--------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:
High Blood Pressure
Question: Jesus, (South Korea) Aug. 14, 2009
Hello po dok, ask ko lang po kong papaano bumaba ang blood pressure ko, kasi mataas nasa 140 minsan 150. Kaya minsan ako'y nahihilo po, at isa pa dok nanghihina ako lagi konting kilos ko lang pagod na ang mga joints ng mga paa binti at malalim minsan ang paghinga ko. At sya nga pala dok may itatanong po ako, saan po ako makapag pa check ng dna test na mura. Kung pwede dok pakibigay niyo po ang tel.no.,kahit saan sa nbi at hospital. Sa St.Luke's, kasi tinanong ko na masyadong mahal. Kung pwede dok sa nbi na lang baka mura pa. Sige po dok, salamat makakaasa po ako dok na sasagutin niyo nangungulila kong tanong po sa inyo. God bless and more power to you!
-------------
Answer:
Hi Jesus,
Kung ikaw ay bata pa, kadalasan ay may ibang sanhi ang alta presyon mo at importanteng mahanap ang mga ito. Kung ikaw ay 40 years old and above at may lahing high blood pressure, maaaring namana mo ito. Gamot pa rin ang pinaka-mabisang pamamaraan upang mapababa ang blood pressure, pero hindi naman kita mabibigyan ng prescription dahil ikaw ay nasa ibang bansa. Ang mga ibang pamamaraan na hindi gumagamit ng gamot ay ang pagbabawas ng asin o alat sa pagkain, pagpili ng isda at gulay at prutas imbis na baboy o baka sa iyong diet, at pagpapabawas ng timbang sa maayos na pamamaraan kung ikaw ay overweight. Masmabuti pa rin na magpatingin sa doktor upang mausisa nang mabuti ang iyong alta presyon.
Tungkol naman sa pag-contact sa NBI, since mayroon ka namang computer, pwede mong i-access na lang ang kanilang website upang mahanap ang telephone number nila.
Salamat sa iyong tanong.
Priscilla D. Sanchez, M.D.
Medical Coordinator
OFWParaSaPamilya
Monday, September 21, 2009
--------------------------------------------------------------------------------------------
Medical Care:
Pulmonary Tuberculosis
Question: Mardi, (Philippines) Aug. 11, 2009
Doc pano po ba at saan pwede maka ask ng gamot para sa TB dahil concern lang po ako baka makahawa pa si,ya sa iba dahil di pa siya nabigyan ng gamot nong ang result niya ay minimal at ngayong ptb na ay ganon pa rin, di pa rin nabigyan. Ang sabi po ay ini-evaluate pa daw po siya at nong mag ask po siya sinabi na di pa naman daw po siya namayat kaya ok lang daw po. Don po sila nag pa check up sa Perpetual Hospital hanggang ngayon dipa rin siyaa nakainom. Sana po ay mapansin po ito at ako po ay nagmamakawa na sana po ay matulungan po siya na makainum na ng gamot at saan po dapat pumunta..
-----------------
Answer:
Hi Mardi,
Importante talaga na magamot ang pulmonary tuberculosis dahil nakakahawa ito. Ang chest x-ray ay una lamang sa mga eksaminasyon na kinakailangan. Ang ibang mga eksaminasyon na maaaring gawin ay ang tuberculin skin test at ang mga test sa plema. Kung siya ay inuubo, linalagnat, at nangangayayat, siguro ay kailangan na talaga siyang mag-umpisa ng gamot. Kapag nakainom na siya ng gamot ng 2 linggo ay hindi na siya nakakahawa. Ngunit ang paggamot ng TB ay mahirap at matagal kaya mainam na makita siya ng isang internist o kaya'y lung specialist.
Handa po kaming gumawa ng appointment para sa inyo sa isa sa mga doktor namin. Kung matuloy po kayo, pakidala na lang po ang lahat ng mga x-ray at ibang resulta na nasa inyo para hindi na kailangang ulitin ang mga ito.
Maraming salamat sa iyong tanong.

Subscribe to:
Posts (Atom)