta agad sa doktor at dalin mo ang resulta ng mga tests na ginawa sa iyo.
Salamat sa iyong tanong.
Herman L. Sanchez, M.D.
Psychiatrist
Editor's Note:
Gil, kung nais mong mag-appointment sa isang magaling na doktor sa Pilipinas, kagaya ni Dr. Sanchez, mag-email, text o' mag-click dito, parang maayos ang appointment kaagad sa pagbalik mo sa April 6.
--------------------
Submit your thoughts and questions on this topic by simply clicking on the word "comments" just below. Ask questions. Click on Magtanong sa Doktor or Magtanong sa Psychologist. Share your thoughts, feelings and experiences. Stay in touch!
Click here to set an appointment with a psychologist/doctor in the Philippines using our website.
Click to return to website: www.ofwparasapamilya.com
---------------------
Sunday, March 1, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment